PROLOGUE

7 0 0
                                    

"Hoy Lypi Elpizo Bautista!" tamad kong nilingon ang kaibigan ko na di ko alam kung ilang beses ko nang sinabihan na huwag na huwag nya akong tatawagin sa buo kong pangalan.

"Ano nanaman? Wala pa akong sagot sa assignment ng Cost Accounting" agad kong sagot sa kanya dahil sigurado ako na iyon ang sadya nya. Nakatitig lamang ako sa mga problem na kailangan naming sagutan na kailangan ipasa mamaya.
Kahit anong analyze ko wala talaga akong mapiga sa utak ko dahil kahit anong gawin ko ay wala akong gana sa lahat.

"Sus! paano ka gagawa ng assignment e puro si Mac na lang iniisip mo" pang aasar niya sakin.

Agad nagbalik ang memorya ng pag aaway namin nung isang araw dahil sa nainis ako sa kanya dahil di siya nagupdate ng 1 week, ni ha ni ho wala, malolowbatt na lang cellphone ko kakaintay ng chat nya. The worst part of it, when I asked him anong nangyari bakit walang paramdam, sya pa yung galit at sinabing "wala na ba akong karapatan na gawin ang gusto ko? Ng ako lang?".
That time I got speechless, I am torn between magagalit pa rin ba ako because my reasons are valid or makokonsensya baka masyado akong demanding.
As usual wala nanaman akong naisagot sa kanya and I feel like he's invalidating my feelings. Hell! my reasons are valid! Di ako maghuhurumentado sa wala!
I rubbed my nose in the frustration kung paano ko nanaman siya susuyuin kung pati ako ay gusto ko rin na suyuin.

"Ikaw nga walang iniisip hindi ka nakakapag gawa ng assignment, wag mo muna ako kulitin Felicia please" nauubusang pasensya kong tugon sa kanya

"Hays, ba't di mo na lang kasi hiwalayan yang jowa mo na yan, tutal halos wala na rin namang pake sayo oh. Hinahayaan kang umiyak, hinayaan kang mag overthink. Alam naman nyang graduating ka, ngayon pa sya nag iinarte ng ganyan! Di niya man lang naisip na kailangan mo ng peace of mind para makapag ready ka sa board! sweet lang ata yon pag libog yon e!" kamuntikan na akong maasar sa mga pasaring nya pero totoo naman ah?
Bakit pa ako magagalit kung totoo naman yung sinasabi nya, kung noon ay maiinis pa ako ngayon napapabuntong hininga na lang ako.

I know it's inappropriate to question your partner's love but I can't help it. Paano ko di magagawang kwestyunin ang mga bagay na di ko na maramdaman?
Kahit paulit ulit nyang sabihin ang salitang "mahal kita" kung walang pagpapatunay, it's all nonsense. Everything in the relationship is unrealistic, mahirap nang paniwalaan lalo na wala namang kasamang actions.

" 'Di ka makaimik 'no? Kase totoo. Alam mo Lypi don't settle for less. 'Yang 7 years na yan kaya mo yan itapon! Marami pang lalaki dyan yung mas deserve ng pagmamahal mo" I understand that she's only concern kasi naaapektuhan na ang pag-aaral ko but I still don't let my mind accept that thought.
As if kaya ko, eh mahal ko yung tao. I still cherished the memories we've experienced together. Hindi ko kayang itapon yon.

"You know what Felicia? kung kaya 'ko lang, gagawin 'ko. Pero hindi ganon kadali yon kaya tantanan mo ako sa ganyan. Ikaw muna gumawa ng assignment kokopya na lang muna ako, I couldn't think straight" tipid akong ngumiti dahil wala na talaga akong gana.

Everytime we're having a fight like this even if it is minor misunderstanding I feel like the end is waiving at me and saying "bitaw na".

Paano 'ko bibitawan ang taong nagparamdam sakin ng bagay na di ko naranasan sa pamilya 'ko?
Paano 'ko bibitawan yung taong kaisa isang meron ako ngayon.
Paano 'ko bibitawan yung taong tumanggap sakin ng buong buo. At marami pang "paano" given sa taon na pinagsamahan naming dalawa.

I don't want to break up with him ng ganon ganon lang. I want to fight for our love. I want him back katulad ng kung ano sya dati sa akin. I want our relationship back to its normal and both inlove phase.
I want him back kasi miss na miss ko na sya.

But then again, lahat yan ay gusto 'ko lang. It's only me who still wanted to bring what we have before. It's only me fighting for this throttle love.
And I understand him, maybe this love isn't for us. Maybe he thinks that 7 years is enough at sagad na yon, hindi na kayang ipilit. This relationship that
I'm trying to save is in the wreck state that no one can't fix it, even I and Mac.

I sighed and stared my book in Cost Accounting, I saw my name written on the bottom left side of the front page: Lypi Elpizo Bautista, CPA BS Accountancy 4-Y

Surprisingly, there's still have a glimpse of hope remaining.
Elpizo means hope in Greek word.
This will be my only alas slash courage to pursue him again. Susuyuin ko sya gaya ng nakagawian.
Hindi ko alam na darating ako sa point na pati ang meaning ng pangalan ko ay gagawin kong motibasyon. Wala e, mahal ko.

Light of the BlindWhere stories live. Discover now