Kabanata 3

155 1 1
                                    

Busy ang lahat dahil sa paghahanda para sa birthday ni Andrei. Nautusan ako ni Ate Kyle na bumili n kung ano-ano sa tindahan. Habang sinasarado ko yung gate, napatingin ako sa gawing kanan ko. Nakita ko yung ninong ko na may kausap na lalaki. Siguro magka-edad lang ata kami nun. At dahil sa ingay ng pag-sara ko ng gate, napatingin sila sa gawi ko.


"Louisse! Kamusta na?" Bati ni ninong sakin. Dahil may anak din siyang Andrea, mas pinili niyang tawagin yung pangalawa kong pangalan


Ngumiti ako lumapit sakanya par mag-mano. "Ayos lang po ako. Kayo po kamusta na?" Magalang kong sabi sakanya



"Aba'y ayos lang! Sila papa mo?" Tanong niya


"Ay nasa Maynila po si mama tapos si papa po nasa Abu Dhabi na. Si ate Tukayo po kamusta na?"


"Ay bumalik na pala si papa mo sa UAE. Ayun, si ate Tuks mo graduating na." Aniya


"Wow! ninong magpahanda naman kayo ha? 'De biro lang po."


Tumawa siya, "Naku, oo! Magpapahanda kami, Ay teka, pamangkin ko nga pala. James si Louisse, Louisse si James." Aniya


Lumingon sakin si James at ngumiti, "Hi."


Ngumiti tin ako, "Hello." Lumingon ako kay ninong, "Nong, punta po kayo mamaya sa bahay. Birthday kasi ni Andrei eh. Isama niyo na rin po si James."


"Naku, may lakad ako mamaya eh. Si James na lang ha? Okay lang ba sayo James?" Tanong ni ninong sa pamangkin niya


"Okay lang tito. Para may bagong friend na rin ako dito." Aniya


Ngumiti ako, "Sige po ninong mauna na ako. Uy James, nice meeting you."


Ngumiti rin siya, Nice meeting you too." Aniya


Nagpaalam na ako sakanila at tumalikod na. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang gwapo ni James paker!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CrushWhere stories live. Discover now