KAKAYANIN KO LAHAT

79 3 2
                                    

“Sino ba ang may-ari ng restaurant na iyan?” tanong ng isang usesero.

”Halika pumasok tayo at sasagutin kita sa tanong mo na iyan,” sagot naman ng isa.

Pumasok ang dalawa sa restaurant at sinagot ang tanong ng usesero,

“Noon pinag-aari iyan nina Russel at Ada Flor de Luna, maliit lang iyan noon at para lamang karendreya habang damaan ang mga araw ay unti-unti itong lumago dahil sa pusigido ang mag-asawa sa kanilang itinaguyod na negosyo, ngunit alam mo ba na matagal sila binayayaan ng anak dahil sa sila ay paladasal ay hindi nagtagal binayayaan sila ng anak na lalaki at iyon si Edward Flor de Luna at ang kasalukuyang may-ari ng restaurant na ito."

            Si Edward Flor de Luna ang kasalukuyang may-aring “My Only Child Restaurant” pinangalan ito ng kanyang mga magulang sa restaurant dahil sa siya lamang ang nag-iisang anak ng mga Flor de Luna, nagmana siya sa kanyang mga magulang , pursigido sa pag-aaral noon at sa trabaho ngayon, paladasal, mapagmahal, at talagang masasabi mo na nasa kanya na lahat ng mabubuting ugali makikita mo sa mundo. Kababata niy si Lynn  dela Cruz, magkasama na sila sa skwela noong bata pa sila hanggang sa nag college na sila. Parihong Business Administration ang kinuha ngunit hindi parihang skwelahan ang pinapasukan. Si Edward ay pumapasok sa Master’s Business Administration (MBA) dahil sa mayaman sila at sa gusto ng kanyang mga magulang samantalang si Lynn ay sa University of San Jose-Recoletos(USJ-R) at scholar sa institusyong iyon.

“Halika kain tayo Lynn,”sabi ni Edward.

“Saan naman?” puno ni Lynn.

“Saan pa sa restaurant namin.”

“Ngunit wala akong pambayad eh, alam mo naman kalalayas lang ni papa kasama yong kabit niya at tanging si Mama Rena lang ang bumubuhay sa amin ng mga kapatid ko, lalo na ngayon na nagbubudget ako ng pera para sa susunod na semester.”

“Okay lang Lynn, treat ko naman ehh... promise.”

“Nakakahiya naman sayo.”

“Okay lang ano pa ang magkaibigan kung hindi magtutulungan.” Pumunta and dalawa sa restaurant at kumain ng tanghalian.

“Salamat Edward at naiintindihan mo ako.”

“Walang anuman Lynn basta may kapalit yan ha!” puno ni Edward.

“Anong kapalit yon, Edward?!”

“Ahh, basta mararamdaman mo rin iyon ‘wag kalang manhid at kung nararamdaman mo na iyon ay sabihan mo ako at may  ipagtatapat rin ako sayo.”

“Kahit hindi ko naiintindihan sige ba, deal?” “deal!”

            Nasa 4th year college na sina Lynn at Edward  at hindi maiwasan ang tuksuhan lalo na kung tungkol ito sa dalawa.

“Alam mo Lynn bagay kayo ni Edward.” sabi ng kaibigan ni Edward.

Namumula ang pisngi ni Lynn.

“Ano ba naman kayo kaibigan lang kami ni Edward, magkababata yon lang.” dali-daling sagot ni Lynn.

“Eh, bakit namumula ka? Kaibigan ba lamang ang turing mo sa kanya?” Matagal nakasagot si Lynn.

“Uy nag-iisip si Lynn. Sasagutin mo ba siya?”

“Anong sasagutin eh hindi pa nga siya nanliligaw sa akin.”

“Bakit kung manligaw sa iyo sasagutin mo ba?”

“Ah basta iwan sa inyo. Tumigil nga kayo diyan.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAKAYANIN KO LAHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon