Chapter 10

368 10 0
                                    

—11: })@!|[# @!$ <!>:|=#|

—•—

"Yo, what's up bro! Ganda ng umaga ah?" Sinabit ko kaagad ang braso ko sa balikat ni Ivan pero agad na nangunot ang noo nito.

Problema nito?

"You will seriously look like an old geezer if you keep those two brows always next to each other. Parang kanina lang ang ganda ng ngiti mo! Si ano ba dahilan niyan..." Sinubukan kong i-distract ang lokong 'to pero hindi talaga nagpatinag.

"Caleb, hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo na hindi tambayan ang opisina ko. Nakakasawa ang mukha mo." He gave me a cold-shoulder.

What! Hanep ah, sungit!

Patuloy pa rin siya sa paggalaw ng isang bundok niyang papeles habang hindi pa rin ako binabalingan ng tingin o sulyap man lang. Sungit nitong unggoy na 'to.

"Dude."

"Ivanez."

"Eros."

Aba! Nakakailang tawag na ako. Kapag hindi pa 'to sumagot, ewan ko na lang.

"Rouge."

"WHAT?!" He screamed. Nako nagalit na nga. "Hindi ba may appointment ka? Was it 6pm? Doon sa mga co-companies mo inimbitahan ka do'n nakaraan pa. Hindi ka sasama?" Tanong ko.

He exhaled, ibinababa ang glasses niyang suot pati na ang fountain pen niya. "Why would I bother to join there." It's not even a question, he's already answering.

"Learn to socialize naman bro!"

"Why?"

"Anong why?"

"Why would I socialize with them?"

Napahilamos na ako ng mukha sa inis at pikon sa lalaking 'to. Seriously, you need a dozen of patience when you're talking to this man. "Kasi socializing is important nga! We are there to make friends, discuss something relevant at marami pa." Paliwanag ko.

"Alam ko 'yan. I just don't trust their guts," He answered simply.

Oh, right. After multiple of assassination attempts against him, he became like this. Not letting his guard down, not trusting anyone.

"One time lang, sumama ka. Hindi na kita aayain sa susunod sa ganito. They just badly need a presence for someone who's named 'Rouge'."

"Bruh. OA."

Hinampas ko ang likod niya na agad namang nakapagpataas sa balahibo ko nang tignan niya ako nang matalim.

"S-Sasama ka ba?" Utal kong tanong.

"Isn't it obvious?" Agad itong nagpalit ng suit at hindi na nag abala pang ayusin ang buhok nito.

"Fix your hair, Ivan! CEO mga tao doon!"

"Don't need to. I'm already a CEO of different companies, why would I bother to flash myself."

Talk about that bragging face. Yabang!

Bago pa kami umalis, hinding-hindi makakalimutan ni Rouge ang palagi niyang dala. Ang fresh mints niya. He got one on his mouth at tinawag na agad ako.

Wow ha, mukha akong alalay ng mokong na 'to. Buti na lang gwapo ako.

"Anong gagamitin mong kotse?" Tanong ko. Nilabas niya apat niyang susi at pinapili ako.

Lambo na lang. Cool eh, ako pa ang driver.

V.I.L.L.A.M.O.R Series #1: Caged In His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon