Dear NOBODYCARES,
First time ko magsulat ng mga bagay na weirdo na kung sakaling mabasa ng iba ei,pagtawanan lang...hahaha...ganun tatlo lng para di masyadong masaya..
Gusto ko lang ishare yung bagay na nararamdaman ko tonight...yung feeling na ewan..lonely ba tawag dito..
hay ako na yata ang pinakahopeless na tao sa mundo..biruin mu gumawa ako ng mga nakakatawang bagay para magkalovelyf(gf sana ilalagay ko) na alam ko namang di pwede kc nga pagaaral muna..may kapatid pang nagaaral..tulungan ang magulang..
wala akong kakwentuhan kaya ikaw muna pagbabalingan ko..12:00 n ng gabi tumunog c gshock ko ei...hekhek
magkwento tayo sa mga kaweirduhan ko na yan...
ELEMENTARY: PUNO NG KALOKOHAN,TAWANAN,IYAKAN,UTUSAN,PAGAARAL,PANINIPSIP!!?..hehehe..(ouch daw sbi nung iba..)
Masyado malawak para bigyan ng pansin ang pagibig..pero ako tanda ko pa..;-)kinder
Love: wala pa...di ko pa nga alam ung crush nun.
alam ko lng si amiel(kapatid) eh tinutukso ng tita ko na may crush daw kay lola na kapitbahay namin..Studies:top 1 aq dati..Aixel Romero
Section Jade Top 1..oh dba tanda ko pa..masipag ako magaral nun kc biruin mo..kada turo sa akin ng tatay ko at nagkamali ako palo ng patpat..
ganun si hitler ay este papa pala..pero nagamit ko rin naman yun nung grade 1 aq...Grade 1...
Eto yung malala..umuusbong na si puppylove..anu nga ba yung puppylove?Search mu kay google..
Sabi nga ng prof ko sa micro.("Di madamut si gugil namimigay siya ng 30 geg free stureyg")hahaha..parang sira lang..
Love:"Margarette Pineda"
kung fan ka ni Princess Sarah ..gnun yung dating nya saken,..matalino,maganda yung hair na parang di nagugusot..hihihi...naalala ko pa...naging classmate nya ngayon c crush ng forth year..kaso di ko na siya crush ang kacutan pla nawawala pag teenager ka na..
Studies: Yung umusbong si PuppyLove..ayun na..mula top 1 naging top 10..masyado akong naadik sa kanya(family computer)yung free sa dvd..hay naspoiled ...wala kc lagi sa bahay si hitler..di na aq maturuan..Grade 2: "Patricia Hermino"
Ito yung pinaka ewan..kc sa sobrang tahimik nito akala mo multo na..lagi ko siyang tinitignan nun..parang may mali..ay ewan..cute sya..long hair..mala "mini kim chiu" ang beauty ..medyo matalino rin..Studies:Balik sipag ulit ako nun..
Aixel Romero TOP 3.. Tapus sinabitan ka ng medal na gawa sa tanso..hekhek..si hitler kc bumalik sa pagtuturo..ayan no choice..
Love: bata pa lang super effort na ako sa crush ko..bka daw kc mapansin ako..one time nung pauwi na ko..nakita ko sya sa way na dadaanan ko..so ayun sinundan q..may problema nga siya sa kanila.. Biktima pala siya ng child abuse ng step dad nya..wala na pala yung mga parents nya...kaya lagi pala siyang tahimik sa skul.... At that tym na nakita ko siyang pinapalo ng Mokong nyang Amain..Di ko magawang lumapit...naalala ko si hitler..pero si hitler pinapalo lng aq pag makulit aq..pero eto grabi...naduwag ako nun ..ewan..
Nagtransfer sya at lumipat sila ng bahay mga ilang weeks after ko syang makitang ganun...nalungkot ako nun..sayang..di ko man lang siya naging friend...di ko man lang siya natulungan..Grade 3: Trixia mae Arnaiz
Eto yung crush ko na ewan ko ba kung bakit ko naging crush...siya yung rival ko ei...sa lahat.. Kung nakita muna si "Angelica Panganiban" nung bata..eto yun pramis..Studies: Consistent TOP 3..Aixel Romero..
