Prologue

2 0 0
                                    


Some people says that dark is like a silent destroyer.
It can vanish everything even the colorful ones.
Dark can kill someone's happiness as well as their mentality. Dark can make things stable into unstable that's why I always hate the color black and everything that is dark. Every time I'm seeing those colors made me puke for unknown reason. I don't know, I just hate it.

Muli kong nilukot ang oslo paper na may drawing. Hindi ko mawari kung matatawag ba iyon na "art" dahil hindi 'ko matukoy kung ano nga ba yung drinawing ko gayong may reference naman ako.

This is for our P.E subject, an activity to be pass tomorrow. Pinagawa kami ng poster related sa mental health. At ang hindi ko maintindihan bakit kami pinapagawa nito gayong Accountancy ang course namin? Hays, wala akong ka arts arts sa katawan!

Kumuha muli ako ng oslo paper mula sa binili kong 5 pesos nito sa tindahan. Nilingon ko sa tabi ang tatlong ni-crumpled ko kanina. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa panghihinayang. 45 pesos na lang yung baon 'ko na kailangan kong pagkasyahin sa dalawang araw.

Singkwenta pesos lang ang naiabot ni Nanay dahil mahina ang kita ng sari-sari store namin . Walang trabaho si tatay dahil isa siyang PWD. Nabulag ito limang taon na ang nakakaraan dahil sa sakit nito, ang sabi ng Doktor niya noon ay namana n'ya raw ito sa father side n'ya, kumbaga nasa genes nila.

Ang mga detalye tungkol sa pagkabulag ng aking ama ay hindi ko na nalaman. Sa tuwing nagtatanong ako kay Nanay ay lagi itong naiirita na animo'y ayaw nang balikan ang rason kung bakit nabulag si tatay.
Sinubukan ko din tanungin si Tatay pero pag atungal ng iyak lamang ang natanggap ko. Wala akong ginawa kung hindi patahanin na lamang s'ya at 'wag nang tanungin.

Noong nabulag si Tatay mas lalong humirap ang buhay namin. Ang dati naming negosyo na maliit na grocery store ay nalugi dahil kinailangan namin noon ng malaking halaga ng pera upang ipagamot si tatay. Ang perang iyon ay di rin sumapat dahil malaki ang kinailangan bayaran na hospital bills bukod pa doon ang gamot at gastusin sa bahay kaya hindi rin naoperahan si Tatay.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos walang umaga na hindi ko naririnig ang iyak ng Tatay ko. He cried everyday everytime he wake up from sleeping. So my mom will get furious about it, magsesermon s'ya kung bakit daw hindi pa rin tanggap ni tatay yung kalagayan n'ya.

Ang kapatid ko naman na bunso na sumunod sa akin ay isang special child, he's still 5 years old after all! Saktong pagkapanganak ni nanay sa kanya after a month nabulag si tatay. Ang kondisyon naman iyon ni bunso ay namana nya sa side ni Nanay.

May times pa na nagsasabay ang iyak ni Tatay at ng kapatid kong bunso at nagkataon pang namamalengke si nanay para sa tindahan namin.

Sobrang hirap maging mahirap. Naaawa ako kay Nanay dahil ginagawa niya ang lahat para lang makapag aral ako at makasurvive kaming apat sa araw araw.

Before I enrolled this school year I told my mother that I am going to stop. I was contented back then in my completion of 2nd year college and completely lost my motivation to continue another year.

For me that was enough thinking that I can still apply in a decent job despite of being undergraduate.
But she didn't allow me. I remember her saying " Para ano? lalo tayong malugmok sa kahirapan? Pag hindi ka nagpatuloy sa pag aaral mananatiling ganito ang buhay natin! Ang tatay mo? Mamatay na lang s'yang 'di man lang nakikita ang sinag ng araw!"

Kaya wala akong choice kundi magpatuloy. Hindi sa ayaw ko nang mag-aral kundi gusto ko lang makatulong agad. 'Di bale 2 years na lang naman ang titiisin ko including itong school year na ito.

