Almost

99 10 14
                                    

I restrained myself from having a conversation with Gregor again, or for the last time. Hinayaan ko nang tangayin ng hangin sa kawalan ang una't huli naming kumprontasyon.

It's been six months since that heartbreaking farewell happened between us. Hindi na ako pumasok kinakabukasan sa office. Nag-resign ako sa company without acceptable reason.

Ang unprofessional ng ginawa ko, yes. Hindi ko man gustong iwan ang commitment ko sa trabaho, pero hindi ko naman magagawa nang matino ang tasks ko kung araw-araw ko pa rin masisilayan sa bawat sulok ng working place ko ang mukha ni Gregor.

Hindi ko rin kaya ang humarap sa kaniya habang naglalaro sa isipan kong ayaw niya akong umalis. At ang fact na ayos lang sa kaniyang nasa tabi niya pa rin ako kahit nalaman niyang masakit para sa 'kin na may karelasyon siya.

Ang labas nito sa 'kin ay isa akong sabit. Pakiramdam ko'y para akong mistress. Second choice, option?

Kusang tumutulo ang luha ko kapag naiisip ko 'yon. Na walang problema sa kaniya kung ako ang dehado, kung ako ang lubog sa sakit.

Umusbong sa puso ko ang sama ng loob para sa kaniya, kahit hindi ko 'yon gusto.

Napakasakit, hindi kayang arukin ng utak ko na kaya niyang magdesisyon ng gano'n. Siya lang ang may benefit sa gusto niyang manatili ako, at mag-a-adjust sila ni Miguel sa kanilang pagsasama para lang hindi ako makaramdam ng sakit every time nakikita ko silang dalawa.

Sobrang unfair nito para sa 'kin, kay Miguel.

Hindi niya naisip na magiging cause pa ako ng pagkakalabuan nila kung ipaaalam niya kay Miguel na mahal ko siya at kailangan niya itong unawain.

Does he think Miguel would understand that? I doubt so. Walang boyfriend ang papayag na gano'n ang set up ng partner niya sa kaibigan nito. Hindi na nga dapat inuna ni Gregor ang reason ko, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit sa daming puwedeng piliing solusyon ay 'yon pa ang naisip niya?

Ano ba ang tumatakbo sa isipan niya? Dinagdagan niya lang ang pananakit ng utak ko kaiisip na nasabi niya 'yon dahil puwera sa ayaw niyang maglaho ang presence ko sa buhay niya ay mahal niya rin ako higit sa pagkakaibigan na mayroon kami.

Lahat nang sabunot sa buhok ko ay nagawa ko na para lang matigil ako sa mga kahibangan ko. Tapos na, umalis na ako't hindi na babalikan ang kaibigan ko para magkaroon kami ng closure, pero hindi ko pa rin kaya ang mag-move on.

Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung sana'y hindi na lang ako umamin. Sana'y hindi ko na sinabi pang ako na lang ang mahalin niya.

I'm a bit too unfair and selfish, too.

Hanggang ngayon ay nakatanim pa rin sa isipan ko ang sandaling humabol siya sa bus na sinakyan ko para lang mapigilan ako sa desisyon kong huwag talikuran ang mayroon kami.

Mapakla akong nangisi sa isip ko.

Ano ba ang mayroon sa pagitan namin? Best friend. Best companion. Human comforter. Nagsilbing hingahan namin ang bawat isa. I can be true to myself when he is by my side. He can be more comfortable being queer every time he is with me. Pareho naming nagagawa ang mga bagay na maisipan namin nang hindi inaalala ang mga matang hangad ay makapanglibak.

We became a support system for each other. Lagi kaming nasa tabi ng isa't isa whatever shortcomings ang maibato sa kaniya-kaniya naming personal life.

Iyon lang naman ang naging role ko sa buhay niya.

Kung sinuway ko lang ang puso ko na huwag nang higitan ang pagmamahal ko para sa kaniya, sana'y nakakasama ko pa rin siya ngayon.

Sumilip ang pait sa ngiti ko nang magawi ang paningin ko sa mga maleta kong nakaimpake malapit sa aking vanity table.

Her Almost CosmosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon