Napahinto si Wynne sa tapat ng pinto sa silid ng parents ni Bryle.
"Palagay mo may nangyari sa dalawa kagabi?" Bryle's Dad voice.
"Hindi mo ba napansing nahirapan si Wynne maglakad kanina? Ganoon ako noong una natin diba?" Bryle's Mom voice. "Then, tanghali na silang nagising kanina, baka napagod kagabi."
"Siguro," Bryle's Dad again. "So now, are you happy?"
"Yes I am! Sana hindi sila magkakaproblema. Sana habang buhay nang magiging masaya ang anak natin!" Bryle's Mom.
"All we have to do is not to stop praying." Dad's answered.
"Yes we will! Yan lang naman sa ngayon ang tangi kong hiling. Ang magiging maligaya ang anak natin." Mom's said.
"Anong ibig sabihin ng pinag-uusapan ng mga ito.?" Tanong ni Wynne sa sarili. Nagmadali na s'yang umalis sa pinto at nagbalik sa kanilang silid ni Bryle, ng maramdaman niyang papalabas ang mag-asawa sa silid ng mga ito.
Sayang, baka pag-uusapan ng mag-asawa ang dahilan ng naganap na kasalanan, hindi na niya tuloy marinig ang mga 'yon dahil umalis na siya doon.
Pero natatawa naman siya sa naunang pinag-usapan ng mag-asawa. Naalala n'ya tuloy ang ganap kanina no'ng pababa na sila ni Bryle para mag-almusal.
Napahinto si Bryle at napasalubong ang mga kilay habang pinagmamasdan siya.
"Anong nangyayari sayo? Bakit ganyan ka maglakad?" Takang tanong nito.
"Ssshhh!" Itinakip niya ang hintuturo sa kanyang nguso. "Just an acting, para isipin nilang may nangyari... Ah basta alam mo na 'yon!"
Napatitig ito sa kanya at napailing na lang. Saka iginiya na siya pababa.
Hahaha! Akalain mo, effective 'yong acting n'ya kanina.Biglang bumukas ang pinto at dumungaw ang ulo ni Bryle. Napakunot ang noo nito ng makita siyang abot hanggang taenga ang pagkakangisi.
"What's funny here?"
"Huh?! Sambit n'ya na kaagad napalingon dito.
"Anong nakakatawa rito?"Pumasok na ito at umupo sa tabi n'ya, sa gilid ng kama.
"Ah eh kasi... Pababa sana ako kanina para sundan ka, ng marinig kong nag-uusap sina Mom and Dad mo,."
"Ah!" Patango-tango ito. "So, anong pinag-usapan nila?"
"Ahm, narinig ko lang, huh? Hindi ko sadyang makinig, nakaawang kasi ang pinto no'ng dumaan ako, kaya narinig ko,"
"Ano nga 'yong pinag-usapan nila?"
Akala niya ay magagalit ito pagkatapos niyang sabihin ang mga narinig. Napangiti rin naman pala ito.Pero pagkaraan ng ilang sandali, ay naging seryuso ang mukha nito. At tiningnan siya ng napakamakahulogang tingin.
"Paano mo naman nalamang gano'n ang pagkakalakad ng na first time? At paano mo nalaman kung gaano ka sakit?"
"Hooowooi!" Namilog ang mga matang sambit n'ya. "Wag mo nga akong pinag-iisipan ng kung anu-ano, huh? NGSB kaya ako!"
"So, paano nga? Bakit mo nga alam?"
"Luh! Seryuso ka teh? Syempre, sa mga naririnig, at mga nababasa ko. Doon ko nalaman."
Ang Sama ng tingin nito sa kanya akala yata nito'y own experience n'ya 'yon.

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED GROOM
Ficção GeralNakatakdang ikasal si Wynne sa isang lalakeng ni Hindi nya kilala, kahit sa pangalan man lang. Halos ikamatay nya ang problemang iyon, lalo na ng malaman nya mula Kay Bryle ( ang taong labis na labis nyang minamahal ng lihim) na, pinsan daw nito ang...