Prologue

35 0 0
                                        


"Iha nabalitaan mo ba yung kakabukas lang na hotel dyan malapit sa neighbor Island?" Nagbanlaw ako ng kamay at tumayo para lumapit kay Aling Zena na inihahanda ang mga gulay para sa panghapunan namin mamaya.

"Malakas naman ang benta ng mga gulay natin sa palengke—" napatigil ako ng tumigil sa paghiwa ng nga gulay at hinarap ako.

"Malaki ang sweldo sa hotel na yun Hira, graduate ka ng College kaya possibleng makapasa ka. Ayaw mo ba nun masasamahan mo ang anak mo sa pagpunta nya sa school at sabay rin kayong uuwi."

Ang islang tinitirahan namin ay maliit lamang. Pagtatanim ng gulay ang ginagawa naming hanapbuhay dito para may makain, yung iba naman nagbebenta ng isda sa kabilang isla. Neigbor Island ang tawag namin doon sa kabila dahil yun lamang ang pinakamalapit na Isla sa amin. Maraming mayayaman ang nakatira doon kaya maraming hotel, resort, at restaurant ang nandoon.

Kaya lang halos walang pinag aralan ang mga tao dito kaya hindi sila makapaghanap ng trabaho doon sa kabilang Isla. Tanging nakakapagtapos lamang ang kinukuha nilang empleyado. Ako may personal akong rason kung bakit ayokong pumunta doon sa kabilang Isla.

Sa isla namin walang paaralan, hospital o police station man lang. Para kaming mga sinaunang tao dito.

"Marami ang nakatira doon kaya siguradong puno agad sila." Napabuntong si Aling Zena at napailing.

"Wala namang mawawala kung susubukan mo diba?"

"Meron ho sayang yung pamasahe ko kapag di rin nakapasa. Ang mahal na nga ng pamasahe ni Hexus para lang makapag aral doon dadagdag pa ba ako sa pamasahe?"

"Wag mong problemahin ang pera, ako ang bahala doon."

HINDI ko alam kung matutuwa ako o matatakot dahil nakapasa ako sa trabaho pero limang buwan ang lumipas at naging okay ang trabaho ko.

"Girl nasabi naba sayo ni Mam Adi na ililipat tayo doon sa hindi pa nabubuksan na hotel, next pa daw pero alam kong ikatutuwa mo to girl kasi malapit lang iyon sa sa school ng crushie kong si Hexus!" Napangiwi ako sa sinabi nito at napailing na lang.

"Kanina pa nasabi sa amin ni Mam Adi huli kana sa balita." Napaismid ito at sumimangot.

Lumipas ang isang linggo at lumipat nga kami sa isang hotel. Naging busy agad kami dahil birthday ng anak ng may ari ng hotel.

Gusto ko mang silipin at malaman kung sino ang may ari pero hindi ako nakatoka doon.

"Girl ang gwapoooo talaga kaya lang may Misis na. Ang babata pa nila samantalang tayo wala man lang kajowa jowa, nubayan!" Natawa ako ako sa pagta-tantrums ni Ayela na galing lang doon sa birthday party.

"Ano ka ba girl masyado ka naman kasing nakafocus kay Sir Karic matuto ka kasing ilibot yang mga mata mo at makikita mo ang hunk na friends nya daii!" Gulat na nabitawan ko ang plato ng mabanggit ni Kreya ang pangalang ayaw kong marinig.

"Hala g*ga! Mahal yan girl! Naku lagot ka kay Ms. Rua nyan." Nagmamadaling nilinis ng dalawa ang plato.

"Hoy! Di ka na nakagalaw dyan ano bang nangyari sayo?" Napapitlag ako at ilang ulit na napakurap.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka? Magpahinga ka muna kamu ng bahala magpaliwanag kay Ms. Rua." Wala sa sariling tumango ako at umalis doon.

Karic? Maraming Karic sa mundo Hira, maraming magkakapangalan sa mundo kaya impossibleng nandito sya.

B-but kung nandito nga sya, i-ibig sabihin nandito rin silang lahat.

Karic? Misis?
Is it Zertyl? Napangiti ako sa isiping iyon.

Unti unting tumulo ang luha ko ng maalala ang mukha ng bestfriend ko sa resto na iyon. Yun ang araw ng pagkikita namin ulit pero yun rin pala ang huli.

Napahikbi ako dahil bumalik na naman ang sakit.

"Zertyl sorry... I'm really sorry. Alam kong kasal na kayo ngayon ni Karic. Nang malaman kung bumalik kana, alam ko ng magkakabalikan kayo ni Karic." Parang baliw na pagsasalita ko rito habang lumuluha.

"Alam ko kung gaano ka nya kamahal dahil kitang kita iyon sa mga mata ni Karic. Pagmamahal na kailanman hindi ko nakita sa mga mata nya."

"Kung ikaw nga Misis ni Karic ngayon masaya ako para sayo best kasi deserve mo yan." Huminga ako ng malalim at umupo sa buhangin, nakatulalang nakatanaw ako sa dagat habang pini-picture out sa isip ko ang mga mukha nila.

Dalawang taon na rin ang nakalipas ng umalis ako at alam kong may iba kana o baka nagkabalikan na kayo at kasal na.

Napahagulgol ako ng iyak at hinampas hampas ang dibdib ko.

Sa lahat ng ginawa kong kahayupan noon. Alam kong kulang pa to, kulang pa ang sakit naranasan ko kaya sana mapatawad nyu ako sa lahat lalo na sayo, mahal ko.

Di ko namalayan ang oras at paggabi na. Dapat yung trabaho ko hanggang 6 lang pero dahil sa nalaman ni Ms. Rua na hindi ako nakapagtrabaho pinag-overtime nya ako.

Natawa ako ng makita ang dalawa na nakangusong nakatingin sa akin.

"Ano pang ginagawa nyu dyan, umuwi na kayo."

"Sorry talaga Hira promise gumawa talaga kami ng dahilan ni Kreya ka lang may nakakita kasi sayo doon sa dalampasigan na tumutunganga." Nakasimangot nitong paliwanag.

"And I told you na okay lang ang po-problemahin ko lang ngayon ay kung paano ako uuwi."

"Sa bahay kana muna umuwi girl delikado kapag umuwi ka pa sa inyo ang layo layo pa ng bahay nyu literal na malayo." Natawa ako at umiling. Nagpaalam na silang umalis kaya bumalik na ako sa trabaho ko.

"Uyy Hira saktong sakto hulog ka ng langit!" Napataas ako ng kilay dahil sa pagka-exaggeration ni Romualdo.

"Bakit?" Masungit kong tanong.

"Wala akong mahagilap na empleyado na maghahatid nito." Napakunot noo ako ng makitang mga gatas iyon.

"Para kanino yan sa anak mo?"

"Bakit buntis kana ba?" Napangiwi ako sa sinabi nito.

"Magkakaanak lang ako kung nabubuntis kita." Naningkit ang mga mata ko at akmang hahambalusin ito ng natatawang umiwas lang ito.

"Wala kasing available ngayon na maghahatid nito pwede bang ikaw na lang ang para sa akin? Joke lang! Kung makatingin naman to. Oh room 301 ingatan mo yan kasi special ang gatas na yan." Inirapan ko ito marahas na kinuha sa kamay nya ang trolley at maingat na tinulak iyon.

Nang makarating sa floor agad kong hinanap yung room at kumatok.

"Good—" Nanlamig ang mga kamay ko ng makita ang mukha ng taong bumukas ng pinto.

"H-hira?" Tumulo ang luha ko at agad na tumakbo paalis. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng walang paalam. Bahala na kung wala na akong trabaho bukas.

I can't believe na nakita ko ulit sya. My bestfriend, my innocent bestfriend.


"HIRA! jusko gumising ka!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Aling Zena.

"Aray ko sh*t! Sakit ng ulo ko" hinilot ko ng konti ang sentido ko bago tumayo.

Gosh nakakatakot yung panaginip ko kagabi, nandito raw sa isla sina Zertyl at Karic.

"May gwapong naghahanap sayo sa labas dalian mo! Alam mo bang close na close sila ng anak ko parang ang tagal ng magkakilala tinawag pa nyang Daddy!" Nanlaki ang mata ko at tumakbo palabas ng bahay.

Napatakip ako ng bibig at unti unting napaatras, parang nanghihina ang tuhod ko at nanlamig ang buong katawan ko.

P-paano? A-anong? B-bakit?

Impossible paanong nandito ang ama ng anak ko?

"Rius." Sambit ko sa pangalan nito.

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon