02

815 30 5
                                    



"Sakit ng ulo ko!" Reklamo ko.





"Babad mo sa bigas!" Sagot ni Seah.





Binalibag ko siya ng unan kaya tawa siya nang tawa. Nandito ako sa condo ni Seah sa España. Hindi ko na rin alam kung paano kami nakauwi kagabi. Sa sobrang sakit ng ulo ko, alam kong marami akong nainom!





"Gumayak ka na! Aalis tayo!"





Kumunot agad ang noo ko. "Saan punta?" Tanong ko.





Nasa balcony siya, nagkakape. Ang ganda talaga netong si Shobe. Hindi nakakasawa tignan lalo na 'yong mga mata niya, singkit.





"Manonood tayo ng V-League, finals ngayon," Tumingin siya sa 'kin. Magsasalita na sana ako pero pinutol niya agad ang sasabihin ko. "UST at La Salle."





"Ayoko! Nandidilim paningin ko 'pag nakakakita ako ng green!" Pagtanggi ko agad.





"Tanga! Sa USTe tayo pupwesto! Saan ba 'ko nag aaral, ha?!" Gigil niyang ani.





"Ay? Sa USTe ka pala nag-aaral? Akala ko sa UP at—"





Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang balibagin niya ako ng alpombra. Tawa lang ako nang tawa dahil sa reaksyon niya! Ayaw umamin ni lover girl!





"Bastos! Don't say bad words!"





Eventually, napapayag niya rin ako. Wala rin naman akong deadlines bukas, at kung meron man, nagawa ko na.





It was 4:30 pm when we arrived at the MOA Arena. Pumasok na rin kami agad dahil may dala naman ticket si Seah. Of course, we are on the side of UST, not because of the rivalry. Ano ako, bitter? Syempre, kaibigan ko kasama ko.





Ngayon nga pala ang V-League finals game 2. UST at DLSU ang naglalaban. Wala rin naman ako masyadong kilalang players sa mens volleyball team except sa Ateneo.





"Now, make some noise for the starters," The announcer was already introducing the players when we arrived inside. "Of De La Salle Green Spikers!" 





"D-LS-U, Animo La Salle!"





"Go USTe! Go USTe! Go! Go! Go! Go!"





Nagpapalitan ng chant ang La Salle at UST. The spirit of both universities will give you chills.





"Ang expensive ng chant ng La Salle, 'no? 'Go, Lo Zol!'" Panggagaya niya sa accent ng mga taga La Salle.





"Alam ko favorite chant mo," Sabi ko.





She looked at me seriously, "What?" She asked.





"Matatapang, matatalino! Walang takot, kahit kanino!" Kinantahan ko si Seah na may halong pang-aasar. "UP Fight!"





"Tangina ka!" Hinila niya ang buhok ko! Halatang may galit sa mga Isko! I just know that she had a thing with someone in UP.





I looked to the side of La salle's bench when the announcer started to introduce the players.





"The Green Spiker's team captain, jersey number 1, Supremo Dave Javier."





My eyes widened when I saw who he was! What in the freaking world?! He was the guy from yesterday! Sa Katip!





"Anong tingin 'yan? Baka makulam mo 'yong tao," Sinamaan ko ng tingin si Seah. "Kilala mo? O type mo? Alam ko lahat ng—"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, Archer (Boulevard Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon