Litrato

26 2 0
                                    

Hating Gabi, Lapis sa kamay, Musika ang nagsisilbing tahanan. Sinusulat ay libro ng pagmamahalan, Dal'wang tao sa isang panaginip. Mata'y mabigat, matutulog na ba't bukas na ipagpatuloy ang kwent-


                      CRING CRING!!
                      (nakatulog pala ako... hehehe)

               Bagong araw, Bagong simula, Bagong kwento. Naglalakad sa may puno't umupo, kinuha ang aking kuwaderno at sinimulan ang unang tula, "Litrato" pamagat ng tula ko, 

"Nakakulong sa papel, Iyong mata'y pinagmasdan, Ngumingiti tuwing tinitingnan, Sa litratong kuha, habambuhay tayong magkasama"

              Hango 'to sa ating dalawa na noong magkasama't tila bang wala nang bukas, Sinusulit ang oras na magkasama, namimiss at pinupuntahan kita, tulad ng litrato'y habambuhay tayong magkasama. Sabay tayong kukuha ng litrato, di nakakapagod ngumiti't sa bawat bilang ng Isa, Dalawa, Tatlo. Sa dalampasigan tayo'y nakatambay, agos ng tubig, ibong lumilipand, at lambing mo ang kumakalma sa isipang magulo.

               Sinusundo sa dating tagpuan, sabay tayong gagala at magsaya. Sa mundong kay raming iba, walang tulad ang iyong halaga sa kanila. Tinig mo'y aking musika, na sa tuwing naririnig, tila ba ang kaluluwa'y umaalis sa katawan at puno puno ng paruparoang aking tiyan. Magkahawak ang kamay, sabay tayong lumakbay, sa tabing kalsada ika'y hinagkan at sa noo'y hinalikan. Dapit-hapon, ating sukdulan. Oras na upang ihatid ka sa iyong tahanan, ayaw ka mang lumisan ngunit kailangan. Tanging litrato na aking kinunan ang titingnan at iingatan. Tinawag ko ang iyong pangalan, "IRISH", at huling niyakap ka at sinabing tatawagan kita kung nakauwi na ako at sabi mo'y mag ingat ka at huwag nang pupunta kahit san. Nang biglang... bumuhos ang Ulan.  

                      Unang patak ng ulan. Kumidlat at kumulog.

               Dali daling umalis sa inuupuan at nakalimutang dalhin ang kuwaderno, di ko na 'yon binalikan sapagkat sobrang lakas na ng ulang. Nakauwi na sa bahay at ako'y nagbihin na. Kumain at iniisip kung makukuha ko pa ba yung naiwan kong gamit... (tanga tanga ehhhh) kaya't natulog nalang ako dahil alas nuwebe na ng gabi. 

               Sa pagtulog ay napanaginipan. Babaeng sumilong sa Punong inuupuan, Sobrang ganda niya't inakalang siya'y diawata, kanyang kinuha ang kuwaderno at binasa ang mga tulang gianawa, Ngumiti siya't binuksan ang susunod na pahina. "Kundiman."

               Kaniyang isinara ang libro at binalik sa kinunan, at siya'y umalis, lumisan.



GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon