SA30

6.9K 271 27
                                    

Regina's POV

Tinawagan ako ni Venven kanina na pumunta daw sa rooftop. Nagtaka pa ako kung bakit niya naisipan na dito daw kami mag lunch date, pero sabi niya siya na daw bahala sa food at kung hindi ako sasama sakanya ay kakaladkarin o bubuhatin daw niya ako papunta dito.

Napaka sweet niya talaga eh no. Sobrang feel ko yung love niya para sakin.

Hinihingal pa ako nang tuluyan akong makaakyat, naalala ko itong rooftop na dito ay hindi makakaakyat ang mga istudyante basta-basta not unless personal kang may susi dito. Noon pa man, ay si Miss Danny lang ang kilala kong may access dito. But I guess Miss Cervantes gave the other professors a permission.

"Why are you so late?" Naguluntang pa ako nang biglang sumulpot si Venven sa harapan ko nakalagay pa ang dalawang kamay sa magkabilang bewang.

"3 minutes lang naman." I reasoned out.

"Or maybe Avery asked you out huh?" She blurted out.

Wala sa sarili akong natawa sa sinabi niya kaya kumunot ang noo niya, napawi naman agad ang ngiti ko and to make it up ay hinila ko siya papalapit sakin at niyakap ng mahigpit.

"Ikaw lang gusto ko, Venven. Remember, diba nagliligawan na tayo sabi mo? So since nililigawan na kita, I'm yours even if we're still on the courting stage."

Tumikhim naman siya habang namumula na ang mukha. "E-ewan ko sayo, kumain na nga tayo."

Mabilis lang pala ito paamuhin, konting salita at gawa lang bumibigay na agad. Hindi halatang patay na patay siya sakin huh, hindi talaga. At oo malakas confidence ko aba dapat lang, isa sa magandang professor ng Lockwood University nagkakagusto sakin.

Sino ba naman hindi siya gustong ipagmalaki? Subukan lang talaga manggulo ulit ni Harrison. Mawawalan siya ng itlog. Anyways, hindi ko siya mahanap kaya di ko parin confirm kung kanino niya nalaman ang past ko.

And I still don't know kung hangang saan ang alam niya at kung ano alam ang alam. The only keywords that I knew coming from Venven is the art competition, Japan and Jess.

'Time is running out, Regina. You're not getting away from your own lies again. If you think that you can manipulate the people around you — your friends, professors, family and Engineer Fuentes. Well, don't include me in your list.

I'll make sure that you'll get drown again, believe me when I say that you will never be able to get a glimpse of what true sky looks like.

-To Behold.'

Humigpit ang hawak ko sa phone nang makita ko ang message. Everyday I would receive a threat like this, actually I tried to connect this with the recent incident with Krystal and even tried to track the IP address with the help of my new personal secretary.

Pero I failed, they don't have common terms and magkaiba sila ng agenda based sa findings. Kung meron man sila pagkakatulad ay may sarili silang nickname.

The person who is obssessed with Krystal was named as White, while mine is To Behold. Isa narin na parehas silang hindi matrack.

"Why are you frowning during our lunch date? Who's texting you?" Naniningkit niyang tanong.

I shrugged and smiled sweetly at her. "Just a spam, Venven. Ang dami bigla nagtetext sakin ng kung ano ano."

"Do you want me to find their IP Address?" Mabilis niyang sabi kaya agad akong umiling.

"Uso talaga ito ngayon, magpapalit nalang siguro ako ng number." Pagpapalusot ko.

Nagningning naman ang mata ko nang isa isa niyang inilagay sa harapan ko ang mga lunch box. Mukang madami pa ito, I really admire the menu that the Fuentes are using when it comes to their foods.

Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL] Where stories live. Discover now