I took BS Accountancy because of the job opportunities awaiting after I finish this course. Sure akong maraming oportunidad ang darating sa'min ni Mac dahil business related ang kursong kinuha namin.
'Yon din ang sabi ng Professor ko noong 1st year ako maging ang long time boyfriend ko na si Mac.

Mac is my boyfriend since we were first year highschool. He's my inspiration in everything. Sa tuwing nadadapa ako at hindi ko na kayang tumayo siya yung pumipilit para itaas ako muli.

Alam ni Mac ang hirap ng buhay ko, saksi siya sa mga paghihirap ko kapag wala akong baon o di kaya'y wala akong kain tuwing papasok. He saw me at my worst. He witnessed how I sacrificed my own needs for the sake of my family. Alam n'ya ang kalagayan ng pamilya ko, kung siguro sa iba ay matuturn off sila sa kalagayan namin, si Mac hindi. Mas lalo nya akong tinulungan at minahal ng sobra.

In our 8 years relationship he loved me dearly. He loves my imperfections, flaws, and he loves my family. Kaya kahit kapos din sila sa buhay he's still trying to help my family. But sometimes I refused his help especially when there's money involved. Parang hindi ko pa kaya na tumanggap ng pera mula sa kanya kahit sabihing iyon ay kusang loob niya.
Masyado pa kaming bata para doon at wala rin siyang trabaho. Maiging ang pera na itutulong n'ya sa amin ay sa pamilya niya muna mapunta.

Mac also encouraged me to continue my studies. Katulad ni nanay tumutol din siya sa ideya kong iyon dahil sayang daw ang sinimulan ko. Tama nga naman na sayang ang nasimulan ko dahil ilang qualifying exams na ang nalagpasan ko and still nandito pa rin ako sa course na ito.

He told me that he was sure about me having a CPA title before my name in the future, he was so sure about it.

Sabi niya ay sabay naming aabutin ang titulong iyon para makaahon sa hirap. Sabay kaming maghahanap ng magandang trabaho sa malalaking kumpanya pagkatapos ay magtatayo ng sarili naming Law firm. Sabi niya pa ay 'di muna kami mag sesettle down hangga't 'di pa kami nakakatulong sa pamilya, lalo na sa pamilya ko.

He promised that he will help my father to bring back his vision again. Ang tulong n'ya kay tatay ay hindi lang do'n nagtatapos, gusto niya rin daw akong tulungan para magkaroon ng proper treatment ang bunso kong kapatid.

After he said those words, I loved him even more. Kahit hindi ako umo-oo dahil gusto kong unahin n'ya muna ang sarili n'ya ay naiyak na lamang ako no'n dahil hindi ko inexpect ang mga pangako na iyon galing sa kanya.

Sa panahong naliligaw ako s'ya ang nagsisilbi kong kumpas upang bumalik ako sa kasalukuyan kong dapat kaharapin.
Every time I'm in the edge of the cliff he always lend his hands to save me.
Every time I couldn't swim in the vast of ocean he always saved me, for me to breathe.

However, every relationship has its own struggles. There is always flaws and imperfections embroidered. Hindi parati masaya, nakakainspire, at nakakainlove. Minsan ang kumpas ay naliligaw rin.
I wonder kung hanggang kailan ang relasyon namin at kung hanggang saan kami aabutin. Ang estado ng relasyon namin ngayon ni Mac ay parang kahoy na inaanay na at may indikasyon na nang pagkasira.

Just like my own family even I, may defect. But these defects are the reason why we are lovable. Hindi porket may depekto wala ng value o 'di na maaring maiayos. Sometimes, it makes us unique and will came back stronger than before.

That's what I realized when I noticed the 'termites' that is slowly destroying the foundation of our relationship. Ang depektong ito ay hindi nangangahulugang hindi na pwedeng maiayos. Bagkus ay magsisilbing itong paraan upang sumubok muli na tumibay sa susunod pa na pagkakataon.

I stared at my drawing and those crumpled oslo papers. Luckily, mas maganda na ang kinalabasan ng drawing ko ngayon unlike kanina na nasa "acceptance stage" na agad ako na below passing score lang makukuha ko.

Hmm I think my realizations are true huh?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Light of the BlindWhere stories live. Discover now