Prologue

35 2 0
                                    


Athalia P.O.V

"Ang puti mo Athalia.." Puri nang mga kapitbahay namin. "Anong gamit mong sabon?" Tanong nila sabay halak-hak, "Sabon Reveal nayan!" Dag-dag pa nila.

Tumawa ako nang mahina. "Pinagsasabi niyo diyan, Safe Guard lang gamit ko." Totoo safe guard lang talaga gamit ko hindi naman ako mahilig sa mga products na pampaputi at natatakot rin akong gumamit baka kasi magdudulot lang iyon ng alergy sakin.

"Joke bayan?" Pangungulit pa nila.

"Hindi nga.. Nakuha ko lang 'yung kutis nang mama ko, Maputi kasi siya." Sabi ko sabay ngiti. Maraming nagsasabing ang puti daw nang mama ko noon nung dalaga palang siya, Na kwento niya rin saking maraming nagpapapasin sa kanya pero si papa lang daw pinili niya, Hindi na kasi masyadong maputi 'yung mama ko ngayon dahil siya 'yung naghahatid sundo samin gamit 'yung motor namin kase masyadong magastos 'yung pamasahe.

___

Agad akong bumalik sa bahay at lumapit kay mama. "Ma kailan pala uuwi si papa?"

"Matagal pa anak, Nako.. Kaya mag-aral nang mabuti ha? Dahil nag Sasakripisyo ang papa mo sa ibang bansa para lang makapagtapos kayo." Aniya. OFW kase iyong papa ko dahil sa kahirapan namin noon na halos wala na kaming makain, Ang trabaho lang kase nang papa ko noon ay nagbebenta lang nang Lugaw kaya ayon naisipan ni papang mag Trabaho sa ibang bansa para tustusan 'yung pag-aaral namin, Senior High na kasi ako Tapos may kapatid pa akong 1st year college so kailangan talaga namin nang malaking pera para sa pag-aaral.

"Opo ma.." Tumango-tango pa ako.

Bukas na Simula ng pasukan kaya medyo kinakabahan ako, Sabi kasi nila iba daw 'yung Senior High sa High School kase raw mas mahirap sa Senior High. Hindi pa naman ako matalino kaya nakakaramdam talaga ako nang kaba, Sabi pa nila ang hirap daw ng Gen Math, Bobo panaman ako sa Math.

Tatalikod na sana ako kay mama para pumunta sa kwarto ko nang tawagin niya ako.

Lumingon ako. "Po ma?"

Tinapos niya muna 'yung tinutupi niyang damit bago Lumingon sakin. "Iwasan muna ang pag Jo-jowa ha." Halos hindi ko na mabilang ang payo niya na bawal ako mag jowa, Masyado silang Strict ni Papa.

Okay lang naman sakin kahit hindi muna ako mag Jowa at uunahin muna ang Pag-aaral, Gusto ko din namang magjojowa ako after kung maka Graduate o Makahanap muna nang Trabaho pero...

Na cu-curios parin ako sa High School love,  Ano kayang pakiramdam nang may Jowa? Masaya ba?  O Sakit lang sa Ulo?

...

When Love LastsWhere stories live. Discover now