Ayaw man niya,wala na siyang nagawa nang galawin na ni Angelo ang manibela at minaneho ito papuntang talipapa. Sa sobrang asar niya,hindi niya ito pinapansin kahit pa tanong ito ng tanong.
"Alam mo,sa Maynila,nanghahalik ako ng babaeng di ako pinapansin." Sabi nito kaya gulat na napatingin siya dito. Nakangisi ang binata at kinakagat ang pang-ibabang labi. Ayaw man niyang aminin,tila ba paguwapo ng paguwapo ang binata sa kaniyang paningin.
"Una sa lahat,hindi ito Maynila. Pangalawa,ang malas naman nila! Nahalikan ng isang tulad mo. Feeling ko marami-rami sila dahil walang gustong kumausap sayo dahil sa nakakaasar na ugali mo." Irap niya at binalik ang tingin sa labas ng kotse,pinipilit kuntentuhin ang sarili sa mga bahay at tanimang nadadaanan nila.
"If ever,ikaw ang una. Clara ito ang sasabihin ko sayo,pag nasa Maynila ako,walang nababakanteng oras para kausapin ako,lalo na ng mga babae! Huh,gusto mo malaman kung totoo?" Tinaas baba nito ang kilay na tila ba nanghahamon.
"Alam mo,wala akong panahon sa mga gantong bagay. Isa pa,pake ko ba sayo?! Hindi ko kailangan matuklasan kung tunay ba yan kasi ni katiting na pakialam wala ako sayo." Singhal niya dito. Gusto man niya,masyadong delikado ang Maynila. Inaasahan niyang babanat pa ito ngunit napaawang ang labi niya at mukhang nagulat,o higit pa? Tumikhim ito at pinilit na ibalik ang ngiti na kanina pa nito ginagawa.
"Ah,ganun ba? Sorry ah ang kulit ko. Hahaha."
***
"Tapos nako." Mahinahon ang boses na ginamit niya. Nagu-guilty siya sapagkat alam niyang na-offend si Angelo kanina. Tinutulungan na nga siya nito at pinakikisamahan,ganoon pa ang pakikitungo niya.Tumango ang binata at kinuha sa kamay niya ang mga pinamili niya. Ayaw na niyang umalma pa dahil baka mag-away lang ulit sila. Tahimik silang naglalakad patungo sa kotse at tanging ingay lang sa talipapang pinanggalingan nila ang naririnig sa kanila.
"Uhm,dun pala sa kanina-"
"Ah,siya nga pala Clara. Pasensya ka na kung makulit ako ha." Nginitian siya ng binata at inalis ang tingin sa kaniya. "May lakad pala ako bukas,kung meron kang pupuntahan,sinabihan ko na si Mang Mario kani-kanina lang na sunduin at ihatid ka bukas."
"Angelo,di na kailangan! Isa pa,sa bahay lang ako bukas." Nasa harap na sila ng sasakyan at pinatunog na ito ni Angelo.
"Ah ganon ba? O sige,basta nandoon lang si Mang Mario sa harapan niyo bukas." Tipid na ngumiti ito at pinasok lahat ng pinamili niya. Pumasok narin ito sa sasakyan at wala na siyang narinig pang salita mula rito hanggang sa makarating sila sa barong-barong ni Clara.
Binaba ni Angelo ang mga pinamili niya sa loob at agaran ring pumunta sa pinto.
"Ah,salamat nga pala. Angelo,kanina sa nasabi ko-"
Peke itong humikab at nag-inat. "Di ka pa ba inaantok Clara?" Tumawa ito ng peke. "Inaantok na ako,gabi na rin oh. Ah dun nga pala sa pinagpapasalamat mo,wala yun,feeling ko lang kasi kaibigan kita eh kaso...h-hindi kasi ayaw mo pala. Una nako,Clara. Pumasok ka na ha. Goodnight."
BINABASA MO ANG
Mahika
General FictionSi Clara ay isang malaking taga-hanga ni Angelo. Mali. Kaisa-isang babaeng hindi kailanman humanga sa isang binatang laking maynila at dumayo sa kanilang probinsya upang magbakasyon. Ngunit sino nga ba siya para pansinin ng isang taong-Maynila na ma...