" Ate ! Ate ! " sigaw sakin ni Totoy. Kapatid ko 6 years old.
" Bakit ba? " tanong ko sakanya habang pilit na bumabangon sa higahan ko..
Pinatapos pa niya akong mag unat bago siya magsalita ulit.
" Kanina pa tumutunog yang Cellphone mo ate " sabay turo niya sa cellphone ko gamit ang nguso nito.
Ang cute naman talaga nitong kapatid kung to. San pa nagmana kundi sakin diba? Agree?
inabot ko naman yung cellphone mula sa desk malapit sa kama ko.
Ayun nga 60 messages.
" Ate ?" sabi sakin ni Totoy tsaka siya nagtwinkle yung mga mata niya
" Hmm?" sagot ko naman habang busy kakabasa ng messages sa phone ko
" Ano sabi? Basahin mo na " nakangiti pa nitong sabi sakin
" Ay! Chismoso lang Totoy? " sabi ko sakanya
" Si ate naman . Boyfriend mo siguro yan no? Sumbong nga kita kay Mommy" tatakbo na ito para bumaba sa kusina
Buti at nahawakn ko bigla.
niyakap ko si Katapid. Alam ko kasing ngaseselos yun eh . Ayaw kasi niya akong magboyfriend pa
" Walang boyfriend si Ate Totoy. Magkaroon man Hindi naman kita ipagpapalit eh . " saka ko siya hinalikan sa pisngi
" Sige baba kana at susunod na ako"
tumakbo naman ito papuntang Kusina . Tas bigla siyang huminto sa pinto ng kwarto ko at tumingin sakin
" Kahit pa si Nathan ang maging Boyfriend mo ate?"
sabi naman niya sakin na may nakakalokong ngiti
" Hindi ako sigurado Totoy. Haha" nagtatawa naman syang tumakbo pababa ng hagdanan para puntahan si mama
Ako nga pala si Mandy . Mandy Santiago.
Hindi naman ako pangit , hindi din maganda. In fact Sobrang ganda ko! Chos.. Typical girl na may edad 16. Maputi ako at matangkad. Average lang din ang talino. Tanga tanga nga lang minsan .
May lihim na pagtingin sa kababata kung si Nathan . Nathan Drew Salazar. Maputi siya , Chinito at mas matangkad lang sakin ng kaunti. Kumbaga drean boy siya ng lahat ng kababaihan sa campus namin at malamang alamang kasama ako sa mga yun .
Teka! Teka!
Tapos na nga pala akung maligo at bumaba na para sa breakfast ko
Oh my Gee! Bacon na naman ang niloto ni Mommy. Nagda-diet kasi ako. Tumataba na daw kasi ako . Guess what kung sino nagsabi? Sino pa kundi si Nathan .