I was wiping my hair with a towel when my phone beeped continuosly. I picked it up and saw my sister's name on the screen. I turned on the camera.
"Ate! Ba't hindi ka tumawag sa amin?" pambungad niyang tanong. Naalala ko yung sinabi niya sa akin bago ako umalis.
"Basta video call mo lang kami ate kapag nandun ka na"
Oh no! Nakalimutan ko tuloy!
"Hala! Sorry bunso" paumanhin ko. I feel guilty.
"Hmph!" bakas ang pagtatampo sa kanyang mukha. "May bago ka na sigurong pinagkakaabahalan diyan kaya nakalimutan mo na kami" now I'm speechless. She's right. Masyado akong naaliw sa mga bago kong kakilala.
"I'm sorry"
"Hi anak!" lumundag ang puso ko sa tuwa nang narinig ang boses ni mama. Her face appeared on the screen.
"Ma!" maluha-luha kong sabi.
"Kumusta ka na? Ano, nakakakain ka ba ng maayos? Kumusta ang pagtulog mo? Hindi ka ba naglalakad ng tulog? Iniinom mo pa rin ba ang mga vitamins mo?" sunud-sunod niyang tanong.
"Ano ma, dahan-dahan lang po" natatawa kong tugon. "Opo, ayos lang po talaga ako dito. Sobrang ganda po dito at hindi napo ako nagsi-sleepwalk. Iniinom ko rin po yung vitamins ko"
"Kailan ka uuwi ate?" tanong ni Leah, nakaramdam ako ng awa. Sobrang close namin ng kapatid ko at ngayon lang ako nalayo sa kanya kaya siya ganito.
"Next year pa bunso" sagot ko at lumungkot ang mukha niya.
"Tawagan mo ako palagi ah? Wag mo nang kalimutan"
"Anak naman, intindihin mo si ate, magiging busy siya sa pag-aaral" suway ni mama sa kanya.
"Kahit minsan lang naman ma"
"Oh, sige sige" natatawa kong sabi. Kahit mahirap ang kalagayan namin doon, nangungulila parin ako sa kanila. Iba talaga ang sariling tahanan at ng ibang tao.
"Ate, sino yan?" biglang tanong ni Leah habang nakatingin sa likod ko. My heart skipped a beat. Sinong tinutukoy niya? Mag-isa lang ako sa kwarto!
"Wag mo kong takutin ng ganyan bunso ah?"
"Hindi mumu ang nasa likod mo ate" natatawa niyang sagot. Dahan-dahan akong lumingon at...
Phew!
Nakahinga ako nang maluwag dahil si AJ lang pala. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malakas. He chuckled.
"Ikaw talaga! Akala ko pa naman ano na"
"Ano?" nang-aasar niyang tanong. "I'm sorry, narinig kasi kita na may kausap wala akong magawa kaya tumambay muna ako dito saglit"
"Yieeee! Sino yan ate?"
"Ah eto? Si AJ to, pamangkin ni Tita Olivia" pakilala ko sa kanya.
"Bagay kayo ate" pinaningkitan ko siya ng mata. Tinawanan naman ako ni AJ.
"Hi, what's your name?"
"Leah po, kuya pogi"
I rolled my eyes. What is this behavior?
"Sige na, may tatapusin pa ako. Good night"
"Good night ate, good night kuya pogi!"
I ended the call.
"I like your family" sabi ni AJ dahilan para hindi ako makapagsalita. Ano daw? "I mean, they are very nice"
"Ahhh, hehe. Salamat" sagot ko nalang.
"Good night" ngumiti siya.
"Mmm, good night" tugon ko.
--------
The next day, kumain kami nang hindi kasama si Tita. I wonder kung saan siya pumunta. Tinanong ko si AJ at sinabi niyang madalas talaga itong umaalis. That's weird. As usual, sa bay kaming pumasok at sabay ring umuwi. Pag-uwi ko nasa sala si Tita at nanonood ng TV. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng mga snacks at dinala ito sa kwarto. Pumunta ako sa kwarto ni Elise at kumatok, dala ang mga snacks. Binuksan ito ni Elise. Napatingin siya sa mga snacks na dala ko.
"Magmiryenda muna tayo" sabi ko sa kanya.
"Sige " aniya at binuksan ang toasted bread. Ngayon ang unang araw na tuturuan niya ako. I'm so excited to learn.
"How's your day?" tanong niya.
"Medyo stressed pero ayos lang naman" sagot ko.
"That's nice. I can see you're a genius student" natawa ako sa sinabi niya.
"Hindi ako matalino"
"Well for me, you are. By the way, magaling ka bang magbasa ng nota?" she grabbed the music book na may mga notes, binuklat ito at pinakita sa akin. Umiling ako. Hindi ako nag-aral ng music so basically, I don't know about these things.
"I see. Kung ganon, tuturuan kitang magbasa ng mga nota. You just need to be patient, okay?"
"Okay"
"Do you trust me?"
"Of course," sagot ko at ngumiti siya.
She introduced me the basic notes, like quarter notes, whole note, and so on. Na-gets ko naman yung iba pero minsan nalilito ako kaya sinabihan niya ako na memoryahin ang mga ito. Naintindihan ko naman agad ang mga explanation niya and I can say, she's a good teacher. Sayang naman at palagi siyang nagmumukmok dito.
"What is this again?"
"Half note"
"Eh, ito?"
"Quarter note"
"Good"
"Lara!" rinig kong tawag ni AJ sa labas kaya tumayo na ako. I felt bad for her. Ilang araw na siyang hindi lumalabas dito, I don't know if nahihiya siya or baka depressed siya these days.
"It's okay" sabi niya nang napansin ang mga titig ko.
"Thank you, ah?"
"No problem, basta ikaw"
I smiled as I walked away. Isinara niya ang pinto.
"Anong ginagawa mo diyan?" takang tanong ni AJ paglabas ko. Saglit kong nilingon ang pinto ng kwarto ni Elise.
"Ah, w-wala... gusto ko lang tumambay dyan saglit" palusot ko. Napakaseryoso kasi ng kanyang mukha.
"I see" aniya at niyakap ako. Weird.
"Be careful" bulong niya.
Anong ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
FUR ELISE
HorrorMi Mib Mi Mib Mi Si- Re Do La- Do- Mi- La- Si- Mi- Lab- Si- Do Mi- Mi Mib Mi Mib Mi Si- Re Do La... Bawat araw ay hindi siya nagsasawang pakinggan ang tugtog na ito. Bawat araw ay nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa dahil sa isang bagong kaibiga...