Sabrina's POV
Eto nanaman ang paulit ulit kong panaginip, andito nanaman ako sa lugar kung saan ay walang kang makikita kundi kadiliman lamang. Tatakbo nanaman ba ako? ngunit walang patutunguan. Sisigaw nanaman ba ako? ngunit wala ring makakarinig. Tama na, please gusto ko ng magising na kahit ingay ng nag-aaway kong magulang ang laging bumubungad ay mas nanaisin ko paring magising.
"sab, tumayo kana dyan at kakain na. mag uusap pa tayong tatlo nila papa mo"
Bigla akong napatayo ng marinig ko si mama na kumakatok sa labas ng kwarto habang umiiyak.
Wala ng bago, sa sobrang dalas netong mangyari ay parang normal na sakin ang gera sa bahay sa pagitan ni mama at papa.
"ma, please may exam po ako mamaya. wag naman ngayon kahit ngayong araw lang" pakiusap ko habang humihikab parin at gusto pang bumalik sa pag-kakatulog nang maalala kong madilim at malungkot rin pala ang nasa panaginip ko kaya tumayo na lang ako at sinimulan ng mag-asikaso para sa pag-pasok sa eskwela.
Nang matapos akong maligo, kinuha ko na ang mga gamit ko sa eskwela at habang pababa ako ng hagdan, narinig ko nanaman ang paulit ulit nilang pag tatalo.
"uuwi kami ng probinsya, duon, duon sya tunay na tinakda, andun ang hinaharap nya" mahinang saad ni mama habang humihikbi
"ilang beses ko bang uulitin sayo na mahina ang anak mo, gusto mo bang maging kapalaran nya din yung naging kapalaran ng pamilya mo, hindi ba magiging aral sayo lahat ng yun?" sagot naman ni papa.
sa araw araw nilang pag- aaway ni isang bagay ay wala akong maintindihan. tila laging isang malaking katanungan sakin ang mga kahulugan ng pag tatalo nila.
"hindi diporket lahat kami ay isang alcantara eh iisa din ang magiging kapalaran namin. naniniwala akong iba si sabrina. namukukod tangi sya" saad ni mama at sasagot pa sana si papa ngunit sumingit nako
"ehem, ma, pa, good morning po. Nag tatalo nanaman ba kayo?" kahit na alam kong oo ang sagot ay mas mabuti naring tinatanong parin sila
"wala nak, alam mo naman si mama mo palagi kang gustong i-uwi sa probinsya" sagot ni papa habang bahagdang pinupunasan ni mama ang luha nya
"anak sa susunod na lingo na ang birthday mo, siguro naman hindi mo nakakalimutan na ayun yung araw....." hindi pa tapos si mama mag salita ay pinigilan na sya ni papa
"oo na trina alam ng anak mo yun at hindi nya nakakalimutan dahil halos araw araw mong ipinapaalala." sabat ni papa at sinundan naman sya ng masamang tingin ni mama
hays. araw araw na lang silang ganito pero kahit na ganyan sila eh ni minsan walang araw na hindi ko sila nakitang mag kayakap sa gabi, hindi ko lang talaga maintindihan yung bagay na pinag tatalunan nila simula nung dumating si lola nung 16th birthday ko
********** flashback **********
Masayang gumising ng maaga si sabrina para ipag-diwang ang kanyang kaarawan
"happy sweet sixteen self, yieeeee excited nakooooo.......hmmmp tanungin ko kaya si papa if pwede nakong mag-boyfriend? hehe" masayang bungad nito sa kanyang sarili
"anak, sabrinaaaa gising na at mag hahanda pa tayo" sigaw ng kanyang ina habang kumakatok sa labas ng kanyang kwarto
"yes poo ma, kanina pako bumangon" masaganang sagot ni sabrina matapos nyang pag buksan ng pinto ang kanyang ina
"abaa himala at nauna kapa sa katok ko ah, akala koba ako lang ang alarm clock mo?" natatawang tanong nito sa kanyang anak
"ma, for this day lang... nag beauty rest po kaya ako ng maaga kagabi syempre dadating mga kamag-anak natin ayaw ko naman na lamangan nanaman ako ng mga pinsan ko sa ganda" pabirong sagot nito sa kanyang ina
"anak kahit walang beauty rest, ikaw ang pinaka maganda hmmmmp mwaa" lambing ng kanyang ina habang hinahalikan sya sa kanyang noo
"I know ma syempre ako pa ba? ako na to oh hehe, susunod napo ako sa baba pag tapos ko maligo" sagot ni sabrina
"oh sya bilisan mo at isisimba ka pa namin ng papa mo ah" sagot ng kayang mama at iniwan na si sabrina sa kanyang kwarto para makakilos ito
makalaunan ay natapos na silang mag-simba buong pamilya at nag simula narin mag-handa ang kanyang magulang para sa gaganaping party para kay sabrina. Onti-onti naring nag-sisidatingan ang kanilang kamag-anak ngunit lahat ng ito ay puro lamang sa side ng kanyang papa. Sa loob lang din ng kanilang tahanan gaganapin ang handaan dahil sila silang pamilya lang naman ang mga imbitado at iilan nyang kaibigan.
Sanay na si sabrina na puro kamag-anak nya lang sa side ng kanyang ama ang nakakasalamuha at kilala nya mula pag-kabata, hindi nya rin alam kung bakit wala syang kilalang kamag-anak sa side ng kayang ina. Ang alam nya lang ay nag-iisang anak lang din ang kanyang ina katulad nya.
Natapos na ngang maihanda ang lahat para sa gaganaping party at nakarating narin ang lahat ng mga inaasahang pupunta.
Habang nag-kakaron ng masayang handaan at kwentuhan sa party ni sabrina ay may bigla silang narinig na mahinang pag-sabog
*boogsh*
___________________________________________
BINABASA MO ANG
The Mountain and Demoguards
Science FictionThe mountain and demoguards is a story of hidden world wherein people with their special power mastering their strength in order to stop demoguards to enter and destroy our main world.