Chapter 15

23 5 0
                                    


"Magdadrop na kaya si Ryu?" tanong sa akin ni Val.

Simula ng matapos ang first grading examination hindi ko na nakita ang maputlang lalaking 'yon. Walang may alam kung anong nangyari sa kanya. Ang sabi ng iba baka magdadrop na siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil bigla nalang akong nalungkot ng marinig ko iyon sa kanila.

"Ano sa tingin mo?" tanong pa niya.

"Hindi ko alam." walang ganang sagot ko.

"Bakit kaya bigla nalang siyang hindi pumasok?"

"Bakit ba siya nalang ang bukang bibig mo?" inis na tanong ko.

"Ikaw naman! Selos agad?"

"The nerve!"

Nang muling tanungin sa amin ni Mrs. Villanueva kung nasaan siya natawa ako ng sabihin ni Namie na may bulutong daw siya. Hindi naman sa tinatawanan ko siya dahil nagkabulong siya. Masaya lang ako na hindi totoo ang balita na magdadrop siya. Teka masaya ako? Hindi ba dapat masaya akong mawawala na siya? Ayyy... ewan!

"Pwede bang ikaw nalang ang maging bestfriend ko?" tanong ni Val habang naglalakad kami pabalik sa room. Galing kaming canteen dahil nagpasama siyang bumili ng tubig.

"Friend na nga kita tapos gusto mo pa bestfriend? Abusada ka din, eh!"

"Sige na. Parang ganon lang din naman 'yon, diba? Ang kaibahan lang... ikaw yung pinaka best sa lahat ng friend ko."

"Edi, magkaiba 'yon. The nerve!" iiling-iling na sabi ko. Simula ng malaman ni Val ang totoo sa akin naman siya dikit ng dikit. Siya na din ang nagpumilit na maging kaibigan ko siya. Kaya ayun... napilitan nalang ako.

"TAMA NA 'YAN!" boses ni Namie.

"Ano 'yon?" tanong niya sa akin. Nagkibit balit lang ako bilang tugon. Magkasama kaya kami. Paano ko naman malalaman kung anong nangyari? The nerve!

Nagmadaling tumakbo si Valerie papunta sa room ng marinig namin ang boses ni Namie. Sumunod nalang din ako dahil baka makigulo na naman ang babaeng 'yan. Ang hilig pa namang makisasawsaw sa gulo niyan.

Nadatnan namin si Leric na pinapagpagan ng eraser ang buhok ni Ava Marie.

"Tama na sabi, eh!" awat ni Namie.

"Leric, ano ba?" saway ni Val kay Leric. Kitams... nakikialam na naman.

Hindi ito nakinig at bag naman ni Ava Marie ang pinagdidiskitahan nito.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" pangaasar nito.

"Hindi mo man lang siya pipigilan?" saad ni Daryll sa tabi ko.

Napakunot noo ako.

"Bakit ko naman sila pipigilan? Kung gusto nilang mag-away bahala sila." saad ko.

"Ikaw ang peace officer. Responsibilidad mong panatilihin ang kapayapaan sa klase natin, hindi ba?" The nerve! Inis akong tumitig sa kanya pero nginitian lang ako ng ungas. Parang pamilyar sa akin ang scenario na ito. Biglang pumasok sa isip ang maputlang lalaking 'yon.

Magkaibigan nga kayo!

"Ms. Peace Officer..." pangungulit nito. HA! Kailan ba matatahimik ang buhay ko? Akmang papagpagan ulit ng eraser ni Leric ang bag ni Ava Marie ng pigilan ko siya sa may pulsuhan.

"Bitawan mo nga ako!" inis na sabi nito. Pilit na kumakawala ito sa pagkakahawak ko pero mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa kanya. Kinuha ko ang eraser na hawak niya gamit ang kaliwa kong kamay at saka buong lakas na ihinampas sa mukha niya.

Beyond the broken hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon