Olivia's POV
Nagising ako sa isang magulong silid. Napagtanto kong kwarto pala ito ng anak ko. Bumangon ako at nakaramdam ng hilo. Umiikot ang paningin ko at namamanhid ang aking binti. Naalala ko ang nangyari kagabi. Ang pagyakap sa akin ni Elise, ang mukha niyang nakakatakot, at kung paano siya biglang nagbago at...
sinakal niya ako. Hinipo ko ang aking leeg at may dugong dumikit sa dulo ng aking daliri. Napapikit ako sa hapdi. Paika-ika akong naglakad palabas. Pero pagdating ko sa may hagdan ay lumabo ang aking paningin at nanghina ang aking mga tuhod. Naramdaman ko nalang ang pagtama ng aking katawan sa matigas na kahoy at nagpaikot-ikot ako.
Lara's POV
Kinabukasan ay bumangon ako nang maaga. May sariling banyo ang kwarto ni AJ kaya hindi na ako nag-alanganin na maligo. Natatakot na ako at nawalan ng ganang pumasok. Pagkatapos kong magbihis ay nadatnan ko siya na nag-aayos ng kanyang kwarto.
"Good morning" bati ko sa kabila ng mga nakakakilabot na pangyayari kagabi.
"Are you feeling better?"
"Mmm, medyo natatakot parin" sagot ko.
"Wag kang matakot"
"Hindi ko maiwasang matakot, AJ. Ano bang meron sa bahay na ito? Paano tayo aalis dito? Paano na si Elise?" sunud-sunod kong tanong.
"Elise?" his eyes screamed with confusion. "Lara, patay na si Elise" sabi niya na ikinagulat ko.
"Ano?! Anong patay?" Imposible! Buhay pa si Elise! Kasama ko siya palagi!
"Masaya ako na nakilala kita"
"Don't leave me"
Naalala ko ang mga sinabi niya. Nangako pa ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Nakita ko siyang kumain.
"She died 3 months ago, kaya umuwi dito si Tita Olivia dahil sa pagkamatay ng anak niya"
"Anak? Nasa abroad ang anak niya, hindi ba?"
He sighed. "Sana nga nasa abroad lang si Elise. Pero maniwala ka, nagsinungaling si Tita sayo nung sinabi niya iyon" para akong binuhusan ng malamig na tubig. Anak ni Tita Olivia si Elise? Patay na si Elise at nagsinungaling siya sa sakin?
Naalala ko nung minsang tinanong ko si Elise tungkol kay Tita Olivia.
“Kaanu-ano mob a si Tita Olivia?”“She’s my aunt”
Hindi ako nagkakamali!
“Nakausap ko si Elise, sinabi niya sa akin na tiya niya si Tita. Nakausap ko siya nang malapitan, tinuruan niya pa nga akong magbasa ng mga nota, palagi akong nanonood sa kanya habang tumutugtog siya. Fur Elise ang paborito niyang piyesa. Nahawakan ko rin siya at ang lambot ng kamay niya,” paliwanag ko sa kanya.
“Lara, hindi si Elise ang nakaharap mo” kinilabutan ako sa sagot niya.
Kung hindi si Elise ang nakaharap ko, sino? Sino ang Elise na nakasama ko? At nakakausap ko pa kahit tirik ang araw!Hindi! Buhay pa si Elise!!
Tumayo si AJ at binuksan ang drawer. Inilabas niya ang makapal na photo album. Binuklat niya ito sa harap ko.
“Ito si Elise,” tinuro niya ang babaeng nakasuot ng itim na toga. Kamukhang-kamukha niya ang Elise na palagi kong nakakausap. “She’s 23 nung namatay siya. She was a music teacher at a famous school. Pero nabalitaan nalang naming na namatay siya. She took her own life after being raped by her co-teacher. Kinaiiinggitan kasi siya at nalaman naming binubugbog pa siya ng ilan sa mga estudyante. Nasa States si Tita nung mga panahong iyon at wala siyang natatanggap na tawag mula kay Elise” binuklat niya ang kasunod na pahina at nakita ko ang larawan ni Elise na nagtutugtog ng piano.
“Pinakulong namin ang gumawa non sa kanya. Nalaman naming inutusan lang yung lalaki pero hindi naming nalaman kung sino dahil ayaw magsalita nung suspect kaya hanggang ngayon, wala paring hustisya ang pagkamatay niya”
Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. Hindi ko alam na ganon pala katindi ang nangyari kay Elise.
Pero bakit nakikita ko si Elise? Nandito parin baa ng kaluluwa niya?
BINABASA MO ANG
FUR ELISE
HorrorMi Mib Mi Mib Mi Si- Re Do La- Do- Mi- La- Si- Mi- Lab- Si- Do Mi- Mi Mib Mi Mib Mi Si- Re Do La... Bawat araw ay hindi siya nagsasawang pakinggan ang tugtog na ito. Bawat araw ay nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa dahil sa isang bagong kaibiga...