Chapter 3

11 7 7
                                    

Unknown Caller

Parang mahihimatay yata ako sa overwhelming na nararamdaman ko nang sabihin iyon ng pinsan ko tungkol kay mama.

Si mama? Nawalan ng malay? At, nasa ospital siya ngayon?

Hindi ako makapaniwala, the last time I checked my mother through a video call was when she was really okay. O, sa palagay ko lang iyon na maayos lang siya when in fact hindi naman talaga?

"Hey, what's the problem?" Tawag sa pansin ng lalaking 'to sa 'kin kaya napatingin ako sa kan'ya.

Kahit malabo na ang mata ko dahil sa pangingilid ng mga luha ay kitang-kita ko ang paglarawan ng pag-aalala sa mukha niya.

[Ate, kailangan ka namin ngayon dito, please.] My cousin begged before he ended the call himself.

Pagkatapos ng tawag ay napaupo ako at hinayaan ko pang magsink-in sa 'kin lahat ng mga natanggap kong balita galing sa pinsan ko.

Naramdaman kong may tumabi sa 'kin at hinagod ang likod ko. Sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang magpatakan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Si mama..." napahikbi ako kasabay ng pagsabi ko niyon.

"Shh, tahan na, magiging ayos lang 'yong mama mo," pagpapatahan no'ng 'Nathaniel' sa 'kin.

"K-Kailangan ko nang umalis, k-kailangan kong puntahan si mama sa probinsiya," usal ko at kahit napapahikbi pa rin ako ay pinigilan kong mapahikbi ulit at iwinaksi ang luha sa mga mata ko.

Pero bago ko pa man maitulak ang luggage ko ay tinawag ako ni Nathaniel kaya napatigil ako.

"Wait... sigurado ka na bang ayos ka na?" Tanong pa nito sa 'kin, nag-aalala talaga siya sa 'kin base na rin sa tono na ginamit niya para sa 'kin.

Tumango lamang ako at tinalikuran na ulit siya saka itinulak na ulit ang luggage ko.

Sakto namang kakarating lang ng eroplano na sasakyan ko patungo sa probinsiya kaya mabilis kaagad akong tumungo sa daan kung saan doon nakalugar ang eroplanong sasakyan ko.

Nang makapasok ako sa eroplano ay mabilis akong umupo sa may bakanteng upuan malapit sa bintana ng eroplano saka ako napa-buntonghininga.

Sana walang gaanong komplikasyon si mama dahil lang sa nawalan siya ng malay.

Nang mag-start na ang eroplano ay umayos ako ng upo. Mayamaya lang ay lumalalim na naman ang iniisip ko tungkol kay mama pero pinilit kong iwaksi iyon nang hindi ako lalamunin ng pago-overthink.

Hanggang sa lumipad ang isip ko patungkol sa lalaking nagngangalang Nathaniel at kung paano niya ako dinamayan kanina.

Sa hindi malamang kadahilanan ay gumaan ang pakiramdam ko sa kan'ya at hindi ko namalayan na napapangiti na ako. Mabuti na lang at hindi ako nakita ng mga tao na mag-isa akong ngumingiti kasi naka-face mask at naka-cap naman ako.

Nathaniel. Nice name.

Sana makita ko siya ulit para pasalamatan siya sa kan'yang ginawang pagdamay sa 'kin kanina.

To think na ang first impression ko sa kan'ya ay judgmental din katulad lang ng ibang mga taong nakakasalamuha ko at aasarin ako pero akala ko lang pala 'yon. Mabait naman pala siya.

Sa ngayon, sa isip ko na lang siya papasalamatan at sa susunod na lang ang pisikal na pagpapasalamat sa kan'ya.

Malaking bagay na 'yon sa 'kin kasi bigla na lang gumaan 'yong pakiramdam ko pagkatapos niya 'kong damayan patungkol sa sitwasyon ni mama ngayon sa probinsiya.

"Hello, ma'am. Do you need anything?" Tanong ng flight attendant sa 'kin.

Tumingin naman ako sa kan'ya saka nagsalita. "Just water, please. Thank you."

Glow Up Series #5: If It Was PointyWhere stories live. Discover now