Kabanata 2

168 2 0
                                    

"Oh tanga! Ipupunas yung kamay sa mata eh katatapos lang maghiwa ng sibuyas!" Sabi ni Andrei sakin


Inambahan ko siya, "Imbes na tulungan yung kapatid hindi pa gawin. Tulungan mo nga ako dito! Naluluhan na ako eh." Pagalit kong sabi sakanya


"Ayoko nga! Ano ka chiks?" Aniya


"Di mo ako tutulungan? Isusumbong kita kay papa." Pag-babanta ko sakanya


"Sige subukan mo!"


"Susubukan ko talaga!"


Dumating si ate Kyle, "Ano nanaman ba 'yan?" Tanong niya


"Si Andrei kasi 'te ayaw akong tulungan. Naluluha na nga ako dahil sa sibuyas di pa ako tulungan." Sumbong ko sakanya


"Ano ba naman 'yan Andrei? Tulungan mo yang kapatid mo. Hindi yung lakwatsa ka ng lakwatsa!" Sabi ni ate habang tinutulungan akong mag-hilamos


Nag-dabog si Andrei, "Summer naman kaya okay lang!"


Inambahan siya ni ate, "Anong okay lang? Sunog na 'yang kulay mo kaka-basketball! Ikaw tumigil ka ha."


"Oo na!" Aniya


xxxxxxxxxxx


Nagf-facebook ako ng may nakita ako sa news feed ko na nakakasuka


Myleen Santos


I love you beybii Paul! Tayo lang ay may frvr :*** Pakatatag tayo ha? :) I love you so much beybii ko. :*


Napangunot yung noo ko, may forever ba? Haynako, agressive talaga yung mga kabataan ngayon. Buti pa ako, dalagang filipina. Tsaka bakit halos karamihan ng kabataan ngayon pinoproblema yung forever? Kung pinroblema sana nila kung paano sila makakatulong sa mga magulang nila edi masaya!


Pumunta ako sa kuwarto ni ate Kyle at nakita ko siyang nagbabasa ng Fifty Shades of Grey.


"Maganda daw yan ah." Sabi ko sakanya


"Sobra! Pero di naman ako papayag na babasahin mo to." Aniya


"Grabe ka naman! Pahiram na lang ako ng ibang libro."


"Ayoko burara ka." Aniya


Inirapan ko na lang siya at pumunta naman sa kuwarto ng kuya ko. Plano kong mangulo bakit ba?


"Kuya Saiqui! Papasok ha?"


"Pasok ka lang!" Aniya


Pumasok ako at nakitang kavideochat niya yung girlfriend niyang mukhang bayawak.


"Hi Andrea! Kamusta na?" Tanong sakin ng girlfriend niya


"Ayos lang. Diba magkikita kayo mamaya? Bakit nagv-videochat pa kayo?" Tanong ko sa lintang bayawak


"Gusto ko makita kuya mo eh. Masama ba?" May pagka-malditang tanong niya sakin. Sabi na nga ba maldita 'to eh.


"Ay bakit? May sinabi po ba akong masama ATE?" Iritable kong sagot sakanya at diniinan ko pa yung 'ate'.


"Wala." Aniya


"Oh wala naman po pala. Sige kuya, lalabas na ako. Baka kasi nakaka-istorbo ako sainyo."


Nagpipigil ng tawa si kuya sa inasta ko. Narinig ko pang sinabihan niya akong maldita. Lumabas na lang ako at pumunta sa kuwarto ko para umidlip.

CrushWhere stories live. Discover now