CHAPTER 76: UNDERNEATH THE SURFACE I

62 8 0
                                    

CHAPTER 76: UNDERNEATH THE SURFACE I

JADE

Unti-unting naririnig ko ang ingay sa paligid mula sa mga dumadaan na sasakyan. Inimulat ko ang aking mga mata at agad nakita na nasa gilid ang kurtina ng aking bintana dahilan na pumasok 'yung liwanag mula sa araw.

Kinuha ko 'yung phone na nasa beside table para tingnan ang oras. Malapit na pala ang alas siete ng umaga kaya't mas sumisikat na pala ang araw. Maingat akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para maligo tapos ay nagbihis na ng uniform ko.

Sinuot ko ang eyeglasses ko sabay inaayos rin ang medyong basa ko na buhok sa harapan ng salamin. Sinabit ko sa aking balikat ang bag bago lumabas sa kwarto.

Agad kung nakitang nakatupi ng malinis ang kumot at doon nakapatong ang dalawang unan ko na nasa sofa. Sobrang linis din ng paligid. Nakita ko rin na may pagkain ng nakahanda para sa akin sa mesa kasama na may maliit na note doon nakasulat. Hindi ko mapigilan na ngumiti habang binabasa iyon.

Eat breakfast pumpkin.

He cooked an egg omelet, bacon and avocado egg toast. Nagsimula na akong kumain sa almusal habang nanood din ng balita. Pagkatapos ay ininom ko din 'yung hinanda niyang coffee bago hinugasan ang pinggan.

Suddenly, Kuya Verdelle called me that's why I immediately answered.

“Good morning pumpkin!” he greeted me with his usual cheery tone. “I hope you like the food that I cooked for you”

“Yeah, thank you” I replied.

“Mamaya na ako gabi uuwi diyan. Bibili na rin ako ng paborito mo na cake. May importante kasi akong lakad ngayon. Kitakits nalang tayo mamaya pumpkin. Mag-ingat ka papunta sa school” binaba niya na ang tawag kaya't sandali akong napatitig sa phone screen bago inilagay sa ibabaw ng mesa ang cellphone ko.

Pinatay ko na ang TV at iba pang electrical appliances sa unit ko para umalis ngunit natigilan ako ng tumunog 'yung isang phone na ginagamit ko sa trabaho. Agad akong napalunok ng makita ang number na lumalabas sa screen. Kumalma ka lamang Aria kasi walang masamang mangyari. Dapat kalmado ka lamang kapag kausap sila.

Huminga ako ng malalim na sinagot ang tawag. I turn on my serious and work mode while carefuly listen to the caller on the other line. Nagsalita sila tungkol sa gusto nila ako ngayon makita sa isang malayo na kainan kaya't hindi muna ako pupunta sa eskwelahan. Sumunod naman ako sa utos nila dahil halatang importante ang aming paguusapan. Agad kung ini-delete yung call log tapos ay mabilis nagpalit ng damit.

I wear a white long sleeve shirt and wide long black pants paired with white shoes. Nagsuot nalang din ako ng sumbrero. Papunta doon ay nag-commute ako ng train dahil masyadong malayo pala ang meet up namin. Sinabihan ko nalang din sina Simon at Bryce na mamayang hapon na ako papasok dahil may emergency kami.

Dumating ako doon na wala masyadong tao dahil bago lamang nagbukas ang kainan na nasa gilid ng bukid. I could saw the amazing scenery of the city from up here and its so refreshing to breath a fresh air. Marami din kasing nakapalibot na matataas na puno at halaman kaya't malamig. Dumiretso na ako sa nagiisang babae na umiinom ng kape at umupo sa harapan.

She raised her gaze when she notice my presence. A slim body, small blue eyes, and drooping corners. Her long, ash blonde hair, which is wavy and reaches her mid-back, was pulled back into a high ponytail. She is wearing an open neck beige top with wide-leg dark brown slacks and ankle boots.

Her name is Primrose Hearst or Agent 027.

She smiles sweetly while gently placing back her coffee cup in the table. Her gaze looks not so dangerous instead her overall aura tells she's sweet, kind and friendly.

HIDDEN FILES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon