CHAPTER 77: COURTING HIS WIFE

3.4K 48 2
                                    

Pasimpleng sumilip si Haven sa bintana ng kanyang silid sa itaas habang tanaw na tanaw niya si Aries di-kalayuan sa kanya.

Nang sumapit kasi ang gabi ay nagulat si Haven nang magtayo si Aries ng tent sa mismong tapat ng waterfall house.

At napag-alaman niya na natulog si Aries sa kabilang kwarto sa itaas noong nagdaang gabi at hindi niya alam na nandoon na ito habang himbing na himbing siya sa pagtulog.

Pero mabuti na lang din at hindi siya nito nakita nang gabing iyon sa silid na inuukupa niya. At kung mangyaring ganun malamang hindi na naman siya nito titigilan.

At nang maligo siya kaninang umaga sa swimming pool nagkataon siguro na nasa kabila si Aries at doon ito nagtatampisaw.

Napapalibutan kasi ang waterfall house ng swimming pool at nang ikutin niya ang buong swimming pool sakto palang nandoon si Aries.

Kung sino pa naman ang tinataguan niya siya namang lumalapit sa kanya.

At ngayon nga natatanaw siya nito mula sa malayo.

Nakikita din niya ang glow in the dark na banner nito at iba't iba ang mga nakasulat sa gilid ng tent.

I'M SORRY, SWEETHEART! PLEASE, FORGIVE ME! GIVE ME A CHANCE!

Bakit sa tingin ba nito kapag ginawa nito iyon magiging maayos na sa kanya ang lahat?
Naawa naman siya dito dahil kanda hampas ito ng lamok sa katawan nito.

Pero wala na siyang pakialam. Bahala siya sa buhay nito!

Minabuti nalang niyang humiga sa kama. Maaga pa siya bukas dahil may ime-meet siyang tao.

Hanggang sa iginupo siya ng antok at tuluyang nakatulog

Samantala si Aries kanda-hampas sa kanyang mga braso dahil sa mga lamok na naglipana sa kanyang paligid at dumadapo ang mga iyon sa kanyang balat.
Goddammit!

Walang ibang choice si Aries kung hindi ang magtayo ng tent sa tapat ng waterfall house para lang ma subaybayan ang asawa.

He didn't know that she might suddenly hide again.

He was been traumatized after she left.

Ganun pala ang pakiramdam ng sinusuyo ang isang babae.

He has eaten all his pride! Wala na siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ng iba.

Hindi na rin niya kontrolado ang asawa niya.

She also has bodyguards around the waterfall house. Iniutos iyon ng lola Feliza niya.

Humingi na din siya ng tulong sa mga kaibigan niya at nagtanong-tanong kung paano paamuin ang isang babae. Kung kaya't sinunod niya ang suggestion ng kaibigan niyang si Paul.

He didn't know na ganun pala magtampo ang mga babae talagang sagad kung magalit.

Well, ayos na iyon kay Aries at least nakita na niya ito.

Nang makita niya ang asawa kanina kamuntik na niyang papakin ang mga labi nito.


How he misses her lips so much.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon