Chapter One

31 1 1
                                    

Kai's POV

Kanina pa kaming naghihintay dito ni Wheyth sa may ground ng mall dahil may Mall Show ngayon si Honey-my- loves Vince ko.Ito naman kasing mga Vincefever ang tagal makapunta dito.Kanina pa din kami text ng text at tawag ng tawag sa kanila pero ang sabi lang nila malapit na daw sila.Nakakainis lang.

"Oh, nakasimangot ka na naman?" tanong sa akin ng Bff kong bakla.

"Siyempre, sino ba ang hindi sisimangot ha? Tama rin bang pinaghihintay ang diyosa ng langit?Ha?" iritang sabi ko.

"Chos! Wag kasing sumimangot. Halika, libre kita ng paborito mong Potato Corner." masayang sabi niya habang nabuhayan naman ang buong katawan ko sa sinabi niya. Magic word na kasi para sa akin ang "Potato Corner" kaya alams na.

"Hahaha! Best, Omega akin ha? Yung ₱120." masayang sabi ko sabay kindat sa kanya.

"Takaw!" bulyaw niya.

"Mahal mo naman." saad ko.

Bumili na si magandang Wheyth sa Potato Corner habang ako takaw na takaw na kahit nakatitig lang ako sa mga fries.Wait, pakilala muna ako.By the way, I'm Kai Montero.18 yrs. old and a super duper fan ng isang gwapong artista na si Vince Redick.I love to paint, writing songs,poems at kung anu-ano pang maisipan kong isulat dahil medyo boring ang life ko kasi wala kong kapatid o pinsan na nandito sa Pinas.I'm half Spanish, One-fourth American and Filipino.Lahi pa ba iyan ng tao? Oo, mabubuhay ba si Kai Montero? Aish, utak ateng.My father is a hot singer, rapper and his a rockstar baby! He taught me everything. From being brave in facing problems in life.

"Nganga ka na naman? Oh eto na ang fries mo." sabi niya sabay bigay sa akin ng fries na binili niya.

"Ang epal mo talaga kahit kailan." sinti ko.

"Ang gandang epal ko naman." masayang sabi niya.

"GGSS!" tugon ko naman.Talagang gandang-ganda sa sarili iyang si Wheyth.

Sasagot pa sana siya kaso biglang tumunog ang cellphone niya. Hay! Saved by the bell.Nanahimik ako at kumain nalang sa tabi sa halip na makialam sa pag-uusap ng kausap niya.Nabigla naman ako dahil may biglang lumapit sa akin ng isang batang lalaking cute na cute.

"Hi baby." bati ko sa bata.

"Hey, beautiful creature. Can you help me? I'm lost.I lost my parents." sabi niya.Pakshyt to ah! Mukha ba akong lapitan ng mga nawawalang tao? Pero okay lang naman, kasi he just said lately na beautiful daw ako.Bawing-bawi naman.Haha!

"Okay. Pupunta lang tayo sa service ha? Halika." sabi ko naman sa kanya."

What language is that? Japanese? Taiwanese?" tanong niya. Kung sa ganoon nosebleed pala ako sa batang to.

"Best?" tawag ko kay Wheyth na agad namang lumapit sa akin.

"Oh, may kinausap lang ako sandali sa kabilang linya tapos ngayon pagbalik ko may anak ka na?" bulyaw niya agad na agad ko ding binatukan.

"Aray ha!" galit-galitan effect na sabi niya.

"Wag ka munang mag anak-anak diyan best. Nanosebleed ako sa batang iyan.Aish! Ikaw na nga ang kumausap.Hinahanap niya mga magulang niya." tugon ko naman sa pag aray-aray niya.

"Your lost baby right? Gusto mo ibenta kita? Ang epal mong bata ka." sabi ni best in sweet and romantic voice.Tsaka ko siya binatukan.

"Anong benta? Shunga ka ba? Gusto mo ikaw ang ibenta ko?" tanong ko sa kanya.

"Ang ingay eh! Sige na.Lalakad na tayo para pagkatapos nito lalayas na tayo." sabi ni best sabay hila sa akin.

Waaaaaaaa, Fafa Vince.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangirl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon