"Hira!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sigaw ni Tatay sa baba."Ang bagal! Eto bilhan mo kami ng tanduay dyan sa labas pati na rin chicharon pulutan namin." Napatitig ako sa isang daan na inabot ni Papa sa akin.
"B-bibili na rin ho ako ng ulam Pa." Sinamaan ako nito ng tingin at akmang babatuhin ng bote pero agad na akong kumaripas ng takbo.
Nang makatapos ako sa kailangan kong bilhin natanaw ko si Mama na pauwi. Lumiwanag ang mukha ko at agad na kinawayan ito. Hindi ako nito pinansin at dire-diretso lang sa paglakad papasok ng bahay. Punong puno ng make up ang mukha nito at maraming alahas sa katawan ito.
"Tang*na Agustin kay aga-aga iinom na kayo!" Pagbubunganga ni Mama. Napatakip ako ng tainga at nagtago sa gilid ng pintuan. Napatalon ako ng makarinig ng pagbasag ng bote.
"At ikaw! Saan ka na naman galing!? Sa lalaki mo!?" Umirap lang si Mama at nilampasan si Papa.
Kailanman hindi tinago ni Mama sa amin na may mga lalaki sya at hindi ko alam kung bakit di pa rin sila naghihiwalay ngayon.
Sa lahat ng mga bata ako gustong maghiwalay na ang mga magulang nila. Palagi na lang sila nag aaway ni mama umuuwi lang dito para nakawan ng pera si Papa.
I hate my mother pero sa tuwing nakikita kong umuuwi ito sumasaya pa rin ako.
"Uyy nandito na ang top 1 natin. Hira the nerd!" Napayuko ako at dire-diretsong naglakad papasok ng room.
"Nakita ko Mama mo kagabi hinahalikan tito ko! Halika gayahin natin dali!" Napapiksi ako ng hawakan ako ni Gerald aa braso.
"L-lumayo ka nga ang bata bata mo pa nga bastos mo na." Narinig kong nagtawanan sila ng mga barkada nya.
"Grade 7 na tayo uyy sinong bata!? Ako? Halika ipapakita ko sayong di na ako bata!" Nandidiring lumayo ako dito at pumwesto malayo sa kanila.
Ayaw ni Mama na pumasok ako ng paaralan dahil magpo-pokpok lang rin daw ako paglaki ko, yun ang mga salitang nagbigay sa akin ng lakas para mag-aral ng mabuti. Ayaw rin akong suportahan ni Papa sa pag-aaral kaya kahit mali nagnanakaw ako ng pera sa bulsa ni Papa kapag nalalasing ito.
I am good in academics. I am always in the top. Wala akong kaibigan dahil palagi akong tambay sa library. Maraming nagsasabi na boring daw ako pero di ko sila pinapansin.
Gusto kong makapagtapos para hindi ako matulad sa mga magulang ko. Ayokong mag asawa dahil ayokong magkaroon ng anak.
Akala ko pag-aaral ang sagot sa problema ko pero mali ako. Unti unting umiiba ang pananaw ko sa buhay habang lumilipas ang taon.
"Dali na Hira try mo." Napatingin ako kay Kelly na inaabot sa akin ang yosi. Si Kelly ang top 1 namin kaya inis na inis ako sa kanya nung una. Ayokong nalalamangan ako kaya kahit mahiyain ako nakipagkaibigan ako sa kanya para makasabay ako sa katalinuhan nya. Naging magkaibigan kami at nagulat ako sa totoong pagkatao nito.
Nung una natatakot pa akong sumasama sa kanya kapag pumupunta sya sa barkada nya o frat kung tawagin. Umiwas ako ng malaman kung anong klaseng grupo ang meron sya.
Hindi na umuuwi si Mama sa bahay at si Papa di na nakakapag-trabaho ng maayos dahil palagi itong lasing. Nagkaroon ako ng problema sa pera at di ko alam kung paano nalaman ni Kelly iyon.
Lumapit sya sa akin at inaya akong sumama sa gig nila para magkapera ako. Nung una ayoko pa dahil masama ang ginagawa nila pero wala na akong choice kung mag iinarte ako hindi ko mapagpatuloy ang pag aaral ko.
"Wag puro aral Hira sige ka hindi mo mararanasan sa buhay ang mag-enjoy at maging masaya." Kelly
Grade 10 ako ng matuto akong magyosi at mag ayos sa sarili. Malaki rin ang pinagbago ko simula ng makilala ko yung barkada ni Kelly.

BINABASA MO ANG
Stolen Love
Storie d'amoreThis is already enough, Rius! Yes I love you but it's already too much! Why did you marry me? To get back on me for ruining your relationship with Ashna, how many times I told you that I AM FVCKING INNOCENT! If you want to go back to her then go on...