Chapter 4

24 4 1
                                    

*********************************
"You can be the moon and still be jealous of the stars."
*********************************
Francis' POV
Unang klase P.E ang subject namin at wala kaming teacher kaya tambay lang kami sa room pero may dumating na teacher.

"Copernicus P.E ba kayo ngayon?" sabi ng teacher

"Opo" sabi ng president namin

"Absent ngayon si Mr. Garcia kaya sasabay kayo sa amin mag-P.E." nalulumo naman ang mga mukha ng mga kaklase ko dahil akala nila free time

Nag-lakad kami papunta sa field. Nakita ko dun yung Newton nag-stretching na kaya sumunod na kami sa kanila. Pagkatapos namin mag-stretching pinanood muna namin silang mag-track and field. Umupo ako sa bandang harapan malapit sa kung saan tumatakbo yung mga Newton.

"Pre, napanood mo na Hyouka magandang anime yun mystery at slice of life." sabi ni Carlo siya lang yung nakakausap ko sa klase pareho kasi kaming mahilig sa anime tsaka sa mga online games

"Who comes last in the car will treat me hyouka" tinanggal ko na lang yun sa isip ko

"Oo"

"Sana may season 2 yun"

"Kaya nga"

Nanood na lang kami sa field nang may madapa malapit sa amin kaya ako na yung tumulong sa kanya.

"Ayos ka lang?"

"Mukha bang ayos lang ako?" sungit

"Ikaw na nga tinutulungan eh."

"Sinabi ko bang tulungan mo ako?" aba't

"Yun na nga eh ikaw na nga ang tinulungan ng kusa ikaw pa masungit." basag

"Tch"

"Kaya mo pa mag-lakad?" pag-iiba ko ng usapan

"Kaya ko pa" pero pagtayo niya natumba ulit siya kaya sinalo ko siya

"Sumakay ka na lang sa likod ko" sabi ko

"Talaga?" nabuhay yung dugo niya nung marinig yung sinabi ko

Tumungo na lang ako at sumakay na siya sa likod ko. Nag-lakad kami papuntang clinic.

"Bigat" pang-aasar ko

"Kapal edi ibaba mo na ako" sabi niya pero natawa na lang ako

Pag-dating namin sa clinic aba't walang tao.

"Walang tao?"

"Ikaw di ka tao ay oo nga pala hahaha ako pa lang tao dito."

"Kung nakakalakad lang talaga ako bubugbugin kita."

"Takot ako"

"Leche"

Iniupo ko na lang siya sa isa mga upuan habang hihinintay namin yung nurse.

"Salamat nga pala sorry kung masungit ako."

"Wala yun bawi naman sa pang-aasar." hinampas naman niya ako sa braso

"Ewan! Ako nga pala si Leah a.k.a Lei" sabi niya

"Francis" at nag-handshake kami

"So paano tayo makakaalis ngayon dito?"

"Cellphone?"

"Nasa bag ko hehehe"

"Ako rin eh"

"Buti na lang bukas ang ilaw dito sa clinic kasi takot ako sa--" napasigaw siya dahil nawalan ng kuryente

"Nasaan ka Francis kakainin ako ng mumu." anong pinagsasasabi nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random Adventures of Two Hearts [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon