Chapter 02

1 0 0
                                    

::N/A: hi, have a nice day.
.
.
.
.
.

Tulala akong nakatingin sa harap ng isang magarang bar dito sa lugar namin, sa pagkakaalam ko mga tagalabas lang ang nakakapasok dito at pati na rin ang mga mayayaman sa lugar namin, ang ibig kong sabihin ay di ginawa ang bar na'to para saming mga walang pera kun'di para sa mga mayayaman. At tsaka! Nasa Manila daw ang may-ari ng sikat na bar na'to. I don't care kung magara o pangmayaman pa ito, ang gusto ko lang ngayon ay ang umalis na dito para mahubad ko naa 'tong suot-suot kong dress na black at hanggang hita ko lang, may awang pa na isang dangkal para makita ang pusod ko. Pati na rin itong sandals ni Lesly at tsaka yung make-up na inapply n'ya sa'kin. Ano ba namang buhay 'to.

"Ano ba kasing trabaho ang papasukin natin?" tanong ko, dahil hindi na talaga ako natutuwa sa itsura ko.

"Hindi naman ta'yo magtratrabaho." sabi lang nito

"Anong hindi? Eh anong gagawin natin dito? Kaya ako suamama para pumasok sa trabaho hindi ang pumasok sa magarang bar na ito." Inis na anas ko.

"Hoy, pwede tumahimik ka muna Abo. Papasok ta'yo sa loob kase nasa loob yung taong naghahanap ng aplekante, at tsaka hindi naman ta'yo sa bar na 'to magtratrabaho, gets mo?" Paliwanag nito.

"Eh bakit kasi naisipan pa nung taong 'yon na dito ang venue at bakit kailangan pagsuotin mo pa ako ng ganito?" sabay turo sa mga pinasuot n'ya.

"Hayst! Basta sumama kana lang sa'kin sa loob at tsaka wag mo na lang intindihin n'yang suot mo dahil bagay naman sa'yo." Sabi nito at agad akong hinila papunta sa entrance.

"Mga Miss, hindi ka'yo pedeng pumasok." sabi ng isang bouncer

"Tsk! I have a card. Aeron Del Mundo, give it to me." halatang naaasar s'ya sa tuno palang ng pananalita n'ya. Naks naman naka english ang bruha.

" Sorry po Ma'am, 'yung kasama n'yo po? May card din po ba?" May kinuha si Lesly sa shoulder bag na dala n'ya at itinaas ang dalawang card na hawak n'ya. Yabang hshs.

Pinapasok na kami, bumungad sa'amin ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at alak. May naghahalikan sa gilid na tila sila lang ang tao dito. Yucks! Kaya ayoko pumasok sa mga ganito. Pagkarating namin sa pinakang loob, namangha ako sa aking nakita sobrang ganda. Ang ilaw na kumikislap ay sumasabay sa musika, mga taong sumasayaw sa gitna habang walang pakealam sa paligid nila, sa unang palapag mo ito makikita at ngayon naman paakyat kami ni Lesly sa ikalawang palapag, hindi na gaanong malakas ang musika na nang gagaling sa ibaba. May mga lamesa dito at waiter na magseserve sa'yo.

~ang sosyal naman

At higit sa lahat may mga VIP room pa ito at doon kami patungo, sa isa sa VIP room.

"Lesly, sure kang maayos na trabaho papasukin natin?" tanong ko dito at hinigpitan ang pagkakapit sa braso n'ya.

"Aray ko naman! Sure ako na maayos, kaya tumigil kana kakatanong." sabi nito.

Nung kumatok s'ya sa isang pintuan ay may nagsalita.

"Come in." isang baritonong boses ang nang galing sa loob.

Binuksan ni Lesly ang pinto at bumungad sa'amin ang mamahaling sofa, pati na din ang lamesa na may mamahaling alak na nakapatong doon at sa tingin ko ay sobrang mahal ang halaga ng mga yun. At sa pagkakataong ito, wala kanang maririnig na ingay mula sa tunog na nanggagaling sa ibaba. Hayst! Mukang milyon ang ginastos sa Bar nato, at alam ko ding milyon-milyon din ang kinikita nila.

Dumako ang paningin ko sa dalawang nakaupo.

~Mga Mars ang gwapo nila, parang mga greek god na bumaba sa lupa.

"Sir Aeron, ahm kami po 'yong gustong makakuha ng trabaho." magalang na sabi ni Lesly.

"Ah ok! I'll send the application to him." nagsalita 'yong nakawhite na long sleeve, ang bitones nito ay nakatanggal ang tatlo para lang makita ang malapad n'yang dibdib at naka black pants.

~hoy! Tangina mo Abo, tumigil ka nga.

"Thank you po " pasasalamat ni Lesly dito.

"By the way, what's your name and also her?" turo nito sa akin.

"I'm Lesly Dela Cruz." Tsaka s'ya nakipagkamay.

"Aira Grey Santos, but call me Abo I'm fine with that name." sabi ko din at nakipagkamay. Naks english.

"Aeron Del Mundo, one of the owners of this bar. And his Lorence Del Vega, his a doctor." Turo naman nito sa taong nakayuko lang, nakasuot ito nang itim na damit na bumagay sa kan'ya.

Inangat nito ang ulo n'ya at tumingin kay Lesly at lumipat ang tingin sa gawi ko. Nakita ko ang gulat sa mukha n'ya  ngunit mabilis ding nawala.

~eh multo ba ako?

"Gray." Bulalas nito, habang matamang nakatingin sa 'kin.

"Ahmmm... Aira Grey ho, as in abo. Pero mas ok pong tawagin na lang na Abo." Alanganing sabi ko.

Ang creepy tumingin, feeling n'ya na'buhay ang matagal nang patay. Whaaaa! May saltik ata 'to sa utak eh.

Napatingin ako dito nang bigla itong tumayo at lumapit sa 'kin.

"No! I mean...hayst, forget what I told earlier. I'm Lorence Del Vega." Tsaka n'ya inilahad ang kan'yang kamay. Alanganin kong tinanggap iyon.

Lumipas ang isang oras, kaya naisipan na naming umuwe. Ayo'ko na rin kase dito, laging nakatingin sa'kin si Sir Lorence mukang sinasaulo n'ya ang bawat detalye ng mukha ko.

"sir Aeron at sir Lorence, una na po kami. Mas'yado na po kaseng gabi. " Tumango lang si sir Aeron kay Lesly at si Lorence naman tinititigan lang ako tapos iinom ng alak.

~itigil mo ang kakatitig d'yan, kung ayaw mong mawalan ng mata. Maganda pa naman, pwedeng ibenta.

Nagmadali na akong lumabas at sumunod na din naman sa akin si Lesly.



Tsk! She's already dead, Lorence. Pumunta ka panga sa burol n'ya, pagkumbinsi ko sa sarili ko pero ayaw makisama ng utak ko.

Pero sino yung babae kanina na ka'mukhang-kamuka n'ya? Pati ang boses n'ya, parehong-pareho. Fuck! Am I hallucinating? Hayst, siguro nga masyado lang ata akong pagod at marami nang na'inom.

"Hoy Lorence, earth 'to hindi mars." Sigaw ni Aeron sa 'kin.

"If you like her, then make a move, dude." dugtong nito.

"Tsk! Gaya mo pa ako sa'yo. She seems familiar or maybe I'm just drunk." Tsaka ininom ang alak na panibagong salin.

"Hmmm, wait! Sino ba doon sa dalawa?" tanong n'ya habang nakatingin sa pinto, gago talaga 'to e.

"Si Aira." Sagot ko at inisang lagok ang alak na kakasalin ko lang ulit. Tagal naman mag-isip nito, naturingang Attorney tapos gan'yan.

"Fuck! Bro, ang ganda n'ya tapos sexy pa." sabi nito.

Napailing ako sa sagot n'ya, bakit kase napagtyatyagaan ko pa 'to? Attorney ba talaga itong kausap ko? He's so fucking flirty, his professional to his client pero pag wala na sa trabaho masyado nang malandi.

"Asshole, wala ka talagang kwen'ta. Why did they hired you? Kala ko pa naman nakikita mo S'YA kay Abo, naturingan kang Attorney tapos ang hina ng utak sa ganitong bagay." inis na sabi ko.

"Haha, chill. Kawalan nila pag hindi nila ako tinanggap, I'm too good to be rejected. Familiar din s'ya." Nag-isip na naman 'to, but now his serious. "Right! I saw her at Tyron's birthday party, 2 years ago. I guess."

~then, who is she?

"Oh I remember, Tyron inlove at her." hawak na nito ang alak na nakalapag lang sa lamesa, kanina.

" Gago, wala ka ba talagang alam o sadyang nagpapanggap ka lang?" Hayst, tataas dugo ko dito sa attorney'ng ito.

"Haha, your like an idiot right now Del Vega. But seriously who is she?" seryoso na s'ya at alam kong iniisip n'ya ang pwedeng posibilidad.  

"Yeah! Who is she?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I CAUGHT YOUR ATTENTION (Vergara Series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon