Stuck3~Meet&Greet

18 1 0
                                    

Saturday morning jumped out of bed and to put my best suit...

Nagising ako dahil sa ingay ng tugtog sa labas inaantok pa ako halos hindi nga ako makatulog sa sobrang excite-- Ayy wait oo sabado na pala ngayon at ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog kagabi ay marahil din na ngayon ang meet and greet ng The voice kids top 4 sa mall na malapit lang ng konti sa dito sa amin.

Astig pala ng kantang nagpagising sa diwa ko saktong sakto para sa isang tulad kong excited pero yung first sentence lang Saturday morning jumped out of bed and to put my best suit naulit sa isipan ko ang bawat salitang narinig ko nung marinig ko yung kanta mali pala dapat pala to put my best dress dahil kaylangan kong mag paganda para sa meet and greet baka mapansin ako ni Darren Espanto edi wow di ba po?!!

Bumangon nako at nag inat nag ayos ng pinaghimlayan at pumasok agad sa loob ng comfort room..

Matapos ang morning ritwals ko lumabas na ako galing sa mumunti kong kwarto ng may ngiti dahil ilang oras nalang aalis na kami ng mga pinsan ko para makita ang top 4 "Ate mae pupunta daw tayo ngayon sa sm!" bungad sakin ng kapatid kong napaka sa napaka kulit "ha? Alam ni mama aalis ako ba't naman ako isasama dyan sa pupuntahan nyo?" tanong ko sakanya "Hahahaha ang kulit ng mukha mo pag naiinis haha joke lang" tawa nanaman ng tawa eto talaga madalas nakakapagbago ng mood ko mapang inis kasi.

"HA HA HA HA" sarkastiko kong tawa at umalis na sa harap nya tumuloy na ako sa sala namin at sya naman mukhang babalik na kwarto namin lagi talaga yun nauuna magising hyper kasi nakasinghot ata yun ng katol good for one year "Mag almusal ka na Darren" nakapangasar looks ni papa habang inaalok akong mag almusal galing galing talaga nila galing mang asar "Oo pa sakto nagugutom nako baka pag kamalan kong spare ribs yang katawan mo kaya uupo nalang ako sa mesa at haharapin ang itlog at singangag for short itngag pangit ng term laos na kasi yung silog" Mae pagkatapos mong kumain puntahan mo ako sa loob ng kwarto ha "sigaw ni mama at tama nga hinala ko tapos na silang kumain nila khate at papa day off kasi ni papa kaya kumpleto silang ng aasar sakin este kumpleto kami ngayon "okay ma" sagot ko nalang sakanya.

Kumakain na ako ng masarap ng omelet with fried rice ang sarap talaga ng luto ng mama ko "ako nag luto nyan" andito pa pala si papa napatakip ako sa bibig ko na i voice out ko pala nag react tuloy si papa na nakatayo sa ref umiinom ata ng tubig "hehe oo nga pa ang sarap ng luto mo ano bang sabi ko? Hehe" tapos kunwari inisnob ako natawa nalang talaga ako kasi ang saya talaga ng pamilya ko yung tipong hindi kami mayaman sa material na bagay pero pagdating sa pagmamahal yayamanin kami bilyonaryo pa.

---

"Tricksielog!" may sumisigaw sa labas ng bahay sino naman yun "Sino yan?" balik kong sigaw pero hindi na sya sumagot at kumatok nalang ng napakalakas parang hindi lang dalawang kamay kundi anim hindi kasi sabay yung pagkatok palapit ako sa pinto at palakas pa ng palakas sure pag narinig to ni papa baba yun at tiyak masesermunan ako dahil sa pagkatok nila.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng makalahati na ang bukas binigla ko naman at biglang sumigaw "ANO AKALA NYO SA AMIN BINGI HA!!!!!!" napatigil sila at biglang tumawa ng tumawa.

"hahaha" chorus nilang tawa pero bat ganun parang nauuna si ate jex pangalawa si euann at huli si guellen akala mo ume-echo yung boses nila "Ano kaylangan nyo" sabay irap ko sakanila at pumasok nako dahil sure naman papasok yun kahit hindi mo papasukin ang mga iyon "anong kaylangan namin? Tintanong mo talaga? Ilabas mo nga yung planner nating apat sabay sabay nating tignan kung anong date ngayon" hindi nako nag apurang pumunta sa kwaro dahil naalala ko na may lakad pala kami ng 12nn para sa meet and greet "ay sorry hehe" tawa ko sabay batok nila sakin ng sabay sabay pero hindi naman ganoong kalakas medyo lang "kaylangan mo na talagang mag memo plus" nagtawanan nanaman sila ang sasaya talaga ng mga taong nakakasalamuha ko ngayon.

Anong nakain mo / rinig ko sa commercial sa tv na kanina pa nakabukas pero wala naman nanunuod natawa ako at "Anong nakain nyo?" kinanta ko tapos nakaturo pa ako sakanila habang medyo sumsayaw ng kaunti natawanan naman agad sila ang cute cute nila sarap kurutin ng madiin hanggang sa magdugo ang kanilang mga pisngi.

"tricks ten na maliligo na kami at saktong eleven aalis ba tayo para sa unahan tayo makapwesto" si ate euann yan jk fanatics.

Umalis na rin agad sila at ako nag gayak na maganda lang ako pero hindi ako pa VIP kaya kaylangan pag dating nila dito aalis na lang kami at hindi na sila magtagal dito.

Sinuot ko yung faded jeans tapos yung culture lang na t-shirt atsaka vans na green ayos na ito dahil pag naka dress ako kaylangan babaeng babae gumalaw ayoko naman baka sabihen maarte ako. Yung buhok ko inayos ko sa one sided nilagyan ko lang ng clip yung gilid hindi ko na kaylangan mag make up para magpaganda kasi maganda na ako.

"Tricksieee!" may sumigaw na kaya agad akong lumabas na kwarto pag labas ko nakita ko ng nakaupo si euann sa sofa nakapasok na pala katabi nya si khate nanunuod kasi si khate ng spongebob binili ko sya ng cd nung may makita ako sa labas ng bahay na naglalako kasi gusto nya si spongebob nakikinuod narin si ate euann tinignan ko ang orasan ang bilis ko pala nakapag ayos 10:45 palang pala sadyang maaga lang talaga nakapunta si ate eu. May kumakatok nanaman "ate hindi mo ba naririnig yung kumakatok?" tanong sakin ni khae "ikaw naririnig mo ba?" tanong ko sakanya "oo kaya ko nga sinabi sayo" sagot nya ng sakastiko "oh edi pagbuksan mo ikaw naman pala nakadinig e" sabay pasok ako sa cr dahil nawiwiwi na ko narinig ko nalang na padabog na nagbukas ng pintuan malamang si khate yun.

"Asan ate tricks mo?" rinig kong tanong ni ate jex sure ako sya yan sakto pag labas ko ng cr nakita kong hindi sumagot si khate dahil tinuro nya lang ako kay ate jex pasaway talaga tong batang to "ayun si ate euann te" itinuro ko yung sofa at aba nakahiga na yung baboy kaya pala lalong bumusangot si khate dahil sinakop ni euann buong space ng sofa at si khate nakaupo nalang sa maliit na bangko na binili ni papa para sakanya malambot sya pero para lang sa bata bibigay kung mabigat na ang uupo. Kausap ko na sila ate jex at ate euann tungkol sa kung ano ano ng may kumalabit sakin "ano yun?" tanong ko ng hindi lumilingon "tara na ang tagal nyo kanina ko pa kayo inaantay" nagulat ako si guellen pala akala ko kung sino na e naiwan ko palang bukas ang pinto kaya hindi namin namalayan si guellen "wow hiyang hiya naman kami sayo 11:00 na sakto oh" sagot ni euann "haha di ba ayun yung call time 11:00 sakto alis buti nga hindi filipino time kundi 12nn nako pupunta dito haha" pang asar talaga tong si guellen at kinuha na nila ang mga bag nila at naisip kong pinapapunta pala ako ni mama kanina sa room nila ni papa "wait" sigaw ko at tumakbo na pataas at kumatok kila mama.

"pasok bukas yan" salita ni mama pumasok agad ako at sinabing aalis na kami "nag mamadali ka ba?"

"opo ma kasi 11:00 yung alis po namin eh 11:00 na po ngayon"

"ah pinapunta lang naman kita dito kasi may bibigay ako"

"ano po yun ma?"

"oh ayan pang baon mo wag ka maingay kay khate magtatampo yun"

"ma alis na po ako" nag kiss nako at paalam kay mama paglabas ko nakasalubong ko si papa papasok ng kwarto nila at nag kiss na din ako at nag paalam.

"khate babyee" sabay kiniss ko si khate tapos dumiretso nako sa labas dahil inaantay nila ako sa labas.

"its already 11:06" maarteng sabi ni guellen "6 minutes lang naman" sagot ko at naglalad na kami papuntang sakayan isang sakay lang naman pero ang bayad sa jeep ay 18 pesos kaya medyo matagal din ang byahe.

Nagpara na ng jeep sila ate eu at sakto wala pang laman kaya maluwag pa kami sakay na agad kami sa jeep at nagbayad.

AN : May part 2 :) thankyouu sa 25 reads actually yung mga pamangkin ko talaga mahihilig sa darren espanto kaya natuwa lang ako at ginawaan sila ng storya FAN-FICTION lang po ito ibig sabihin kathang isip ko lang sa ingles imagination hindi to talaga ngyare :) vote and comment baka sakaling mabasa ni darren or ng mga friends nya <3

StuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon