Simula...
Xyrine's POV
Paulit-ulit kong pinipindot ang ballpen ko habang hinihintay na matapos ang klase. Alas-dose na pero hindi pa din tapos ang sub teacher namin sa pagdi-discuss. Bumuntong-hininga nalang ako bago ibinaling ang tingin sa katabi ko na tahimik na nakikinig at nagsusulat nang mga sinasabi ng guro.
"Pst!" Mahinang pagtawag ko dito.
Hindi ito lumingon bagama't kumunot ang nuo nito.
Umingos ako at bumaling sa kabilang banda ko para lang masaksihan ang nakatingin na rin sa akin na si Iyan.
'What?' I mouthed.
He just chuckled and turned to face the board.
Ibinagsak ko nalang ang ulo ko sa mesa ko dahil ako lang ata ang walang interes na akinig sa guro. Ilang sandali pa ay ipinahayag na nito ang pagtatapos ng klase nya kaya kaagad akong tumayo at lumabas ng room, hindi ko na hinintay ang dalawa dahil gutom na ako at kailangan ko ng maka-sight ng pogi sa ibang department.
Pinalibot ko ang tingin sa canteen at nakitang walang bagong mukha kaya dumiretso nalang ako sa pila. Minsan talaga nakakasawa na sa university, haggard na talaga ang mga mukha maski ang mga lalaki. What if magpalipat ako? Sayang kasi, walang maganda kapag wala ako.
"Ganda." I heard someone.
Kumunot ang nuo ko at napatingin sa likuran ko, pero diretso lamang ang tingin ng lalaki kaya alam kong hindi ito ang nagsalita. Ibinalik ko na ang tingin sa harap nang may mapagtanto ako. O-M-G!!! Bagong Mukha!!!
Pasimple kong inayos ang sarili at humarap ulit sa kanya.
"Hi, ang pogi mo. Anong department ka?" Nakangiti at deretsahan kong sabi dito.
Nakita ko ang bahagyang pag-tikhim nito bago ako ngiwian.
"Not interested." His voice was cold as ice.
I chuckled.
"But i am, so what's your name?" I smiled.
"Secret."
"I'm Xyrine, what's your name?"
"The fvck?"
"I'm taking Business Management, how about you?"
Napahilamos ito ng mukha, "Can you---" Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil sumingit na naman ako.
"Yes, i can be your girlfriend. But let's just keep it lowkey." Kinindatan ko ito bago ako humarap sa unahan na parang walang nangyari.
I can feel his stares from behind, oh my god. But i managed to ignore it and ordered my food. Nang dumaan ako sa harap nito naka-ngiwi pa rin ito sa akin, i just chuckle and whispered,
"See you when i see you, pogi."
Confident akong naghanap ng mauupuan at doon nagsimulang kumain, not minding the stares. But as i eat my sandwich, may sumulpot na dalawang tae.
"Wow, hindi talaga nag-aaya." Parinig ng katabi ko.
"Ganyan naman talaga yan, 'di ka pa nasanay." Saad naman ng nasa harapan ko.
I just rolled my eyes at them.
After kong maubos ang kinakain ay nag kwento kaagad ako sa kanila.
"Naka-sight ako ng pogi kanina, mukhang bago lang dito." saad ko.
Umirap lamang ang dalawang kasama ko dahil sanay na sila sa palagian kong paghahanap ng pogi, minsan pa nga ay nagrereklamo ang mga ito na hindi matatapos ang araw na hindi ako nagke-kwento tungkol sa pogi. Hindi ko naman kasi kasalanang maraming poging nilalang na pakalat-kalat lang at hinihintay ako.
Pinitik ni Iyan ang nuo ko.
"Aray! Feeling close ka na naman." Inirapan ko ito.
"Sus, parang hindi ako naging crush nung first day ah."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Napaka-kapal naman ng mukha mo para masabing crush kita nung first day, eh si Caleb ang tinitignan ko no'n noh."
Caleb chuckled upon hearing his name.
"So ako ang crush mo?" Naka-ngiti nitong sabi at tinataas-baba ang kilay.
Umismid ako. "Nung first day lang yun noh, may mas pogi pa pala sa'yo."
Hinintay ko lang na matapos ang dalawa kumain bago kami sabay-sabay na naglakad pabalik sa room dahil may isang subject pa kaming natitira. At dahil wala na naman akong gagawin after class ay mag titingin-tingin nalang muna ako sa mall.
Nag-dismiss na ang prof namin kaya inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng class room. Inilabas ko ang phone ko at tinignan ang Instagram ko.
_Vvictoria.
Xyrine_vVastile. 20 post 98.5k followers 2 following
As i was scrolling through my feed, hindi ko namalayang may kasalubong pala ako kaya nasanggi ang balikat ko.
"Sorry." saad ko ng hindi tumitingin dito.
Maglalakad na sana ako ulit pero hinawakan ako nito sa braso ko kaya napaharap na ako dito.
"Ikaw na naman?!" Naiinis nitong sabi sa akin.
Nagtama ang mga tingin namin kaya bahagya itong natigilan at napaawang ang bibig, maging ako ay napaawang din ang bibig dahil sumalubong sa akin ang asul din nitong mga mata.
The guy i flirted with earlier!!!
Kaagad akong ngumiti dito.
"Oh, hi pogi. Sasabihin mo na ba sa akin ang pangalan mo?" ngiti ko dito.
"No, why would i?"
"Edi don't."
Akmang tatalikod ako dito upang umalis nang hawakan ulit nito ang braso ko.
Naiinis na nilingon ko ito. "What? may lakad pa ako kaya kung may sasabihin ka pa e---"
"Drake Sander Warner. I'm taking Business Management too and i'm single." He flashed a cheekly smile and i saw how his ears turned red.
I was shocked at his sudden introduction. But aside from that, he's so damn freakin' handsome while introducing his self.
"Ang pogi mo talaga," iyon lang at umalis na ako habang naka-paskil sa mukha ko ang isang ngiti.
Mukhang tinamaan ang isang 'yon sa akin ah, let's see kung kayanin kaya niya ang gagawin ko sa susunod na magkita kami.
I'm rooting for you Drake Sander.
YOU ARE READING
Chasing Him
Fanfiction"We are like sun and moon. Catching glimpses of each other, waiting for an eclipse." ....... Xyrine is a lost girl without a memory, she was clueless about her past. One day, she met a familiar man who named Drake. She noticed the familiar feeling...