PROLOGUE

14 4 6
                                    

A Short Novel
written by
Cosette Alianovna

For my lifeline,
I hope Reagan resonates with you.

PROLOGUE.
Ang lamig. Isip ko habang pilit na binalot ang sarili sa kumot na binigay sa'kin ng pulis. Nakaupo lang ako sa gilid ng private pool na rinentahan naming magkakaibigan, nangangatog pa rin ako sa lamig. Parang nahihilo na rin sa ingay ng ambulansya at sa pasalit-salit na kulay pula at bughaw. Madaming tao ang naghihintay sa labas ng tinutuluyan namin kaya madami rin nakaharang na pulis.

"Mich?! Mich!" Sigaw ng isang napaka pamilyar na boses kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nakita ko na patakbo siyang pumunta sa'kin at agad niya akong niyakap kaya niyakap ko siya pabalik, napahagulgol ako.

"Sinubukan ko siyang iligtas... Hindi ko alam kung ano nangyari... kung bakit, wala talaga akong kinalaman. Tulungan mo ako, please? Ngayon lang. Nagmamakaawa ako, madami pa akong pangarap..." Utal-utal kong sabi dahil sa paghagulgol

Lumuhod ako sa harapan ng babae habang hinahawakan ang mga kamay niya. Wala akong pakielam kung inuuhog na ako o magmukha akong tanga kakahingi ng pagmamakaawa, pero kailangan ko rin ng hustisya. Biktima rin ako.

"Mich, tumayo ka diyan. Parang awa mo na." Ani niya, tila naiiyak din. "Bakit ka ba kasi sumama dito?! Alam mo naman ugali ng mga 'yan!" pagpapatuloy niya habang pilit akong pinapatayo. "I told you to stop trying to fucking fit it! You don't belong in their flock, they don't deserve you. They never did." I can sense the frustration, anger, and sadness mixed in her voice.

"Mich! Tumayo ka na diyan, please?!" Pagmamakaawa niya

"Mich! Tayo na!" Ramdam ko ang pagyugyog sa'kin, "Mich! Batang ito. Tumayo ka na diyan!" napatayo ako nang marinig ang boses ng nanay ko.

"Ma naman!" Inis kong sabi, hinihimas ang hita kong pinalo niya.

"Oh? Umiiyak ka na naman? Binangungot ka ba ulit?" Tanong ni mama, binato sa'kin ang bimpo. "Bumangon ka na bago pa kita buhusan ng tubig!" bulyaw niya

"Ito na! Ito na!" Pagtarang ko, labag sa loob na bumangon pero wala na naman akong choice. Habang nagsisipilyo, pilit kong inaalala ang mukha ng babaeng nakausap ko. Sino siya? Wala naman ako kilalang gano'n.

Ngayong araw na ako babalik sa dorm. Balita ng roommate kong si Atarah, magkakaroon daw kami ng bagong kasama sa dorm, kaso hindi namin schoolmate. Nakasama daw ni Atarah noong nagkaroon ng get together ang tatlong kilalang college sa Katipunan Ave.

Inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas patungong kusina para kumain ng umagahan. Binatukan ako ng ate ko dahil trip niya lang kaya gumanti na rin ako. "Para kang gago!" bulyaw niya kaya binelatan ko, siya naman nagsimula.

"Kain na mga bata! Baka nagutom na kayo kakalaro." Masiglang bati ng kuya ko, iba talaga kapag morning person. Puno ng bardagulan lagi sa bahay namin tuwing umaga, kahit na naiinis ako tuwing nandito... hindi ko rin mapigilan na mamiss 'yung ganito kapag nakatuloy ako sa dorm.

Sinundan ko si ate nang makita ko siyang lumabas patungo sa garahe namin. Nakaipit ang buhok niya sa likuran ng tainga niya, magmula nang nagpa-wolf cut siya, hindi na siya masyadong nagp-ponytail. Kita ang bra strap niya sa suot niyang puting spaghetti strap, naka-jogging pants din siya at tsinelas. I can say that she exudes a vixen-like but very masculine energy. Lumingon siya sa'kin at nginisian ako, "Yosi?" she offered.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate's Twisted Strings (ACUEZA SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon