Eliashia POV
MABILIS akong tumakbo papasok sa bago kong pagtatrabahoan. Tsk! Unang araw - late ka? Wala sa sarili kong kinagat ang pang-ibaba kong labi sa kaba. Alam kong ito ang unang araw sa trabaho ko, I also set my alarm in advance pero hindi man lang ako nagising. Nasanay na kasi akong late na magising, kaya ano kana ngayon?
Pilit ako pumasok sa elevator kahit alam kong puno na iyon. Rinig ko pa ang mga reklamo sa may likod na hindi ko na binigyan pa ng pansin. Kailangan ko magmadali, kundi patay ako.
Nang tumigil ang elevator ay halos liparin kona ito papasok pero parang pinagsakloban ako ng langit ng nadatnan ko ang taong nag-interview sa akin, si Sir Elforo. He looked like 50 - years old for me, he is wearing a formal suit na halos hindi na niya maisuot dahil sa laki ng tiyan nito.
Patakbo akong lumapit dito. Nang makaharap ako sa kanya ay agad ako yumuko upang humingi ng tawad "I really sorry for being late, Sir" saad ko habang nakayuko parin.
"You are 20 minutes late, Miss Hamid" napakagat labi muli ako ng marinig ko ang kunting inis sa boses nito."Hindi na po mauulit"
"I don't tolerate this kind of behavior. Ayaw kong maulit muli ito, ke-bago mo pa" napabuntong hininga nalang ito bago sinabing sumunod ako sa kanya.
Napapikit nalang ako sa kahihiyan at wala sa sariling sumunod dito. Bawat madadaanan namin ay bumabati sa kasama ko, hindi ko alam kung ano ang naging reply sa bawat bati dahil nakatalikod ako dito at wala naman akong narinig bilang reply kay Si Elforo. Pero pagkatapos bumati kay Sir Elforo ay madiin akong titigan ng mga magiging katrabaho ko. Ang iba ay bibigyan ako ng simpleng ngiti, ang iba naman ay nakatitig lang ito sa akin. Kagat labi akong yumuko.
"Ito ang magiging lugar mo, Miss Hamid" agad ako napaangat ng tingin ng nagsalita muli si Sir Elforo. Agad ako ngumiti dito at tumango. Sinilip niya muna ang wristwatch bago dahan-dahang tumalikod sa akin "If you need something don't hesitate to inquire me"
"Salamat po" tango lang ang naging saad bago tuluyang tumalikod. I sigh bago lumapit sa loob ng cubicle ko. Simple lang ito pero kumportable. Dahan-dahan akong umupo at sabay ayos sa sarili.
"Hi!" napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ng isang babae. Maganda ito, with her killer red lip ay parang strikta ito tignan ngunit hindi ko iyon masasabi dahil may naka plastar na ngiti sa mga labi dito "I'm Natasia, you are?"
"Eliashia" simple kung saad sa kanya.
"Nice to meet you" agad nitong inilahad ang kamay sa akin. Agad ko itong tinanggap at binigyan ito ng simple ngiti.
"Me too"
"You look more prettier kung ngingiti ka" hindi na ako umimik sa sinabi nito at nahihiyang ngumiti dito "Tara?"
"Saan?"
Mahina itong napatawa "Ililibot kita" hindi na ako nakaangal pa ng agad ako hinila nito.
Hindi ko mabilang kung ilang oras na niya akong inilibot sa pangtatlongpung-apat na palapag ng building. Ang akala ko ay ililibot lang niya ako sa mga lugar na kailangan kong puntahan tulad ng opisina ng manager ko, cafeteria, etc. Pero hindi ko akalaing ililibot niya pala ako sa buong building. Ramdam ko na ang pamamanhid ng paa ko.
Shota naman ohh!
"Nastasia?" tawag ko sa pansin nito dahil dada ng dada lang ito na hindi ko man lang ito naiintindihan.
