Kulang ang salitang nagulat sa nararamdaman niya. Napakasaya niya sa di malamang dahilan pero di maalis sa kaniya ang pagtataka kung bakit siya kilala ng the Angelo Cortez.
"Ha?" Tanong niya. Buti naman at namaniubra niya pa ang sarili para hindi mauutal sa pagtatanong niya.
Ngumiti ito at lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin. Alagang alaga talaga ito. Sobrang gwapo nito na parang hindi patas sa iba dahil kung nagpaulan ng kagwapuhan hindi siya naambunan man lang kasi siya yung nagdo-donate.
"Hahaha. You're cute Clara. Hi I'm Angelo. As in anjelo." Sabi nito at gustong makipag-shakehands. Tinitigan lang niya ang kamay nito at gumuhit sa labi nito ang maliliit at nakakapanghinang ngiti at kumamot sa ulo.
"Hahaha. I'm sorry medyo feeling close. Oh sige una nako. Mukhang ayaw moko kausap eh. See you around!" Sabi nito at naglakad paalis.
Hapon na pero bali-balita parin ang nangyari sa bayan kanina. At siyempre kung gaano siya kaarte sa paningin ng iba para hindi pansinin si Angelo. Hindi niya na lang ito pinapansin dahil panigurado'y inggit ang mga ito dahil siya ang kinausap.
Nagpupunas siya ng mga kasangkapan sa bahay ng may kumatok. Marahan niyang binuksan ang pinto at hindi siya nagkakamali. Isang babae nanaman na gustong sumubok sa gayuma.
"Pasok ka." Malamig na bati niya at pinaupo ito sa kawayang upuan sa bahay niya.
"Alam mo naman siguro ang pinunta ko dito,Clara. Gusto kong magpagayuma,at gusto kong mapasakin si Angelo." Sabi nito at wala siyang sinabi kundi ay kinuha niya na ang mga gagamitin ng maumpisahan na ang ritwal.
Hinahanda niya na ang pampaligo niya ng may marinig siyang nage-eskandalo sa tapat ng kaniyang barong-barong.
"Hoy mangkukulam lumabas ka diyan! Isa kang mapanlinlang! Hindi tumalab ang gayuma mo punyeta!" Pumamewang siya pagkabukas niya ng pinto. Kaniyang nasilayan ang babaeng kani-kanina lang ay halos magmakaawa sa kaniya makuha lang ang pagkagusto ni Angelo.
Wala siyang sinasabi. Nakatayo lang siya dun at pinapakinggan ang mga dada nito habang ang mga kapitbahay ay nagbubulung-bulungan at ang iba'y nakatingin lamang.
"Hindi ko naman sinabing tatalab yun. Dahil kung wala kang tiwala-" Hindi na siya pinatapos ni Angelo dahil bigla itong nanga-akbay. Maraming napasinghap at ang bulung-bulungan kanina lang ay ngayon ay umingay.
"Oh bakit hindi ka pa bihis Clara? Diba nagpapasama ako sayo para makilala ko naman itong Sitio Victor? At bakit inaaway ka niya?" Tinuro niya ang babaeng ngayon ay nagmukhang maamong pusa at natahimik.
"U-hm wala Angelo." Sabi nito at tumakbo.
Pumasok siya ng bahay at sasaraduhan na sana ang binata ng mauntog ang ilong nito sa pagkasara niya ng pinto at napaaray. Agad niya itong binuksan at galit siya dahil nagaalala siya.
"Ano ka ba naman?! Bigla-bigla ka kasing susulpot eh." Singhal niya.
"Sorry na oh. Eh kase naman,I've seen many scenes like that sa Manila. At kulang nalang ay magpatayan ang mga babae kaya sawang-sawa nako makakita ng ganyan. Isa pa kung di ako dumating baka puro kalmot ka na ngayon kase di ka lumalaban." Dahilan nito habang hawak ang ilong.
"Kaya ko ang sarili ko." Pag-irap niya. Perwisyo pa itong lalaki nato sa kaniya eh. "At ano ba 'yong eksena mo kanina? Wala tayong usapan lalong lalo na at di tayo magkaibigan!" Sabi niya.
"Wow naman hahaha. Hinard moko ah. Sakit nun." Pagloloko nito pero wala siyang nagawa kundi mapa-poker face. Kahit kailan talaga.
"Oh hindi mo man lang ba ako papapasukin?"
"Hindi."
"Ikaw din. Babagabagin ka ng konsensya mo kasi ang sakit ng ilong ko tapos ikaw hindi mo man lang ako papasukin. Di ko kailangan ng thank you at sorry. Tubig lang ayos na." Kumindat pa ito. Tumayo ang mga balahibo niya at napairap siya. Wala siyang nagawa kundi magbigay daan para makapasok ito.
BINABASA MO ANG
Mahika
General FictionSi Clara ay isang malaking taga-hanga ni Angelo. Mali. Kaisa-isang babaeng hindi kailanman humanga sa isang binatang laking maynila at dumayo sa kanilang probinsya upang magbakasyon. Ngunit sino nga ba siya para pansinin ng isang taong-Maynila na ma...