NATHAN'S POV
Hi. Ako nga pala si Nathan.
Hindi naman sa payabang ako pero mayabang daw talaga ako eh . seriously Mabait ako ( ako at nanay ko lang may alam niyan except Mandy) , malambing ( bully nga lang kay Mandy ), gwapo ( pangit nga lang sa paningin ni Mandy ) at mapagmahal ( Kay Mandy ) .
Nagtataka siguro kayo kung bakit puro Mandy! Well , Lihim ko kasing minamahal yang kababata kung yan .
Miss A : Rewind Nathan
nathan : once is enough Miss A
Miss A : Gusto mo mailiminate dito sa story ?
Nathan : Si Miss A bipolar. Nakakahiya nga!
Miss A : One.
Nathan : naman eh !
Miss A : two
Nathan : Sige na sige na! OO mahal ko siya
Miss A : Sino?
Nathan : naman eh
Miss A : Sino nga?
Nathan : Si Mandy .
Miss A : naman pala.
kulit lang ni Miss Author noh? Haha! Sumisingit bigla!
Close kami ni Mandy dati. OO . dati until one day tinawag ko siyang Martes and then Lumayo na yan sakin . Pikon yan in all you know
Kaninang umaga . First time in my life inagahan kung pumasok para makita siya agad pero 5 min. na lang wala pa rin siya. So i txted her.
Where are you? Are you okay?
That's what i texted . Bigla ko na lang binawin yun ,. Hindi na ako nag hintay ng responce ( pero sana meron ) mula sakanya and text her again
Wrong send .
Ang torpe ko lang noh? Pagdating kasi sakanya walang wala yung tapang ko.
ito pa . kaninang break time . Nasa may ground ako with my friends ng nakita ko siyang nasa room at nag-iisa. Kakagising lang ata niya eh . Paborito kasi nitong matulog sa klase ni teacher noname. i texted her again
You look Beautiful :''))
nahiya ako sa tinext ko so as usual may follow up text na naman yun
Wrong Send.
Ano ba ang nangyayari sakin at wala akong lakas ng loob na itext siya na walang follow up na wrong send? Tanga at torpe mo Nathan .
Andito nga pala ako sa bubong ng bahay namin . Yung kwarto ko kasi eh nasa second floor ng bahay tapos sa bintana bubong ng first floor . kaya tambayan ko na sa bubong . Gets nyo?
Nagvibrate yung phone ko. Hindi ako excited buksan yun . iisa lang naman kasi ang dahilan ng excitement kong mag open ng message eh kung si Mandy ang nagtetext sakin .