"Happy Birthday, Madam!"We are here tonight at The Bayleaf, Intramuros to celebrate my birthday with my friends. Sobrang ganda ng view mula rito sa taas. Kitang kita mo ang kagandahan ng Intramuros sa gabi. Sayang at hindi kami kumpleto.
"Last mo na 'yan!" Sigaw ni Daffney habang kinukuhanan ako ng litrato at video.
"Mag wish ka na! Naiinis ba 'ko sa ganyan!"
Lumapit sa 'kin si Daff na may hawak na cake at isang balloon na Cuervo. Mga alak na alak
"Manifesting na sana maging successful surgeon ako," Panimula ko. Tumingin silang lahat sa 'kin, naghihintay ng kasunod. "Para legal na para sa 'kin ang sumaksak at bumiyak." Panggagago ko.
Lahat sila ay minura ako. Hindi uso maging seryoso sa 'kin, 'no! Life is short! Kaya huwag nang pahabain pa! Choz!
"Ayan! Gift card! Hindi ko alam ibibigay ko sa 'yo at kaya mo naman bilhin halos lahat ng gusto mo!" Ani Russel.
"Ano ba 'yan?! Ang cheap!" Pangangatyaw ni Rob kay Russ.
"At least ako may regalo! Ikaw?! Happy Birthday na nga lang ambag mo, ang dami mo pang sinasabi!" Nag-aasaran nanaman 'yong dalawa.
Sanay na sanay na kami sa dalawang 'yan. Normal na pag-uusap lang nila 'yan. Kapag tumahimik 'yong dalawa, saka palang kami kakabahan.
"May regalo ako 'no!" Sagot ni Rob.
"Ano? Bakit ayaw mo pa ibigay?" Hamon sakanya ni Russ.
"Ten years to pay, eh!" Napatingin silang lahat kay Rob.
"Ten years to pay? Baka St. Peter life plan 'yan, ah?!" Tanong ni Seah.
"Hindi! Kasi ten years from now, isa na 'ko sa pinakamagaling na prosecutor," Pagmamayabang niya. "Hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin sainyo. Malay niyo, kailanganin niyo 'ko soon? Hindi natin masasabi baka isa na si Shobe sa makakapatay dahil sa selos?" Biro niya rito.
"Kupal! Lumayas ka nga sa harap ko!" Amba niya kay Rob. "Kung magiging kriminal ako, dahil 'yon sa 'yo!"
"Biro lang! Basta, ayon ang pinakamagandang regalo na naisip ko para sainyo," Proud na proud!
Just by looking at my friends, my life seems perfect. Life is full of unexpected events. You won't be able to know how long you will be happy in your life. So as long as you can smile and be happy, choose to be the happiest.
Sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko.
Lima lang kami ngayon. Si Daffney, Seah, Russel, Rob, at ako. Iyong iba, naka schedule sa ibang araw 'yong celebration ng birthday ko dahil busy sila. Batchmates kami nila Rob, Seah, at Isla. Si Daffney, dalawang taon ang tanda sa amin. Si Russel ay ahead ng isang taon. Halos lahat kami ay galing sa CDO.
"Sino 'yan?"
Agad kong binabaan ang brightness ng phone ko nang silipin ni Seah kung sino ang kausap ko. Nataranta ako kaya umayos ako ng upo.
"Ah, wala! Sila Alex! Kaibigan ko lang!"
Hindi ko alam kung bakit ako nataranta. Wala naman akong tinatago. Tumingin sa 'kin si Shobe nang matagal na para bang hindi siya naniniwala.
"Nag-aaya kasi sila mag bar hopping," Paliwanag ko.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag," she just smiled at me.
I saw Daff looking at me. Among the three of us, Seah is the observant one. Daff, on the other hand, is the one who doesn't know how to hide what she really thinks. Alam ko ang iniisip niya. Hindi pa rin siya nagtitiwala kay Diego. Nakilala ko lang daw kasi sa dating app kaya mag ingat daw ako. Nag-iingat naman ako, at sa pagkakakilala ko kay Diego, mabait at caring siya. Wala kaming label pero alam ko naman na hindi niya ako pipilitin kapag ayaw ko. He's a real gentleman.
BINABASA MO ANG
Love, Archer (Boulevard Series #1)
General FictionBoulevard Series #1 Despite the challenges of being a Student-Athlete, Cali is still determined to become a surgeon. She's the team captain of Ateneo Lady Eagles who is taking BS Biology as her Pre-Med course. Everything was fine. Life goes along w...