(1) Met

32 2 0
                                    

Athalia P. O. V

"Baon mo anak baka maiwan mo" Bilin ni mama. Agad ko namang kinuha 'yung baon ko at nilagay sa loob ng bag ko. Hindi ko ma explain 'yung nararamdaman ko kinakabahan ako na na e-excite sa pasukan mamaya..

Kagabi pa ako nag-iisip kung may magiging kaibigan ba ako mamaya sa klase, I'm an introvert person, Okay lang naman kase sakin kahit wala akong kaibigan pero minsan iniisip ko rin kung anong pakiramdam pag may karamay ka sa klase.

Maka alis na nga.

..

Wala sa sariling napakagat labi ako at pumasok sa loob ng Classroom namin, San kaya ako uupo? Nang makita ko 'yung bakanteng upuan sa gilid ay agad akong umupo doon at napabuntong hininga. God! Nahihiya ako na ewan! Bat pa ako nahihiya wala namang kahiya-hiya sa ginawa ko, pumasok lang naman ako sa room at tinitigan ako nang lahat! HAHAAHAHA ayoko ko kaseng maka agaw ng pansin ng lahat mas prefer ko 'yung hindi ako pinapansin.

"Hi.." Napalingon naman ako sa harapan ko at nakita ko 'yung kaklase kung babae, Medyo Chubby siya pero ang cute niya.

Ngumiti ako ng kaunti dahil sa hiya. "Hello.."

"Food Processing dito diba?" Tanong niya.

"Oum.. Oo.. Bakit?" Cookery sana kukunin kung strand kaso masyadong magastos.

Ngumiti siya pero may bahid iyon ng lungkot. "Wala lang.."

Medyo napaaga pala 'yung pag pasok ko kaya naghintay pa ako ng ilang minuto bago mag simula 'yung klase. Ako lang 'yung babae sa row namin at puro lalaki katabi ko.

Pero kahit nakatutuk lang 'yung mukha ko sa Cellphone ko. Alam ko naman pag merong nag mamasdan sa akin at 'yun ay yung katabi kung lalaki. Lumingon ako sa kanya at agad binalik 'yung tingin sa phone ko. Shet! Medyo type ko siya!

"Ang ganda at puti niya bro." narining kung bulongan. Lumingon naman ako sa nagsabi nun at agad naman itong siniko ng katabi kung lalaki.

Pinagmamasdan ko ang Side View niyang mukha, Oo na type ko siya nag kaka crush din naman ako pero syempre sinasarili ko lang Happy Crush lang ganun!

Pero ang akala ko.. Magiging kaibigan ko na 'yung nakausap ko kanina at may Magiging crush na ako sa loob ng klase namin pero shet! Huhu lumipat sila sa ibang section! Pinalipat sila ng Adviser namin shet na shet! Bat sila pa? Kung kailan may nakakausap na ako! Kahit introvert ako gusto ko rin namang may nakakausap kahit minsan lang! Bat hindi mo pa ako pinag bigyan Lord! Huhu.

Naiba 'yung sit arrangement pero ako nandito parin sa gilid, 'Yung nasa harapan ko ay dalawang mag best friend na babae. Wala sa sariling napasandal ko 'yung ulo ko sa gilid ng upuan ko.. Nabobored nanaman para akong pinagkaitan ng mundo hays..

"Bat ang tahimik mo?"  Napatingin ako sa dalawang babaeng nasa harapan ko na nakatingin na pala sakin.

"Ha?" Umupo ako ng maayus at hinarap silang dalawa.

Biglang tumaas 'yung isang kilay ng nasa harapan kung babae sabay CrossedArm. "Bingi kaba? Sabe ko bat ang tahimik mo."

"Nadia! wag ka Ngang ganyan, Wala namang ginagawa 'yung tao sayo." Pagsaway pa sa kanya ng kaibigan niya.

Shet! Hindi talaga nawawala 'yung mga pabida sa klase!

"Wala lang.." Simpleng sagot ko sa tanong niya at pilit na ngumiti pero kitang kita ko kung pano mas uminit 'yung ulo niya dahil sa sagot ko. Bawal na palang itikum 'yung bibig sa klase ngayon? Kailangan palang nakabuka lagi?  Sarap niyang sagutin pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin.

"Duh? Sherlene! Ang bingi niya kase! akala ko nga pipi eh!"

Wala sa sariling napataas 'yung kilay ko. First day of school palang pero parang may galit nanaman sakin ah! nanahimik lang naman ako sa gilid "Hindi ako pipi." Wala sa sariling nasabi ko at tumingin sa kanya ng deritsu.

"Sayang nga eh bagay sayo 'yung pipi ka." Nakangisi niya pang iinsulto.

Napabuntong hininga nalang ako at binalewala 'yung pang iinsulto niya.

Sabi nga nila Kung may taong may galit sayo, Wag na wag mo silang patulan at hayaan mo lang sila kase raw..

"Ganyan talaga 'yung mga Aso tumatahol kahit hindi kilala 'yung tao"

Napangisi ako sa na isip ko. "Okay.." Mahina kung pag sagot sa kanya.

Nang matapos 'yung klase ay agad kung binalik lahat ng mga gamit kung nilabas sa Bag ko pero biglang napakunot 'yung noo ko dahil nararamdaman ko talagang may nakatitig sakin, Inayos ko muna lahat ng gamit ko at nag simulang maglakad palabas pero ramdam na ramdam ko parin talaga na may nakatitig sakin kaya Napatingin ako dito at nag titigan kami ng lalaki, I immediately checked his face and yes I'll admit that he's handsome, He has thick eyebrows and beautiful eyes staring at me, Halatang matangos yung ilong niya and have a red lips, And also he have a two block hair cut, In short He's Perfect!!

Hindi ko pero bat ang lakas ng tibok ng puso ko?

Iba siya timitig eh, Parang hinihigop 'yung mga mata ko, Parang ayaw pakawalan ako, Yung parang ayaw maputol 'yung titigan namin. Tumitig din ako sa kanya ng deritsu at napatulala sa kanya, Ang perpekto niya! Tao ba' to? 

Napababa ako ng tingin sa outfit niya, Halatang mayaman..

But what was going through his mind and he was staring at me?

Nakakanginig ng tuhod 'yung titig niya ha! Para akong inaangkin at ayaw pakawalan!

Biglang naputol 'yung titigan namin ng biglang may tumulak sakin! Buti napahawak ako sa Armchair pero hindi iyon sapat para mabalanse ko 'yung katawan ko at agad akong napa upo sa sahig at napaungol sa sakit ng pwet ko, Kunot noong tiningnan ko 'yung tumulak sakin at sino paba? 

"Ops?" Nakangisi niyang usal sabay takip sa bibig niya. Si Nadia! "Sa susunod kase wag pakakalat sa daan."

Umiwas ako ng tingin at tiningnan 'yung pwesto ng lalaking nakatitigan ko kanina, San siya? pero... Bakit ko ba hinahanap?

Bwesit! Sakit ng pwet ko shet! Hindi ko alam kung makatayo pa ba ako i swear ang pula na nang pwet ko ngayon dahil sa lakas nang pagkakabagsak.

Bigla akong nanigas nang may pares na kamay ang humawak sa baba ng kili kili ko at tinayo ako!

Para naman ako nitong nadapa na bata tapos itinayo ng magulang!

Pero infairness ha? Ang dali niya akong napatayo hindi ba siya nabibigatan sakin? Kahit payat ako mabigat 'yung timbang ko kase malakas akong kumain.

Tinitigan ko 'yung tumulong saking tumayo at biglang nanglaki 'yung mga mata ko ng makita 'yung lalaking nakatitigan ko kanina, And we stared again! Mas gwapo pala siya sa malapitan, Maputi siya at ang kinis.

Ako 'yung pumutol sa titigan namin at biglang namula Shet! Napakagat labi ako at mas namula.

When I realized that we were staring at each other for almost 10 seconds earlier!

...

When Love LastsWhere stories live. Discover now