CHAPTER 13

369 14 0
                                        

Chapter Thirteen~

"Napakadaldal mo naman," ani Shen habang panay pilit saakin si Yas.

"Aba! Anong pakialam mo?" Yas answered back.

Nandito kami ngayon sa apartment, binigay ko kay Yas ang address dahil tinakot na naman ako ng gaga na magsusumbong daw sya kay Caleb about Jaime. Aba! She's blackmailing me!

"May pakialam ako dahil apartment ko 'to 'no!" Ani Shen.

"Eh, ano kung apartment mo? Aba, gumagastos din kaya si Janna dito." Sagot naman ni Yas.

Kanina pa sila. Nag-iinitan kahit wala namang dapat pag initan.

"Aware naman ako 'dun! Ikaw, bakit ka nandito ha?!"

"Excuse me! Bestfriend ko lang naman ang dinalaw dito sa tinitirhan mong apartment mo!"

"Bakit pasyente ba ang kaibigan ko para dalawin ha?"

"Eh, kung Ikaw gawin kong pasyente?"

"Ano ba!" gumitna na ako sakanila.

Niingayan na ako sakanila kanina pa. Kung ano-ano mga sinasabi wala namang katuturan.

"Para kayong mga bata, tumigil nga kayo!" Awat ko sa mga ito.

"Eh, 'yan kase eh!" turo pa ni Yas kay Shen.

"Ano'ng ako? Ikaw kaya!"

"Isa!" Sigaw ko kaya huminto na sila pero dinig ko parin ang bulungan nila na tila nagsasabi ng mga orasyon sa bawat Isa. Tsk.

Ilang minuto rin ay umalis na si Shen, may lakad daw ito ngayon. Kaya kami nalang naiwan ditong tatlo. Si Jaime busy sa panonood ng cartoon network.

"Hay salamat! Umalis din ang impakta!" nakakahingang maluwag na bulalas ni Yas.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagtupi ng mga damit namin ni Jaime na bagong laba lang.

"Ano, Janna girl? G kaba?" Ayan na naman sya.

Kanina pa nya ako pinipilit na dumalo sa party ni Tita Cassie, yes ni Tita Cassie. They know her dahil kaibigan din nila si Caleb.

"Yas, alam mo namang may anak ako at hindi 'yan nakakatulog ng wala ako." ani ko.

"Nandyan naman 'yung impakta eh, bantayan nya muna saglit si Jaime."

Napabuntong hininga nalang ako. Mapilit talagang tao si Yas, pero may limit naman 'yung pamimilit nya.

"Yas, ayaw kong pumunta." Pag-amin ko, sana tigilan na ako ng babaeng 'to.

"Ayaw mo bang makita si Tita Cassie? Miss na miss kana nya," seryoso biglang sabi nya.

She's making me feel guilty again. At alam ko na any minute now ay papayag narin ako. Dahil alam nya na hindi ako matiising tao, she knew me that's why she's doing this.

"Fine," napapabuntong hiningang sagot ko.

"Yes!"

"Mama, saan kayo pupunta ni Tita Yas?" tanong ng anak ko na nakapasok na pala dito sa kwarto namin.

Naglakad sya palapit saakin, he raise both of his hands asking if I could carry him to bed. May bitbit pa syang chocolate ng paupuin ko sya sa tabi ko dito sa kama.

"Don't eat to much chocolate, Jamie Chalix." I warned him.

Tumango sya. "Pero, Mama saan kayo pupunta ni Tita Yas?"

He really won't stop until he gets he's answer, just like fucking him.

"May pupuntahan kaming party," si Yas ang sumagot kaya sakanya bumaling ang anak ko.

"Party?" Lumiwanag ang mukha ng anak ko.

"Yes, bebe." Yas anwered.

"Mama, I wanna come too." Baling saakin ni Jaime.

I bit my lower lip, I need to lie again to him.

"It's for adult, anak. Walang mga bata 'dun," well that's not a lie.

"Pero party 'yun, Mama!"

"I know, anak. Pero para sa adults lang 'yun eh, no kiddy allowed. Kaya hindi ka pwedeng isama ni Mama."

"Bakit sino po may party, Mama?" Inosente nitong tanong.

You gonna lied again? "Workmate namin ni Tita Yas, kaya for adults lang 'yun."

"Totoo, bebe." Pagsang-ayon naman ni Yas.

"Aw, sayang po, Mama. Gusto ko pa naman ng party party," nalulungkot na aniya.

Upang mabawasan ang lungkot nya ay niyakap ko nalang ito.

"'Wag ka mag-alala, baby magpapa-party din tayo sa birthday mo. Gusto mo 'yun?"

He's eyes widen and that lifted up he's mood. "Talaga po, Mama?"

Tumango ako. It's not a lie actually, balak ko naman talagang magpa-party sa 4th birthday ng anak ko. Yung mga nakaraang birthday nya kase ay hindi naman party kundi simpleng handaan lang. Kaya I will make it up to him, dalawang linggo nalang birthday na nya. My son will turning 4 na.

Sabi ko naman magkasunod lang ang birthday nila ni Tita Cassie. Si Tita Cassie kase ay September 28, while my son is October 11. So after this week, ay two weeks nalang kaarawan na ng anak ko.

Mabuti na nga lang at may naipon na akong pera pang-gastos sa kaarawan ng anak ko. Pinaghandaan ko talaga ito dahil first time ng anak ko na magpa-party. He loves parties pa naman. Syempre kase may food kaya love nya ang party party.

Ilang oras ding nanatili si Yas dito sa apartment ni Shen, sinamahan nya kami ng anak kong manood ng cartoons. After that ay nagpaalam na sya dahil may pasok pa daw sya.

Jaime and I left in the apartment, nakipaglaro ako sakanya dahil nagreklamo ito na hindi na daw nya ako nakakalaro. Kaya pinagbigyan ko na.

Akala ko nga payapa lang kami ng anak ko rito, pero nagkamali ako dahil humiling ito saakin na gusto nyang makita ang Papa nya. Biglaan iyon at hindi ko alam kung bakit hiniling nya iyon saakin. Tuloy ay nagsinungaling na naman ako sa anak ko, and worse paaasahin ko pa ito na magkikita sila ng Papa nya.

I told him na hahanapin ko ang Papa nya kahit na hindi naman na kailangan dahil nasa tabi-tabi lang naman ito. But still, I told my son that I will bring to him his father. Which is ayaw ko namang gawin.

Alam ko mali, pero masisisi nyo ba ako kung ginagawa ko ito? Bilang isang ina takot lang naman ako na masaktan ang anak ko. Takot ako sa mga possibilities na maaaring mangyari kapag nagkita sila ni Caleb.

At tsaka mukhang may pamilya na ang Papa nya, nagkatuluyan ata talaga sila ni Shan. Well, good for him matagal nyang inasam na mangyari ito right? He even cheat on me dahil mahal nya pa raw si Shan. Tsk!

'Yun 'yong ayaw ko, I don't want my son to find out about his Papa having a family. And worse hindi kami 'yung pamilyang 'yun.

Don't blame me for being a selfish person, 'cause all I want for my son is to be happy and good. I don't want to hurt him, I don't want him to feel the pain that I feel because of his father.






To be Continue...

Bound by Destiny (Good at Pretend #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon