Chapter 01

2 0 0
                                    

::N/A: hi engr_eon, is hoping that you'll enjoying this one.
.
.
.
.
.

"Hoy Aira Grey Santos." inis na sigaw ng Lola ko. Ang ganda nang name ko halatang pinag-isipan, mukang pangmayaman. Tsk pero wala akong pake-alam kung maganda o pangmayaman pa 'yang pangalan na nayan, masyadong pangbabae.

"Ano ka 'ba naman Lolay, sabi ko di'ba 'Abo' na lang itiwag mo sa'kin." inis ding baling ko sa kan'ya.

"Eh mas marunong ka pa sa'king bata ka, at isa pa wala kanang galang sa'kin." nagulat ako sa pagpalo nito.

"A-aray Lolay huh, tama na! Andami-daming tao dito." pero pinagpatuloy lang nito ang paghampas sa'kin. Andito nga pala kami sa palengke para ipabenta ang naani naming gulay sa bakuran ni Lolay.

"At isa pa Aira, nakikita mo ba iyang suot mo?" tinaasan ko lang ito nang kilay.

"Malamang nakikita ko! May mata kase ako Lolay."

"Abat! Ikaw talagang bata ka." bago pa ako nito mahampas ay nakatakbo na ako.

"Lolay magpahatid kana lang kay ate Lara, uuwe na rin naman 'yun mamaya at isa pa Lolay Abo ho, Abo! Hindi Aira." sigaw ko dito. Alam kong patay ako pag-uwe ko, pero sa ngayon magpapakasaya muna ako haha.

Si Lolay na lang ang kasama ko sa buhay, pero ewan ko ba kung nasaan ang mga magulang ko. Nung isang beses akong nagtanong kay Lolay bigla na lang itong umalis at iniwan ako sa bahay, oh di'ba mana ako sa kan'ya. May sakit si Lolay, kaya kailangan kong makaipon ng pera para doon. Dumating sa punto na sinanla n'ya ang lupa na kinatitirikan ng bahay. Kaya gusto kong makahanap ng trabaho para mabawi ko iyon. Tsaka laging problemado ang Lolay sa'kin dahil sa pananamit ko. Sabi ng iba maganda naman daw sana ako, matangos ang ilong, magandang mga mata na kulay abo, baka nga inoperahan yun hshs. Hanggang hita ang buhok na kulot at kulay itim, mahahabang pilik mata na mapilantik, mapupulang labi at matangkad naman, may kurba ang katawan, maputi at makinis na balat, pero wala sa isip kong magsuot ng pangbabae, gusto ko ang porma ng lalaki, gusto ko yung pananamit nila hindi mismo ang lalaki tsk.

Nakatapos lamang ako ng first year college sa kursong Business management, hindi ko natapos ang pag-aaral ko dahil sa karamdaman ni Lolay. Kailangan ko magtrabaho para makakain sa araw-araw.

Dalawang taon ang lumipas ng makaramdam ako ng pananakit ng dibdib, wala naman akong karamdaman pero bigla na lang sumakit ang dibdib at bigla na lamang tumulo ang luha ko at tsaka para bang biglang nawala ang ibang bahagi ng katawan ko. Nung naramdaman ko iyon ay isinawalang bahala ko lang. Dalamput pito na akong nabubuhay sa mundo at thankful sa Lolay ko dahil nakapagtyaga s'ya sa katulad ko.

Any way high way, papunta ako sa kaibigan ko may alam daw s'yang trabaho, kaya naman pumayag ako na sasama. Habang naglalakad naisipan kong bilangin ang mga punong nakikita ko, oh diba! Hibang na ako.

"Isa, dalawa, tatlo, apat... Ay kabayo! Anak ng teteng, hoy ikaw na may-ari ng kotse hindi ka ba marunong tumingin ng maayos sa dinadaanan mo?" bulyaw ko.

Eh pano ba naman muntik na akong masagasaan. Nakita kong bumaba ang driver, dalawang dipa ang layo sa'kin ng sasakayan kaya lumapit ako dito. So nasa tapat na ako ng backseat. Aba! Iba din, bigatin ang may-ari.

"Pasensya na ma'am, hindi ko po sinasadya. Ayos lang po ba ka'yo?" magalang na tanong nito. Ay nahiya naman ako sa pagsigaw sa kan'ya.

" Ahm, opo naman─" naputol yung sasabihin ko nang may bigla na lang nagsalita.

"Anthony, let's go. You heard her, right? She's fine tsk." anas nito sa napakalamig na tuno, abat parang galit pa.

"Pasensya na po talaga ma'am, alis na po kami." Tinignan ko yung nasa backseat, pero hindi pre hindi ko makita kase tinted s'ya. Ay bwisit! Sino ba 'yung siraulong yun, tsk. Mga mayayaman nga naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa bahay ng kaibigan ko. Wag na sana magkrus ang landas namin, tsaka wala akong pake sa taong nasa loob ng kotse kani-kanina lang.

Natatanaw ko na 'yung bruha kong kaibigan na nagsasampay sa kanilang bakuran.

"Lesly." sigaw ko, pero ang bruha parang walang naririnig.

"Hoy! Lesly'ng bruha..." sigaw ko ulet, pero ganon pa din, nyeta talaga 'to.

"Si Tyron Ace De Guzman." sigaw ko, sa puntong 'yun bilis-bilis s'yang lumingon sa akin, ay hanep na'yan.

"Asan?" tanong nito nung nakalapit na sa gawi ko.

"Gaga! Malamang wala 'yun dito. Nasa Manila 'yun kasama ng leading lady n'ya, hayst masyadong kang baliw don, tsk. Kung hindi ko pa binanggit ang pangalan 'non di 'kapa lilingong bruha ka." Sermon ko.

"Tsk! Epal ka talaga. Oh ano ba ipinunta mo dito?" Abat talagang s'ya pa ang galit.

"Hoy Lesly'ng baliw sa artistang di 'ka naman kilala, gusto ko lang ipaalala na inalok mo kaya ako ng trabaho." inis kong saad dito.

Tumaas naman ang kilay nito.

"Hoy Aira Grey Santos kaibigan ba talaga kita?" Inis na tanong nito.

"Aba't talagang binanggit mo pa ang buo kong pangalan."

"Eh pake ko─" naputol ang sasabihin n'ya ng sumingit si Tita Ley, mama ni Lesly.

"Ano na naman ba 'yan? Oh ikaw pala Abo." nginitian ako nito.

"Tita si Lesly po kase." sumbong ko at kumapit sa braso nito.

"Lesly, inaaway mo na naman si Abo." pagalit nito sa anak.

"Ma, naman s'ya pa talaga kinampihan mo. Anak mo ba talaga ako?" Nakanguso s'ya habang sinasabi 'yun.

"Ampon ka lang daw, sinabi sa'kin ni Tita." asar ko pa dito.

"Ikaw talaga─" bago pa ako mahampas ni Lesly nagsalita na si tita.

"Ay s'ya tama na 'yan, tara na sa loob at umiinit na ang sikat ng araw." sabi nito at hinila kami ni Lesly, patungo sa loob ng bahay nila.

Pagkapasok sa loob ay iniwan kami ni tita sa sala, maghahanda lang daw s'ya ng meryenda. Oh di'ba pa especial pa ako.

"Pumunta ka dito dahil doon sa trabahong sinabi ko?" Pag-uumpisa ni Lesly.

"Oo! Alam mo naman di'ba na kailangang-kailangan ko ang pera para makabili ng gamot ni Lolay at para makaipon para sa pangtubos sa lupa." Mahabang lintaya ko.

"Oo alam ko, gaga."

Dumating na si tita, dala ang hinanda n'yang meryenda.

I CAUGHT YOUR ATTENTION (Vergara Series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon