too late?

80 2 0
                                    

Sabi nila kapag nagmahal ka kailangan mong sumugal. Maaaring kang manalo pero pwede ka ring matalo.

Dahil kapag nagmamahal ka, walang kasiguraduhan kung kayang ibalik nung taong mahal mo yung pagmamahal na kaya mong ibigay.

.
.
.
.
.

Papasok na sana ako ng gate namin ng masilayan ko ang best friend kong si Migs, nakatayo at umiiyak.

"Oh anong drama to Miguelito? Bakit ka umi----" di pa ko tapos magsalita ng bigla nya nalang akong yakapin, "Iniwan na ako ni Grace."

Unang beses ko siyang nakitang umiyak, dahil sa isang babae. At sa tingin ko seryoso na siya sa pagkakataong ito. Dahil sa tuwing magbe-break sila ng mga nakaraang girlfriend nya eh ang sasabihin nyan sakin ay, "Ayoko na dun. Kung tayo nalang kaya?" Sabay biglang hahagalpak ng tawa.

Nakaramdam ako ng sakit dahil netong mga nakaraang araw ko lang nakumpirmang, in love na ko sa best friend ko.

--

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan. Dumating narin ang araw ng aming graduation.

Masaya ko dahil magco-college na ko at kasama ko pa din si Migs.

"Elle, sa Amerika na ako mag-aaral."

Pero biglang napawi ang lahat ng sayang nararamdaman ko

"Ha? Ano? Bakit? Biglaan naman ata?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"Gaya nga ng sabi ko, para mag-aral... At para na rin makalimot."

Nandito naman ako. Bakit ba hanggang ngayon si Grace pa rin? Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya kaya lang wala kong lakas ng loob.

Sa mga nagdaang buwan, hindi ko akalaing hindi pa nya nakakalimutan si Grace. Dahil masayang-masaya naman siya noon.

Mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko lang kayang sabihin dahil baka layuan nya ko.

Pero ngayon siya na mismo ang lalayo at siguro mas okay na ring di ko na sabihin dahil alam kong mawawala na din naman to pag wala na siya sa tabi ko.

Tuluyan na ngang umalis si Migs patungong Amerika ng hindi nya alam ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

--

Muling lumipas ang mga araw, mga buwan at maging ang mga taon.

Apat na taon na mula noon...

Ilang buwan pa lamang mula noong makapagtapos ako ng pag-aaral at ngayon ay nagtatrabaho na sa isang magandang kumpanya.

Hindi nawala ang komunikasyon namin ni Migs, eto kakauwi lang nya matapos makagraduate doon sa U.S.

Pagkakita ko sa kanya parang bumalik ang lahat ng nararamdaman ko, ay mali, pano babalik kung hindi naman nawala?

Nandito kami ngayon sa isang park na madalas naming tambayan noong highschool pa kami.

"Miss na miss talaga kita, Elle. Grabe! Lalo kang gumanda! Hindi ka na manang!"

Kaya siguro hindi mo ako nagustuhan 'no? Balak ko sanang sabihin pero iba ang sinabi ko.

"Langya ka! Okay na yung maganda, dinugtungan mo pa ng manang."

"Hahaha sira ka talaga. Pero ano ba yung sasabihin mo? May sasabihin din kasi ako sayo?"

Sasabihin ko na sa kanya ngayon, ang tinatago-tago ko sa loob ng apat na taon.

I'm too lateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon