*********************************
" You have to learn the rules of the game. And then you have to play better than anyone else."
*********************************
Francis' POV
"Ulit! Mali-mali mga sinasabi mo Bryan!" nandito kami ngayon kina Janine at ginagawa na namin yung project si Janine ang lider-kuno namin pero di namin yun magawa dahil laging mali-mali yung sinasabi ni Bryan sa script"Ikaw na lang kasi Francis!" sabi ni Janine
"Cameraman ako" tipid kong sagot
"Di naman yata porket sayo yang camera cameraman ka na" sabi naman ni Bryan
"Ako lang marunong gumamit nito."
"Talaga anong akala mo sa amin taga-bundok? Di marunong gumamit ng camera?"
"Mabuti ng sigurado baka masira"
"Di naman kami ganun ka-clumsy. Duh! Isa pa nga Bryan." sabi ni Janine
Nag-simula ng mag-salita si Bryan at malapit na niyang ma-perfect pero biglang naubo si Jamie na katabi ko.
"Sorry! Hehehe." sabay peace sign
"Pahinga muna tayo nakabila na yata si mama ng meryenda." sabay-sabay na kaming bumaba sa sala at kumain kami ng biscuit at uminom kami ng orange juice.
"Akala ko ba ipapakita mo yung kwarto mong malinis ha, Janine?"
"Mamaya mag-hintay ka!" confident na sabi ni Janine
Wala ng nagsalita at pagkatapos naming kumain tinuloy na namin ang paggawa sa project pero natapos pa rin namin bago mag-gabi.
"Dude ako na mag-eedit ng video akin na yung u.s.b." binigay ko na sa kanya yung usb
Si Bryan ang inuna kong ihatid dahil mas malapit yung bahay nila.
"Thanks dude bukas na lang. Bye Jamie." sabi ni Bryan
"Ge"
"Bye Bryan!"
Tahimik lang kami sa biyahe ni Jamie hanggang sa may nag-text sa cellphone niya.
"Francis saan ka kakain ng dinner?"
"Sa bahay, bakit?"
"Pwedeng makikain?"
"Sige lang"
Bakit naman kaya?
"Wala kasing tao sa bahay ayoko kasing maids lang kasama ko ang boring." ah kaya naman pala
Pagdating ko sa bahay nagluto ako ng corned beef na may halong patatas. Pagkaluto ng ulam kumain na kami.
"Paano ka natuto magluto?"
"Tinuruan ako ng mama ko."
"Ah close kayo?"
"Yeah"
"Ako naman daddy's girl si daddy nagturo sa akin mag-bake ng cookies."
"Nasaan na nga pala parents mo?" tanong ko
"Nasa France yung mommy ko dun siya nagtatrabaho. Pero si dad...." naluluha na ang mata niya
"Kahit wag mo na ituloy" pero di ko napigilan yung luha sa mata niya
Pinunasahan ko yung luha niya gamit ang daliri ko.
"Sorry ah namimiss ko kasi si daddy iyakin ko talaga" sabay tawa naman niya
"Bakit ka ngayon natatawa?"
"Wala lang bakit mas gusto mo ba akong umiiyak?"
"Just kidding kumain na lang tayo di kasi bagay sayo yung umiiyak." tumungo naman siya at nginitian ako
BINABASA MO ANG
Random Adventures of Two Hearts [ON-HOLD]
RandomWhen they met each other their lives reach its turning point that change their life forever. But what they didn't know, they were bound by fate to love each other.