Chapter 25

7 3 0
                                    

Malayo palang tanaw na tanaw ko na siya. Naka puti siyang polo shirt at nakasuot ng maong na pantalon. Magkatext kami kagabi at sinabi niyang sabay na kaming magsimba sa first mass kaya naman inagahan ko talaga.

Dire-diretso lang kami sa paglalakad ng mga pinsan ko habang palinga-linga ako sa paligid at kunwaring di ko siya nakita.

"Jean!" tawag ni Ryuji ng malapit na kami sa kanya. Nasa parehong pwesto siya nakaupo.

"Uyy." kaswal na bati ko sa kanya pero sa totoo lang pigil na pigil talaga ang ngiti ko. Pau, kalma!

"Dito na kayo!" sabi niya. Sumunod naman kami ng mga pinsan ko.

"Thank you." sabi ko. "Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Halos kararating ko lang din." tugon niya.

"Kaya ka po pala nagdress kasi magpapacute ka, ha!" nangaasar na sabi ni Dylan. Tumingin ako sa kanya at saka pinandilatan siya ng mata.

"Nagdedress naman talaga ako, ah!" saad ko.

"Diba po sabi niyo ayaw niyong magdress dahil hindi kayo komportable?" sabat ni Cole. Napapikit ako sa inis. The nerve!

"Sayang naman kasi kung hindi ko isusuot ang binigay ng Mama niyo, diba?" mahinahong sabi ko saka pasimple ko silang hinawakan sa braso. Pagtingin ko kay Ryuji nagpipigil na siya ng ngiti.

"Ang ganda! Bagay sayo." sabi niya.

"I know!" kaswal na sabi ko pero sa totoo lang kilig na kilig ako.

"Susum--" magsasalita pa sana si Dylan pero agad kong tinakpan ang bibig nito. Kung ano-ano nalang ang sinasabi nabubuking tuloy ako.

Hindi na kami masyadong nakapagkwentuhan dahil nagsimula na din ang misa.

Pigil ang ngiti ko ng magsimula na ang pagkanta ng Ama Namin. Iniangat ko ang kamay kaliwang kamay ko at marahan naman niya itong inabot.

Ama namin sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Pasimple akong sumusulyap sa kanya habang kumakanta kami. Tuwing misa ko lang kasi siya napagmamasdan ng ganito kalapit.

Bigyan Mo kami
Ng aming kakanin sa araw-araw

His eyes are as beautiful as the sunrise

At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala

His eyebrows are thick and black.

Para nang pagpapatawad namin

His nose is pointed but not a whack.

Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso

His lips are pale, not red or flushed.

At iadya Mo kami sa lahat ng masama

He's got that dazzling smile that makes me blush.


"Mag-coconfess ka ba?" tanong niya ng matapos ang misa. Hindi muna kami lumabas ng simbahan dahil inaantay pa namin si Lola.

"Yun ba 'yung pinapagawa ni Ma'am Estravo?" pagsisigurado ko. 

"Oo."

"Ahh! Oo. Kailangan ko 'yung points, eh! Ikaw ba?" tanong ko.

Beyond the broken hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon