Kaibigan, para sa iyo ano ang kaibigan?
Di nyo maitatanggi na may iba't ibang ugali sila.
Kagaya ng mga sumusunod
Mabait at hindi
Maayos at magulo
Ilan lang yan sa mga yun. Minsan nga sa hindi inaasahan pagtatagpo may makikilala tayong Isang tao na tatraydor pala sa atin sa kanilang banda.
Magbibigay ako nang Isang tagpo kung saan ang sinasabi kong pagtatraydor ay nangyari
May sinabi kang Isang sekreto sa kaibagan mo. Ang kwentong iyon ay tungkol sa matagal mo nang gusto. Sinabi mo sa kanya na wag itong ipapaalam sa iba dahil sa mga bully nyo sa paaralan. Pero ang hindi mo alam ay sinabi na nya Ito nung naka talikod ka.
Sa tinggin nyo ano ba pwedeng itawag dun?
Siguro para sa akin isa syang traydor or yung tinatawag natin ngayong fake friend.
Kahit pasabihin nilang maliit na bagay yun ay Isang matinding kahihiyan din yun sa taong sinasabi ng tsismis
Kunwari ako nagtraydor ako sayo sa maliit na bagay na yan. Sa tingin mo magtitiwala ka pa sa akin. Kung yung maliit na bagay na yan ay trinaydor kita. Sa malaking bagay pa kaya . Sa tingin ko hindi ka na makapagsabi pa sa akin ng iyong sekreto dahil wala ka nang tiwala.
Yan siguro ang magiging kakalabasan noh
Meron ding kaibigang magulo at di maintindihan
Sa sobrang dami ng ugali sa Mundo hindi mo na alam kung sino pang tao ang pagkakatiwalaan mo. Pero kahit papano darating din ang nakalaang tao na tutulong sayo at magiging tunay mong kaibigan.
Maliit na advice ko lang sayo
Kilalaning mabuti
Siguraduhin
Tiyaking tunay sila
Intindihin
At unawainUpang maintindihan mo rin ang pagiging kaibigan mo para sa kanila
Hays,putulin ko na toh ha. Tawag na ko ng mga kaibigan ko. Basta't nandito lang ako handang maging kaibigan mo.
Written by Shine
YOU ARE READING
My Words
HumorThis is a simple explanation from me, from my own words . If you ask why I wrote this " It's because I'm one of the people that ask this or think it" that's all