Chapter 1

25 1 0
                                    

Yuna's POV

"Babe ano ba nasaan ka na ba?"Nakakunot na noo ko.

"Basta malapit na"

"Naaasar na ko babe ha nangangawit na ko kakahawak ng phone ko."Reklamo ko sa kanya habang nakatayo ako sa labas ng restaurant.

Natawa sya

"Bakit wala ka bang earpods?"

"Lowbat."Maikli sagot ko.

"Wait babe hindi na pala ko makakapunta."Napatirik yung mata ko sa inis ng marinig ko yun.

"Pinag antay mo ko ng matagal sa labas tapos hindi ka matutuloy!"Nabadtrip talaga ko ng sobra sa kanya.

"Babe sorry."

"Alam mo ba na busy ko ngayon sa resto babe naman e!"Reklamo ko sa kanya."Ano hindi ka na talaga makakapunta?"

"Sorry babe."

"Ok babalik na ko sa loob."Nagpaantay siya kasi sa labas ng parking lot ng Aura Marina.Aura Marina pangalan ng resto ko kinuha ko probinsya ni Mama sa Aurora Baler.

Nakasimangot akong naglakad pabalik ng Aura.Teka bakit ang dilim?Nilinga ko yung mga katabing gusali may ilaw naman.Kababayad ko lang kahapon sa kuryente ah!

"Jing." Sigaw ko sa isang empleyado ko.Siya kasi inutusan kong magbayad kahapon."Jing!"

"Jusmio!"Napahawak ako sa puso ko sa kaba ng may biglang sumulpot na bata sa harapan ko.

"Para sayo po." Inaabot niya yung isang red rose sakin.Nagtataka ko pero kinuha ko parin yung rose sa kanya.Saka ako muling nag lakad.

Isang bata na naman yung lumabas galing sa gawing halaman.

"Para sayo po."Inaabot na naman ang isang red rose.Syiempre kinuha ko ulit.

Napangiti ako dahil parang nahuhulaan ko na ang mangyayare.Nagpatuloy ako ng hakbang.Hanggang makita ko na siya ang PRINCE CHARMING ko.

Dala niya ang isang malaking bouquet na bulaklak.Malapad Ang ngiti niya habang lumalapit siya sa akin.Lalong tumingkad ang kaputian niya sa suot niyang blue huilishi na polo.Sobrang linis niyang tingnan lalo na sa gupit niya.Naka side yung buhok niya na clean cut.
Habang unti unti kaming papalapit.Pabilis ng pabilis ang tibok ang puso ko.Napapikit ako ng maamoy ko yung pabango niya.Sa totoo lang mahilig ako sa mga neat na lalake lalo na yung mabango.Hayyy!Yun yata nagustuhan ko sa kanya hahaha.

"Happy first anniversary babe.Inabot niya sa akin ang bouquet.

"Ahhh babe."Yun lang ang nasabi ko nung kunin ko yun sa kanya.Sobrang na touch talaga ko.Para akong maiiyak na ewan.Overjoyed?

"I love you. "Ngumiti siya pagkatapos sabihin yun.

"I love you more."Inakap ko siya ng mahigpit."Nakakainis ka!"Hinampas ko siya sa balikat.

Tumawa lamg siya.

"So ikaw ang nag occupied ng buong resto para dito?"May kilig pa rin na nababakas sa mukha ko.

Tumango siya."Ahhh."Maikling nasabi nya at agad siyang may kinapa sa bulsa.Napalunok ako ng sunod sunod.Bigla akong kinabahan.

Panyo lang pala akala ko kung ano na .Nakahinga ako ng maluwag.Tinupi niya yun panyo ng ilang beses.

"Babe?"Tanging nasabi ko nalang ng magpunta siya sa likuran ko para takpan ang mga mata ko.

"Shhh.."Sagot niya.Hinayaan ko nalang siya sa maitali sakin ang panyo.Hinawakan niya ko sa braso para alalayan."Sumunod ka lang sakin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE DARK SECRETS OF ROMEO (ONGOING)Where stories live. Discover now