Tanso ulit..medyo nagsipag ei .. Si hitler medyo masipag rin magturo..buhay pa rin si magic patpat at may kasama na rin siya...si magic kutos ..di magaaral ka talaga..Love: ayun nga si trixia ..secret crush ko sya kahit lagi ko siyang inaasar ..pinapaiyak(asa..)..ako pala pinapaiyak nya.. Kainis tlga yun..
One time may performance sa amin..singing..so di papatalo ang bida..
Aixel romero:singing "Kung Mawawala Ka" (sensya na yun uso nun..hekhek)
Kumanta rin sya wid halong pangaasar..baduy ko raw kc..
Trixia :singing "Bakit pa ba.."
Talo ang bida..tinalo ng crush nya..kc siya may palakpakan..Ako waley..hai..
Kahit sa studies.. Siya naging top 2 namin..Tas nung recognition namin.. Binati nya ako at nagsmile..sbi nya"Masaya ako na naging classmate kita".. Ang sweet ng smile nya..di ko tuloy mapigilang kiligin..hahahha..batang kilig lng..syempre crush mu ei...secret nga lang..
Pagkatapos ng year na yun..nagtransfer ako ng skul. Nadistino kasi sa batangas si hitler..no choice kundi sumunod..:-(Grade 4: "Kristel Manabat"
Ultimate crush ko to .. Ang cute nya sobra. At this age ...dito aq todong nainlove..hekhek..jowk.. Long hair.. Cute face .. Kung nakita mu yung mga model ng summit water..ganun.. Matangkad sken.. At orange belter ng Taekwondo..Studies: Top 2..mas lalo yatang sinipag inspire ei..hekhek..si hitler anjan pa rin..as always..
Love: yun nga..dito nagumpisa maging baduy.. Alam mu yun pasweet kahit mukang engeng..
One time nagbigay ako ng letter sa kanya..sa sobrang tyope ko pag bigay ko tumakbo ako..eh bagong floor wax floor namin sa skul..ending "Hahaha..si Aixel Nadapa.." ..oh dba epic.. Wala rin..after nun parang iniiwasan na ko.. Para bang may sakit aq tuwing lalapit ako sa kanya..hinayaan ko na lang..baka di nya ako type..nagtransfer ulit ako sa manila nung grade 5 ako..wala ei si hitler na iba na naman ng destinasyon..Grade 5: N/A
Bakit "N/A" wala ei..focus sa pagaaral..wala rin aman ako magustuhan sa room namin..pero nakilala ko na si rosejean..crush ko nung grade 6..di palang kami friend..Studies: Top 2 ulit..kelangan magsipag magagalit si hitler..
Love: Wapakels muna..;-)Grade 6:"Rosejean Mercado"
Medyo binata na tayo kaya..humahanap na ng maliligawan..simple,mabait,sweet at matalino..pero mas ako dun sa lahat ng bagay..hihihi..jowk..yabang...Studies: top 1 ..aixel romero..ginto atlast..angal..baka pinaghirapan ko yun..ang maging no. 1..
Love: number 2 pala ako sa puso ng crush ko.. May crush pala siyang iba.. Bestfriend pala ako sa puso niya..hai..cnu ba naman ako..matalino lang..di kasing galing ng crush nyang magaling magshoot ng bola(basketball)..
Naiinis ako pagkinukwento nya sa akin yung crush nya..(sa isip lang)..pero ayun nakikinig at nakikitawa sa mga kilig moment niya.. Nakarelate talaga ako sa kantang "kung ako na lang sana" ...di naman kasi siya type nung guy..
Pero ewan ko ba..dinadamayan ko pa rin..Ang saklap di ba..elementary lovelyf ko..parang ewan lang...sa lahat ng bagay na yan wala akong mashare-an..
Study first daw kc..tsaka na ang crush crush.. Kumusta na kaya tong mga crush ko.. (Meet and greet lng!!?)..yung iba kc di ko na nakita...hai...
tsaka na nobodycares yung hi -skul paghanda na ako ishare..:-(
PS: Still nobodycares..
BINABASA MO ANG
Dear Nobodycares,may care ka ba!?
RomanceStory ng cute at super papable na,pogi pa.. na sa future ay uunlad at magiging tycoon ..hekhek.. jowk..bhala na keung humusga..wala naman ako care!!? wag keung manggaya huh..konyat keu trenta..;-)