Request #9

37 3 0
                                    

Mr, DJ!

Hello! Ngayon na lang ako ulit naka bisita sa site mo. Pano ba naman, ngayon lang ako natauhan sa lahat ng kagagahan 'ko! Sinagot na si Mahal 'ko ng Mahal niya! Mashakeeet! Sobra! Hindi ba't nasabi 'ko na sayo na tutulungan 'ko siyang mag ayos sa roof top sa school kung saan siya mag tatanong sa Mahal niya na kung pwedeng maging GF niya? Aba't kinarir 'ko ang pag aayos! Masasabi 'kong romatic talaga ng ambiance at habang nag aayos kami ng kaibigan 'ko dahil ng pa tulong ako sakanya 'eh, umiiyak ako ng parang tanga! I can't even imagine na gagawin 'ko yun para sa Mahal 'ko! Eto pa ang masakit, ginawa niya akong photographer nung nag dadate na sila at nung sinagot siya. Shet lang ang iyak 'ko nun! Lumapit pa si Mahal ko sakin at niyakap ako sa sobrang saya niya! Tapos tanong niya,
Kc, salamat ha? Hindi 'ko alam anong gagawin 'ko kung wala 'ka! Tapos tumingin siya sakin Kc, bakit ka umiiyak? Alam mo ang tanging nasagot 'ko? I'm Happy for you. Sabay walk out 'ko. Ang sakit diba? Sabi 'ko shet! Tears of Joy! Ayoko ng idetalye pa ang pag inaarte 'ko ng halos isang linggo! Dahil hindi ako pumasok alam mo bang galit na galit ang mudra 'ko? Sayang daw ang tuition 'ko, well isang linggo lang naman diba? By the way sa kailangan 'ko na din pumasok kasi malapit na ang finals namin, Sorry Mr. DJ masyado kong kinarir 'tong Site mo! Feeling 'ko diary 'ko na din! Hayyss! By the way pa request nga.

JEALOUS by NINA

Thank you! :)

Love,

KC.

Mr. DJ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon