PROLOGUE

26 5 2
                                    

*********************************
" Do you wait for things to happen, or do you make them happen yourself? I believe in writing your own story."
*********************************

Francis' POV
"Miss sumama ka na sa amin." narinig ko sa eskinita

"Sige na wag ka na pumalag."

"Ayoko nga! Bitawan niyo ako." dadaan lang sana ako dapat di ako nakikialam sa buhay ng ibang tao

"Di ka madaan sa maayos na pakiusapan ah!" narinig ko ang tunog ng balisong

"Tulong! Tulong!"

"Wag ka sisigaw!" napansin ko na nakatigil na pala ako at nakikinig sa kanila

Nagdadalawang-isip ako kung tutulungan ko ba yung babae o hindi. Hayss naglakad na ako papasok ng eskinita. Bibili na lang ako ng ulam ko mapapaaway pa ako.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ng isang mama actually tatlong silang nakapalibot sa babae pero isa lang ang nakabalisong

"Wala lang nagpapahangin." sarcastic kong sagot

"Aba pinipilosopo mo ako."

"Bitawan niyo na lang siya para walang mangyaring di maganda." syempre bayani effects

Sumugod naman yung dalawa at madali kong nailagan yung mga atake nila at mabilis na napatumba marunong yata ako ng martial arts.

"Last warning bitawan mo siya." sabi ko

Binitawan naman niya pero bigla siyang sumugod sa akin. Pero nalabas ko yung ballpen na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko at yun ang pinansalag ko sa atake ko. Lucky Me!. Nasira yung ballpen ko kailangan ko ng weapon. Kinuha ko yung payong ko sa bag eto na lang pwede ko magamit.

"Yan na panlaban mo? Umuwi ka lang bata."

Puro salita kulang sa galaw. Hinampas ko siya ng payong sa leeg at humandusay siya sa sahig napalakas yata.

Pinuntahan ko yung babae na nanonood lang sa amin.

"Ayos ka lang?" pareho kami ng school pero ngayon ko lang siya nakita baka transferee

Tumungo lang siya. Pero may pasa at galos siya sa braso.

"Hatid na kita sa inyo." baka mapaano nanaman

"Wag na malayo pa yung bahay ko." sakto namang bumuhos yung ulan kaya pinayungan ko siya

"Kung gusto mo sa condo ko muna ikaw magpahinga? Malapit na lang dito." presinta ko feeling ko matagal pa yang ulan at sa pagkakaalam ko may bagyo

"Sige!" nginitian niya ako

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin

"Francis. Ikaw?"

"Jamie" sabay ngiti sa akin

Pagdating ko sa condo niluto ko yung mga pinamili ko. Nagluto ako ng adobong manok.

"Ang saaraap!" sabi ni Jamie

"Dapat lang"

"Hangin" bulong niya

"Narinig ko yun"

"Pinarinig ko talaga" sabay tawa niya

"Tss" wala ng nagsalita pagkatapos

Alas otso na pero di pa rin tumitigil yung ulan at sigurado ako nagbabaha na sa daan.

"Kung ok lang.....pwede bang akong matulog dito ngayong gabi lang?" dahil sa sitwasyon pinayagan ko rin siya

"Yehey! Thank you talaga!" sabay ngiti sa akin

"Teka saan ako matutulog?" tanong niya

"Sa kwarto"

"Eh ikaw?"

"Sa sofa"

"Talaga?"

"Ayaw mo?"

"Syempre gusto. Sige tulog na ako. Good night!" at pumasok na siya kwarto

"Yawn" humiga na rin ako sofa pero biglang bumukas yung pinto ng kwarto

"Teka pwede makihiram ng damit?" tanong ni Jamie

Kumuha ako ng plain white t-shirt at pajamas para ipahiram sa kanya.

"Sige good night ulit." di ko na siya sinagot at natulog na sa sofa

Paggising ko umuulan pa rin kaya naman binuksan ko yung t.v para manood ng balita at nalaman kong suspended na ang klase. Habang nagluluto ako ng bacon, eggs at fried rice narinig kong bumukas yung pinto.

"Good morning" at umupo na siya sa isang upuan sa mesa

"Teka paano nga pala yan wala akong dalang uniform!" nagpapanic siya ng sabihin niya yun

"Suspended"

"Ha?! Buti na lang pinakaba ako nun ah."

Pagkakain namin nagmovie marathon siya samantalang ako naglaro lang sa computer.

"Anong year mo na?" tanong ni Jamie

"Fourth"

"Talaga ako rin anong section mo?"

"Copernicus"

"Newton ako!"

"Bakit ba lagi kang sumisigaw?" tanong ko

"Hyper ako eh pakeelam mo ba?"

"Tss" naglaro na lang ulit ako at nanood ulit siya

Nagluto ako ng luncheon meat para sa tanghalian namin. Pagkakain namin hinatid ko na siya sa kanila gamit ang sasakyan ko. Pagdating namin sa bahay actually mansyon binaba ko na siya doon.

"Good bye thank you sa pagligtas sa akin" nginitian niya ako

"No problem" at umalis na ako

Kinabukasan pumasok na ako ng school. Naglalakad na ako papuntang grounds ng may kumalabit sa aking babae.

"Kuya alam mo ku---teka Francis?!" si Jamie lang pala

"Yeah ako nga bakit?"

"Samahan mo ako sa grounds."

"Sige sabay na tayo. Wag kang sigaw ng sigaw mabibingi na ako." di siya sumagot
*********************************
Vote niyo pagnagustuhan niyo at comment na rin kayo kung maganda ba o may tips kayo para mapaganda yung writing ko positive and negative feedbacks will be appreciated. Thanks :D
*********************************

Random Adventures of Two Hearts [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon