Chapter 2

30 2 0
                                    

Ang Bad Boy at ang Beking Teacher

Part 2

Lulan ng isang Pajero ay binabagtas na ni Jeremy ang daan patungong Quezon.

Bukod sa driver na nasa manibela ay may kasama pa siyang dalawang asungot.

Baka raw kasi tumakas siya ang sabi ni Jeremias.

Jeremias lang ang tawag niya sa ama.

First name basis silang dalawa.

Mula nang mamatay ang ina, nawalan na siya ng respeto dito.

"Huwag ninyong hahayaang matakasan kayo ng batang iyan! Bantayan ninyong mabuti." Mahigpit na bilin ng Chief Justice sa mga kinuha nitong body guards para maihatid siya ng maayos sa Quezon. Sa Hope Academy.

Wala nang epekto sa kanya ang anumang gawin ng ama.

Lahat ng uri ng pananakit. Emotional man o physical ay naranasan na niya mula rito. Ito  na lamang din ang sumuko sa pambubugbog sa kanya.

Manhid na siya. Wala nang kinikilalang sakit ang katawan at damdamin niya. He has reached the limit.

Pinutol at kinancel ni Jeremias ang lahat ng kanyang credit at ATM cards. Para namang magagamit niya ang iyon sa pupuntahang lugar.  Wala na rin siyang matatanggap na weekly allowance mula rito.

Pero wala siyang pakialam.

Kahit ang cellphone  niya ay binawi na rin ng ama. Wala siyang bitbit na kahit ano patungong Quezon.

Literal na itinapon na siya ni Jeremias.

Samakatwid, katawan lang niya ang bitbit sa pagpunta sa God-forsaken place na iyon.

Sumandal siya sa upuan ng sasakyan at ipinikit ang mga mata.

Bumalik sa kanyang gunita ang naging pag-uusap nila ng ama kagabi.

"You have to choose Jeremy. This will be the last time na kakausapin kita nang maayos. Papupuntahin kita sa Amerika kasama ng lolo at lola mo o dadalhin kita sa Hope Academy?" Singhal nito sa kanya.

"Bakit mo ko papipiliin? Ikaw naman ang nasusunod di ba?? Maangas na sagot niya sa ama.

Nagtiim-bagang ang Chief Justice sa anak.

"Bahala ka Jeremias sa kung ano ang gusto mo. Pero kahit saan mo ko dalhin, gagawin ko pa rin ang gusto ko." Sagot niya sa ama. Walang respeto.

Nagkuyom ng palad ang ama. Pinigilan ang sariling masaktan na naman sya.

Noon, kapag ganun ang sagot niya, suntok agad ang ibinabalik ng ama sa kanya.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses pinaputok ng ama ang kanyang bibig. Ang mga peklat sa kanyang mukha ay kagagawan nitong lahat. He hated his father more than anyone else.

Pero tila nagsawa na ito. Sa bahaging iyon ay nagapi niya ang ama. Napasuko na niya ito sa pananakit sa kanya.

"Alam ko namang sinasadya mo ang lahat ng ito Jeremy, kung nabubuhay lamang ang iyong ina...."

"Tumigil ka!" Sigaw niya. Nag-aapoy ang galit sa kanyang mga mata.

Natigagal si Jeremias sa nakitang galit sa mukha ng anak. Tila isa itong mabangis na tigre na anumang oras ay papatay ng kapwa hayop.

"Huwag mong idamay si Mama. Huwag na huwag mo siyang idadamay." Kuyom ang palad na banta niya sa ama.

Nakadama ng takot si Jeremias sa hitsura ng anak.

"Bukas na bukas ipahahatid kita sa Quezon." Kapagdaka ay sagot nito. Umiwas ng tingin sa kanya.

"Gawin mo ang gusto mo." Tugon niya sa ama bago ito tinalikuran. May sumilip na luha sa gilid ng mga mata ni Jeremy.

The BadBoy And The Gay Teacher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon