Review
"Lypi! Akayin mo muna ang Tatay mo papuntang banyo, may nabili lang!" sigaw ni Inay na nasa sala kung saan nandon ang aming maliit na sari sari store.
Agad kong iniwan ang gamit ko na dadalhin ko mamaya sa school. Tapos na akong maligo at nakabihis na rin ng uniporme, tanging pagsusuklay at paglalagay ng gamit sa bag ko na lamang ang hindi ko nagagawa para makapasok na sa school.
Iniwan ko ang aking ginagawa at dinaluhan ko si tatay na may hawak na tungkod at inakay s'ya papunta sa aming banyo.
"Tay dudumi po ba kayo?" malumanay kong tanong kay Tatay habang inaakay ko siya.
"Iihi lang ako" iritableng tugon nito
"Sige po."
Nang makarating kami sa pintuan ng aming banyo ay ipinuwesto ko s'ya sa nakasanayan n'yang tayo kung saan kabisado ito ng kanyang memorya dahilan na hindi ito matutumba.
At saka ako tumalikod upang makaihi ito.
Nang matapos si Tatay ay binuhusan ko ang bowl at saka inakay muli papunta sa kanyang upuan na malimit n'yang tambayan."Lypi, kailan ang bayaran niyo ng tuition?" tanong ni nanay pagtapos n'yang bentahan ang kaninanng customer.
"Next next week po Nay, mag q-qualifying exam na po kasi kami." pagpapaliwanag ko.
Next next week o katapusan ng buwang ito ang qualifying exam namin, sa pagkakaalam ko ay huling qualifying exam nanamin ito.
It's like a do or die situation ang gaganaping exam na ito dahil kapag hindi ako nakapasa dito I'll need to retake this course, uulitin ko ang first year.
The other option would be shifting another course.Ayokong bumagsak dahil ayokong bigyan ng sakit sa ulo si Nanay. Finishing this course is my last resort to have a better life for my family. So I will do my best para makapasa sa exam na 'yon.
"Magkano?" tanong ni Nanay.
In an instant I suddenly feel nervous. Palaging ganito ang nararamdaman ko sa tuwing tinatanong ako ni Nanay kung magkano na ang bayarin sa school. I feel like I'm adding another burden in my mother's shoulders.
"3,904 po.. 'di pa po kasama ang balance na 1600 noong nakaraang semester." mahina kong tugon dahil sa hiya.
Mayroon akong balance na 1,600 noong nakaraang semester dahil nag Promissory note ako. Nagkulang kasi ang pera ni Nanay pati ang ipon ko noon, kaya wala akong choice kung hindi mag-promi na lang ulit.
"Naku Lypi! maigi pang tumigil ka muna sa pag-aaral at tulungan mo na lang ang nanay mong kumita ng pera!" segunda ni Tatay.
Halos kabisado ko na ang linyang ito ng aking ama. Sa araw araw na ginawa ng Diyos laging ganito ang kanyang komento tungkol sa pag-aaral ko.
Tutol s'ya sa pag-aaral ko mula noong tumuntong ako ng kolehiyo. Aniya'y sapat na raw ang natapos ko na Senior HighSchool. Siguro naman daw ah makakahanap na ako ng disenteng trabaho, yung hindi pang professional pero nakakabuhay ng pamilya.At first I'm convinced on what he said. Nasa rurok na ako ng pagpayag at pagbitaw sa pangarap ko but Nanay and Mac didn't allowed me.
Though I can't blame my father, totoong nakakadagdag pa ang pag-aaral ko sa problema namin dito sa bahay. Piliin ko mang mag working student ay hindi ko kaya sa demand ng course na kinuha ko. Even I didn't work still there are many sleepless nights that I've experienced.
"Ayan ka nanaman Alberto! Imbis na pagpursigihin mo 'yang anak mo na makatapos, lalo mo lang nilulugmok ang anak mo!" iyamot na sabi ni Nanay sa aking ama.