Tumigil ito at nababakas ang pagtataka sa maganda nitong mukha "Bakit?"
"Awat muna, sakit na ng paa ko" wala sa sarili kong sabi nito "Hindi kaba napagod? Parang nadudurog na ang buto ko sa paa" marinig ko ang mga mahina nitong tawa kaya wala sa sarili akong napaungot.
"Pasensya kana, exited lang kasi ako" hindi na ako nagsalita pa sa sinabi nito. She suddenly grabbed my shoulder na para bang inakay ako sa paglalakad "Promise, may last one floor pa" napangiwi ako sa narinig ko.
Last na talaga, iyon na kasi ang huling floor sa building.
Nang matunton namin ang last floor, ay agad ako humanga. Iba ito sa ibang floor. Bubungad saiyo ang modernong design ng buong floor na may kulay itim at ginto ang tema, makikita morin ang mga mamahaling larawan nakasabit sa mga dingding. May isang pinto na kulay ginto nagawa sa kahoy, na may nakaguhit na mga pattern sa katawan ng pinto. The floor filled with intimidated aura.
"This floor exclusive only for Sir Aidrian" napalingon ako kay Nastasia ng marinig ko siya "He was the face of the Empire" bakas ang paghanga sa boses nito "He's magnificent body that everybody woman drool for him. Sheezh! Nakakalaway ang kagwapohan ng boss natin" maypilyong ngiti ito sa mga labi.
Agad ako nagulat ng bigla niya akong hinila papalapit sa nagiisang pinto dito "Anong gagawin mo?" nagtataka kung tanong dito.
Maslalo lumaki ang ngiti nito "Sisilipin lang naman natin si Sir" pagkatapos niyang sabahin iyon ay patuloy ito sa paghila sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "Ano kaba? Baka pagalitan tayo"
"Hindi'yan"
Wala na akong nagawa pa kundi magpatianod sa kanya. Nang makalapit sa pinto ay ngayon ko lang napansin ang parisukat na gawa sa babasagin, hindi mo ito mapapansin sa malayuan dahil magkatulad kasi ang kulay sa pinto. Hindi na kailangan buksan ni Natasia ang pinto dahil sa pamamagitan palang ng salamin makikita muna ang nasa loob.
Napabuntong hininga ako sa pinaggagawa ng kasama ko. Napangiwi ako ng marinig ko ang mahihina nitong sigaw na para bang high school na nakita ang crush nito. Wala akong nagawa kundi ang sumilip din sa loob, parang nanginig ang buo kung sistema sa nakita. Napakunot noo ako, agad nahagip ng mata ko ang lalaking nakaupo sa mesa, hindi kalayuan sa pintuan. Busy ito sa pagbabasa ng papeles.
May heartbeat faster for unknown reason but just staring his familiar feature ay hindi ko mapigiling manlamig. His messy hair, to his unbuttoned polo shirt na naging dahilan ng paglantad ng makikisig nitong dibdib. Agaw pansin ang langtad nitong ilong. I stare at him ng walang sa sarili itong lumingon sa amin. I shudder from the thought that he staring at me too.
Pinagpawisan ako ng malamig na mapagtantong makita ko ang buong mukha nito. Parang may bumara sa baga ko ng naging dahilan ng nahihirapan ako sa pahinga.
No! This can't be!
"Rafa"
-YUMEKO
Happy New Year to all of my Kayumeko. Paki LBC ng mango float niyo HEHEHEHE. Sana magustuhan niyo ang bagong kabanata. Sa susunod ko lang ito eedit. Love Lots to all.
YOU ARE READING
Supreme President Of The Empire Is My Boss
RomanceAfter seven years ago Elizabeth changed her life.Everybody known her as Eliashia Hamid.Tumira siya sa isang bayan.She content with this kind of life dahil sa ganitong paraan niya nakakalimutan ang nangyaring pagsabog sa nakaraang pitong taon na nagi...