𝘤𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 5

3.3K 185 48
                                    

Nandito pa rin ako sa gate ngayon at nag-aabang kay Jungkook na sunduin ako.

Jungkook:

I'm on the way.

Muli akong napatitig sa cellphone ko dahil sa text niya. And I still can't believe I'm going to marry the cutest shit in the world.

Maya-maya ay narinig ko ang busina ng sasakyan ni Jungkook.

Lumabas siya sa sasakyan niya at voila! Naka kidnapper outfit ulit.

"Let's go." He mouthed but I pretended not to understand him which made him move closer.

"I said let's go." muling sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"T-teka!" sabi ko naman kaya agad siyang napalingon sa akin.

"Samahan mo 'ko sa mall." sabi ko naman sa kanya but then he did something that is completely different from what I expected, he just smiled.

"You've been with me for a day and now you're asking me for a date?" nakangiting sabi nito.

"Ay. Gwapo ni koya. May bibilhin lang ako kaya samahan mo 'ko." sabi ko naman saka hinatak siya ngunit nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang sarili niya sa akin.

"What if I don't want to?" sabi nito ng may nakakalokong ngiti sa mukha. Kingina hindi na 'ko makapagsalita sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"Hey. Cat got your tongue?" sabi nito at idinikit ang noo niya sa akin.

Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya at hindi na makapagsalita.

"Try not to say anything and I'll kiss your useless lips."

"H-ha? T-tara na." nauutal kong sabi saka naglakad papunta sa sasakyan niya ngunit bigla niyang hinigit ang kamay ko dahilan para humarap ako sa kanya.

"Ayoko." tipid nitong sabi.

"Ayaw mo?" nakangiti kong sabi.

"Ayoko." ulit niya pa.

"Ganon ba?" sabi ko at mas lumapad ang ngiti. Tumango lamang siya at ngumiti.

"Sasama ka sa akin o sisigaw ako na kasama kita?"

"Go ahead, wifey." ma-pride nitong sabi ngunit nakita ko ang paglunok niya ng laway pagkatapos niyang sabihin ito.

"MGA KABABAYAN KO—" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil sa tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Fine. I'll go with you." sabi nito at inirapan ako saka pumasok sa sasakyan.

"If I get caught inside the mall with you, you are so dead." banta nito sa akin saka pinaandar ang sasakyan.

"Then kill me, Mr. J." nakangiti kong sabi. Mamamatay akong masaya kung ganon. Pero joke lang, endangered species na nga kaming mga dyosa ngayon tapos mawawala pa 'ko? Paano nalang sila diba?

"Hey, what are you laughing at?" tanong nito.

"Kaynano ba na ngatanan nga ak ginhihimo ginpapangutana mo?" ["Ba't ba lahat ng ginagawa ko tinatanong mo?"]

"Crap, don't you dare speak in that language ever again." sabi nito na parang inis na inis.

"Ambot. Di ak nasabot saim." ["Ewan. Di kita maintindihan."]

"Puta minumura mo ba 'ko?"

"Ay naks. Trashtalk lang bes?"

Napairap na lamang siya sa akin dahil sa sinabi 'ko.

~*~

Habang naglalakad kami sa mall ay pansin na pansin kong alertong alerto siya habang pinagmamasdan ang buong paligid.

𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠𝙚𝙙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon