Chapter 1

57 6 1
                                    

"MA! Ako na po ang maglalagay niyan, kaya ko na po." Kinuha ko ang polbo sa kamay ng aking mommy at sinimulang maglagay nito sa aking mukha.

"Ma, alam niyo po ba na may boyfriend na 'yang si Zoe." pang-aasar ni Kuya Zion.

Minsan madalas nakakainis na si Kuya! Kung hindi ko lang 'to kapatid, matagal ko na 'tong sinampal.

"Kuya naman! Ang aga-aga ah," nakabusangot kong wika.

"Boyfriend? Sino? Si Matteo?"singit na tanong ni Papa.

Napahawak naman ako sa aking noo. "Pa! Huwag ka nga pong makisali sa trip ni Kuya." Lagi na lang akong pinagtitripan ng pamilya ko, siguro ampon lang ako.

"Baka naman ikaw Zion ang may girlfriend na?" tanong ni Mama kay kuya.

Yes! Naiba naman ang topic. Life saver talaga si Mama!

"Tama po, Ma! Si kuya may girlfriend na." sabat ko naman. Makakaganti na rin ako!

'Di ako papatalo 'no!

"Wala po, Ma. Huwag po kayong maniwala diyan kay Zoe. Alam niyo naman po na joker 'yan," sabi ni Kuya.

"Magsipagtapos muna kayo ng pag-aaral niyo bago kayo pumasok sa isang relasyon lalo ka na Zion dapat financially at mentally stable na kayo bago makipagrelasyon." wika ni Papa.

"Tama, makakapaghintay naman ang love love na iyan, 'andyan lang yan. Mga bata pa kayo, marami pa kayong kailangan malaman at tiyak ko rin na marami pa kayong gustong gawin sa buhay niyo." wika naman ni Mama.

"Eh... paano po kung tinamaan na po talaga kami?" curious na tanong ko.

"Tatamaan ko rin kayo ng pamalo." biro ni papa na parang hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya na 17 na 'ko at mag 20 na si kuya kaya 'di na kami takot sa pamalo.

"May nagugustuhan ka na ba, nak? Zoe?" Luh! Bakit na naman ako? Bingo na ko sa pamilyang 'to ah.

"Po? Ako? Wala po. Sino naman pong magugustuhan ko? Eh ang hirap hirap po magmahal sa generation namin. Ang hirap po makahanap ng lalaking seryoso ngayon, " pagtanggi ko.

"Meron 'yan Ma!" sabat ni Kuya.

Sinamaan ko ito ng tingin at hinamapas sa braso. Naiinis na 'ko!

"Hindi naman masakit," tumawa si kuya, lalo pa siyang nang-aasar! Halata naman na hindi siya nasaktan, kalaki laki ba naman ng biceps.

"Kuya naman eh! Papa oh," sumbong ko kay Papa.

"Papa oh," panggagaya sa'kin ni Kuya.

"Oh tama na iyan kumain na muna tayo." awat ni papa sa'min.

Umupo na kami at nagsimula ng kumain. Tinignan ko ang orasan at malapit nang mag 7:00 ng umaga kaya mabilis akong kumain dahil baka malate ako sa school.

"Nak, dahan-dahan baka mabulunan ka." nagaalalang sabi ni Mama.

"Ma, malalate na po kasi kami. Mag-aalas syete na po pala,"

"Oo nga po, Ma." pagsang-ayon ni Kuya.

"Oh siya, sige na tapusin niyo na 'yan at pumasok na kayo."



NANDITO na kami ngayon ni Kuya sa paaralan bago mag-alas syete, buti na lang hindi kami nalate at baka hindi na kami papasukin ng guard. Napaka-sungit pa naman non!

"Kita na lang tayo mamaya sa canteen 'pag recess, goodluck sa klase." saad ni kuya at ginulo ang aking buhok.

"Sige, goodluck din. Galingan mo sa classrom niyo kuya!" niyakap ko siya ng mahigpit.

"I will." niyakap niya ako pabalik at umalis na.

Ganito kaming magkapatid. Kahit laging nagbabangayan alam namin na mahal namin ang isa't isa.

"Zoe!" sigaw ni Khione at Xiana habang tumatakbo papunta sa'kin.

Ang dalawa kong magagandang kaibigan na mana sa'kin.

"Oh? Ano meron?" taas kilay kong tanong habang pare-parehas kaming naglalakad papuntang classroom.

"Wala lang, namiss ka lang namin." nakangising sabi ni Khione.

Napailing ako sa sinabi niya. "Edi wow."

"Tumakbo na kaya tayo? Mala-late na talaga tayo sa first subject natin," suhestiyon ko.

"Boba! Wala si Ma'am ngayon, may sakit. Yan kasi 'di nagbabasa ng gc," sabi ni Khione.

"Ah? Wala? Bwiset naman! Nagmadali pa kong kumain, wala naman pala si Ma'am." pailing-iling kong saad. Edi sana na-enjoy ko pa yung niluto ni Mama.

"You're not with him, nag-away kayo?" tanong ni Xiana habang kumakain ng chips. Oo ang aga-aga chips ang almusal nitong babaeng 'to.

Ang tinutukoy niyang 'him' ay si Matteo. Ang childhood crush ko. Siya yung lagi kong kasabay namin ni Kuya sa pagpasok sa school dahil magkatabing bahay lang kami. Lagi nila 'kong inaasar don kaya ito, hindi ako makamove on. Ang sabi nila ay gusto rin ako ni Matteo pero hindi ko yon iniintindi.

"Hindi, hindi ko nga siya nakita kaninang umaga eh." sagot ko.

"Hala! Baka may iba ng babae si Matteo!" Khione gasped dramatically.

"Omg, Khione! Mamaya mag-overthink 'to si Zoe," pang-aasar ni Xiana.

"Tigilan niyo nga ako, wala akong pake sa kaniya." tamad kong sabi sa kanila.

Anong pake ko kung may iba siyang babae? Ikamamatay ko ba? Kami ba? Diba, hindi!

"Weh, kaya pala wallpaper mo 'yung picture niyo ah." tumawa si Khione na sinabayan naman ni Xiana.

"Excuse me, wala lang kasi akong pang-wallpaper!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Masama ba na iwallpaper 'yung picture namin? Hindi!

"Eh, basta you like him! 'Yon ang mahalaga." wika ni Xiana habang tumatawa.

Napailing nalang ako, ang kulit kulit talaga ng dalawang 'to! Saan kaya sila pinaglihi? Buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ko sa dalawang 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From BEST FRIENDS to LOVERS (TL #2)Where stories live. Discover now