"Coleen samahan mo ako mamayang uwian ha" bulong ni bea sa akin habang nag le lecture kami.
"Saan tayo punta?" tanong ko naman sa kanya.
"Sa gilid ng complex sunduin natin si Kassandra sa day care."
"Sige."
This is our last subject in chemistry and nag lelecture ulit kami. Nang nakalabas nakami maglakad kami papunta sa complex. Actually katabe lang ng BSANHS ang complex sa likod nga lang.
Andami ng estudyante lumalabas kasi alas singko na dumiretso nakami sa likod para sunduin si kassandra.
"Kassie! Sorry, na late si ate." sabi ni Bea sa kapatid nya.
"Okay lang ate. Hi ate Coleen!"
"Hi, baby! Kamusta school?"
"Ok lang po, may star ako!"
"Wow ang galing talaga ng kapatid ko mana sakin. Dahil dyan bibili tayo ng kwek kwek!"
"Libri ko na!" sabay hawak ko sa baba ni kassie.
Bumili kami ng kwek kwek sa tabi ng day care tsaka buko para mag meryenda.
"Pst! leen si Alex, ohh," said Bea.
Napalingon ako sa tinuro ni bea. Palabas sya ng complex kasama nya sina Mateo. Naka jersey sila siguro katatapos lang nilang maglaro.
"Omg! papunta sila dito!"
"Hi, Bea" sabi ni Mateo
"Oh hi Kassie!" Sabi ulit ni Mateo tsaka nya binuhat si kassie.
"Eto na yung kwek kwek nyo" sabi ng tindera.
Kinuha kuna yung isang baso ng kwek kwek habang si bea yung dalawang baso. Tsaka ako ulit tinignan si kassie at Mateo tapos lumingon ako saglit kay alex.
Then he smiled at me. Why is he so handsome? I smiled as usual.
"Busy kayo bukas bevs?" Sabi ni Mateo saka binaba si kassie.
"Ahh, hindi naman bakit? Nag papractice nakayo? Ang aga ata?"
"Oo, kailangan na namin magpractice. Malapit na din ang intrams. Kung hindi kayo busy nood kayo game namin bukas!"
Sabay naman lingon sakin ni Bea.I simply smiled at her.Tsaka kabit balikat.
"Try namin. Bye!" Sabi ni bea.
"Bye!" sabi naman ni mateo saka kumaway.
Naglakad nakami papuntang paradahan ng motor sa gilid ng north.
"Antahimik mo kanina hulatang nahihiya ka kay Alex!" pang-aasar nya.
"Talaga naman nakakahiya. We're not even close, anong sasabihin ko."
"Sus! Halatang may crush ka parin sa kanya ehh, pabebe yan?"
"Hindi na noh kahiya lang, sige na bye!"
Nagpasundo narin ako. Dito sa north para di na ako maglakad.
***
"Nood tayo ng game mamaya Coleen sige na. Pleasee"
Pang Ilan beses nya na ako kinukulit kagabi pa. Nakakahiya kayang pumunta don.
"Sige na leen plsss!"
"Sige na, saglit lang tayo ah"
Pagkalabas namin ay pumunta nakami ng complex. Alas kwatro, yung labas namin ngayon and we bought some Japanese cake.
Pagpasok namin sa loob naguumpisa na sila. Agad namang kumaway si Mateo sa gawi namin. Kaya naman lahat sila napatingin sa amin. Pati si Alex lumingon sa amin.
"Nakakahiya" sabi ko.
"Oo nga, pero ampopogi nila" Bea said
Umupo kami at nanood na. Wala pa yung coach nila. Nag sho-shoot lang sila ng three points. For I know si Gio yung may hawak sa bola.
Napangiti ako nung sunod sunod nyang na shoot yung bola from three points. Ang galing lang nya.
Pagkatapos nya si Alex. Ganon din sya sunod sunod. After non tumingin sya sa akin umiwas naman ako ng tingin.
"Ang galing ahh! Inspired kasi si Alex ngayon eh. Akala ko ba tinatamad ka!" Biro ni Mateo kay Alex.
Sabay lingon naman sa amin. Si bea naman siko ng siko halatang nang iinis.
Nag pahinga muna sila saglit. Tapos pumunta si bea kay Mateo. Traydor talaga tong babaing to iniwan ako mag isa. Kinuha ko yung cellphone ko para hindi ako ma bored.
"Hey..." sabi ni Alex sakin, sabay upo sa tabi ko.
My heart is beating so fast. Lumingon ako sa kanya.
"Are you here for me?" Wow! Ang feeling nya.
"N-no. I'm here for Mateo."
He smirked. Ang kapal ng mukha mo Alex, of course I'm not here for you; napilitan nga lang ako ehh.
"Mateo or Gio?" He asked me seriously.
Kumunot yung noo ko sa sinabi nya. Ano daw Gio?
"Crush mo si Gio? You smiled at him nung na shoot nya lahat. Tapos nung ako yung nag shoot, hindi ka naman nag smile. Na shoot ko naman lahat." Sabi nya habang nakatingin sa akin.
"So sinasabi mong crush ko si gio kasi nag smile ako sa kanya while sayo hindi? Hindi na pwedeng nagalingan lang kaya ako ngumiti?"
"Tsk, so hindi ako magaling?" He put his hand on his chin. Saka nagsalukbaba na nakatingin sa akin.
Anong problema ng lalaking to?Is that a big deal?
He clicked his tongue. And said.
"Mas magaling ako don watch it." Sabi nya saka na pumunta sa mga kasama nya.
YOU ARE READING
All Yours (AEIOU SERIES #1)
Teen FictionDo you love me because that's how you feel? or do you love me because I'm always here?