Wala akong ibang pangarap kun'di ang magkaroon ng totoong kaibigan. Iyong masasabi kong hindi ako iba-backstab kapag may nakuha akong achievements, magiging masaya nang tapat at bukal sa loob kapag nakaranas ako ng kaunting saya sa buhay.
Iyong kaibigan na kahit nasa struggle stage pa lang ako ng pagkamit sa mga dreams ko ay naroon siya para i-cheer ako. Hindi 'yong kung kailan may natamo na akong tropeyo ay saka lang lalabas ang pangalan sa notification ko sa FB para i-congratulate ako at sasabihin pang super proud siya sa 'kin, pero noong down ako ay hindi ko man lang nakita ang anino nito.
Mas gusto ko rin i-keep ang taong hindi ako sasabihan ng, "Ang drama mo naman! Parang 'yan lang?" kapag nakaranas naman ako ng heart break sa lahat ng aspect sa buhay ko. Iyong sa big breakdowns or kahit small grief ay hindi umaalis sa tabi ko.
In short, gusto ko ng genuine friend. Iyang bagay lang talaga ang dream ko since makatuntong ako nang high school.
Kung usapang fake friendship lang ang pag-uusapan ay maupo ka na and grab some popcorn dahil mahaba-habang story telling itong napuntahan mo.
Ilalapag ko lang kung gaano kasubok ang experience ko sa pagkakaroon ng mga polyethylene (plastic) friends.
Marami akong malalapit na "friends" noong nasa elementary pa lang ako. Kahit saan ako lumingon sa buong campus ay mayroon at mayroong familiar face akong makikita. Sa bawat liko ko sa mga pasilyo ng every floor na napupuntahan ko kung saan ang classroom ko ay palagi kong nadidinig ang pagtawag sa kadiri kong pangalan.
"Bow to her royal grace. Lady Jessica has arrived!"
Hindi ako namamansin kapag buong pangalan ko ang sinisigaw ng mga kakilala ko sa school. Ang baduy kasi.
'Tsaka, tatawagin akong "Lady Jessica" sa ayos kong parang lalaki kung pumorma?
Hindi ko alam kung nagagandahan sila sa pangalan ko kaya sa full name nila ako ina-address, o talagang gusto lang nila akong pikunin. Alam kasi ng lahat na sinusumpa ko ang pangalan ko, at kapag naririnig ko ito ay automatic na bubulusok ang kamao ko sa pisngi ng taong nagbanggit nito.
Kapag may instances na nakasapak ako ng schoolmate ko dahil lang sa pagtawag sa pangalan kong pang-kikay at tunog spoiled-brat-bitch ay uuwi rin naman akong humahagulgol at puno ng uhog ang ilong ko. Alam ko kasing makararating sa parents ko ang nagawa kong pananakit.
Of course, hindi ako papayag na magagalit na lang sila sa 'kin at hindi nila pakikinggan ang reason ko. Bumabalik kay Mommy ang sisi dahil siya ang may idea sa disgusting name ko.
"Kasalanan mo 'to, Mommy! Inaasar nila ako dahil sa name na binigay mo sa 'kin! Ang pangit-pangit naman, eh!" Iyan palagi ang nginangawa ko kapag sinesermonan niya ako. Hindi niya naman ako pinapalo sa puwet sa pagsagot ko, tinatawanan niya nga lang ako dahil sa luhaan at lukot kong mukha.
Sa apat niyang anak ay ako lang ang girl, at bunso pa nga kaya sinulit ni Mommy ang pagbigay ng pangalan sa 'kin.
Dapat nga raw, Monalisa Alexandria Olivia Navarro Buenavista ang ipapangalan sa 'kin, pero hindi pumayag si Daddy dahil masyado raw mahaba at hindi tunog pang-millenial. Baka mahirapan din daw akong isulat ang first name at ang surname kong mas mahaba pa sa address ng bahay namin sa mga test paper ko.
Good thing at hindi tinuloy ni Mommy ang naisip niyang sana'y birth name ko. Mas kadirdir pa ang magiging palayaw ko compare sa pangalan ko kung sakali.
Moa. Oh, 'di ba? Naging sikat pa na mall ang nick name ko.
At dahil astigin nga ang galawan at pormahan ko ay betlogs ang nakakaibigan ko. Betlog with s, kasi puro lalaki ang kabilang sa circle of friends ko.
BINABASA MO ANG
Her Almost Cosmos
Romance"Live and breathe in my fantasy Like an unknown universe, I can't have you to love forever..." - B.I (Cosmos) *** Lumaking puro lalaki sa bahay ang nakakasama, rason para maging uhaw si Jesse sa pagkakaroon ng tunay at tapat na kaibigang babae. But...